DEHADO NGA BA ANG GIN KINGS? | Ang NAGING PAHAYAG ni Scottie Thompson nang MAGING EMOSYONAL | Patay!
DEHADO NGA BA ANG GIN KINGS? | Ang NAGING PAHAYAG ni Scottie Thompson nang MAGING EMOSYONAL | Patay!

Wala talagang itulak-kabigin kapag naglalaban ang Meralco Bolts at Barangay Ginebra Gin Kings. Ang huling dalawa nga nilang tunggalian, napagdesisyunan nga lamang sa huling dalawang minuto o sa final possession ng laro. Pareho pa nga ang mga final scores – 83-80. #PUSOSports #PBABubble #BarangayGinebra #MeralcoBolts #TNTTropangGiga Seryeng mala-teleserye dahil hitik sa kulay. Halos pantay kung kakayahan lamang naman ang pag-uusapan. Mula sa mga manlalaro hanggang sa mga cerebral o mauutak na coaches. At sa mga ganitong laro, minsan titingnan na lang natin kung kanino papanig ang tadhana dahil wala talagang gustong bumitaw. Ang mga ambag ni Reynel Hugnatan, hindi rin talaga matutumbasan. Naging mahalagang piyesa sya para sa Meralco Bolts na kung saan naipamalas nya talaga ang kanyang tatag at composure. Sa kanyang pagiging beterano, maaaring dito nga rin nakahugot ng inspirasyon ang iba nyang teammates tulad nina Cliff Hodge, Chris Newsome at Bong Quinto. Pansin din talaga ang struggle ng point guard nilang si Baser Amer na nakapagtala lamang ng tatlong puntos sa loob ng halos dalawampu’t dalawang minuto. Samantalang si Allein Maliksi naman, maagang nakulimbat ang kanyang ika-anim at huling foul. Sayang lang din kasi they could have contributed more in the crucial moments of the game. Well, ganun talaga eh, you win some, you lose some. Saludo pa rin sa Meralco dahil nakita naman nating hindi nila basta-basta ibinigay ang panalo sa kanilang kalaban. Bagaman ganoon ang kinahinatnan, good sport naman sila hanggang dulo. Para sa Gin Kings rin marahil talaga ang gabing ito. Their big time players came to play in the clutch. Ang tatlong tanod nga ng Barangay na sina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle nga ang ilan sa nanguna para sa koponan ngayon ni Tim Cone. Sa ganitong mga laro mo nga makikita ang kanilang halaga para sa Ginebra. Pero sino nga ba ang pinaka-nag-iwan ng marka sa gabing ito? Sino ang pinakanaging tinik para sa Meralco? Maswerte raw talaga si Coach Tim dahil nasa kanila si Scottie Thompson. Kaya naman todo rin talaga ang pagpugay kay Iskati dahil nagbubunga ang kanyang hard work at pagpupursiging ma-improve pa ang kanyang laro. At sa huling tira nga ni Thompson sa tres, pinatay nya ang pag-asa ng Meralco na sa kanila ay makalampas. Ito na nga ang huling pako upang maisara ang kabaong ng Bolts. Sa pagtatapos nga ay napakasolido ng kanyang naging ambag – 20 points, 12 rebounds, seven assists at isa na namang heartbreak sa pagsasara ng kabanatang ito ng kanilang sagupaan. Hindi na rin nga nya marahil napigilang maging emosyonal dahil alay pala nya ito sa kanyang yumaong lola. Dalangin nga raw nya na muli silang makapag-finals na kung saan ito ay para sa kanyang pinakamamahal. At buong tiwala ni Iskati na nandoon ang kanyang namayapang lola na nagbigay sa kanya ng lakas at gabay sa kanyang winning shot. Muli na naman ngang nakalapit ang Ginebra sa isa pang kampeonato sa pagwakas nila sa kampanya ng Meralco. May isa pa silang matinding kakaharapin – ang TNT Tropang Giga. Ano ang masasabi nya sa naging pahayag ni Tim Cone na sila ang “slight underdog” para sa championship series na ito? Kahit na sila nga raw ang nanguna sa elimination round, nandoon pa rin daw ang banta ng Tropang Giga. Marahil ay ang naging pahayag nga na ito ng coach ng Gin Kings ay ang kanyang paraan upang ipakita ang kanyang respeto sa kanilang makakalaban. More than anyone else, si Coach Tim ang may sapat na kredibilidad at karanasan na sabihing hindi dapat minamaliit ang kahit na sinong team. Na sa halip na mag-underestimate, maganda nang ikaw ay overly prepared. Ano sa tingin nyo ang kalalabasan ng susunod na serye? Sino ang magwawagi? Patuloy nating abangan ang mga kaganapan. Panigurado magiging matindi ang bakbakan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/tim-cone-believes-ginebra-is-the-slight-underdog-vs-tnt-a795-20201128?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/tim-cone-talks-about-scottie-thompson-s-rebounding-skills-a795-20201128?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/scottie-thompson-trey-leads-ginebra-past-meralco-in-game-5-thriller-a793-20201127?ref=home_featured_big https://www.spin.ph/basketball/pba/thompson-believes-late-grandma-has-a-hand-in-game-winning-three-point-shot-a793-20201127?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/life/guide/scottie-thompson-vows-to-work-harder-as-grandmother-passes-away-a2442-20201023?ref=article_reco_list https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Ang KAKAIBANG GINAWA ni Thirdy Ravena Noong Halftime! | MUNTIKAN Pa! | Hanep, Ano 'Yon?!
Ang KAKAIBANG GINAWA ni Thirdy Ravena Noong Halftime! | MUNTIKAN Pa! | Hanep, Ano 'Yon?!

Pagkatapos ng matagal na paghihintay, ayan na nga, nakapaglaro na si Thirdy Ravena sa kanyang koponan na San-en NeoPhoenix sa B.League. At sa video natin ngayon, hihimayin natin ang mga naganap sa kanyang debut game kontra sa Shimane Susanoo Magic. #ThirdyRavena #PUSOSports Hindi nga rin kagandahan pa ang standings nitong San-En na papasok sa larong ito na nakakuha pa lamang ng isang panalo sa loob ng sampung laro. Kaya naman siguro napakalaking bagay rin na dumating na nga sa kanila ang isa pang manlalarong handang mag-ambag para mabago ang takbo ng kanilang kampanya. At sa unang paglalaro ni Thirdy, nandoon nga ang excitement. Pansin na hinanap din talaga sya ng kanyang mga kakampi noong umpisa para siguro makapag-break-in na o matanggal na ang mga early jitters at paninibago. Bagong uri ng laro kaya syempre maganda nang makapag-adjust kaagad. Agresibo na kaagad sa mga unang hawak ng bola, sinigurado nyang magiging malupit ang kanyang entrada. Crossover na nakaiwan sa bantay tapos sungkit ng foul sa kalaban. Tapos pump fake sa tres, sumabay ang kalaban, dumiretso sa loob at dunk ang pinagtapusan. Di naman sya pinabayaan ng kanyang mga kampi. Batid nilang isa lang si Thirdy at hindi naman sa kanya lang nakaatang ang lahat ng responsibilidad sa koponang nila. May mga naasahan syang kasama para makadikit sa kalaban. Alam naman nating may angking galing din naman talaga si Ravena. Pero kakaiba rin talaga ang naipakita nya noong halftime. Pagkatapos mag-shootaround ay biglang pumunta sa isang bangko, nagtanggal ng warmer, tumungo at pumormang tila magdadasal. Sadyang madasalin din talaga itong si Thirdy. Kaya naman siguro may napaghugutan sya ng lakas noong 2nd half. Dito nga ay naipagpatuloy nya ang kanyang pagsalaksak at pagbibigay ng puntos sa NeoPhoenix. Bagaman hindi sya ang pinakamataas ang iskor, nagtapos pa rin naman syang may labingtatlong puntos, two rebounds at two assists. Hanggang dulo makikita mong nanalangin syang pumasok ang tira ng kanyang kakampi upang maibigay sa kanila ang panalo. Hanggang dulo hindi rin sya bumitaw para hintayin mag-fist bump silang kanyang coach na natuwa rin talaga sa kanyang pagdating. Mahaba pa ang lakbayin ni Thirdy. Nakuha na nya ang kanyang panalo. Pero marami pa ang kanyang pagdadaanan. Pero banggit na rin ng kanyang ama na si Bong Ravena, ang higit na mahalaga ay ma-enjoy nya ang kanyang ginagawa. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.youtube.com/channel/UC4NpGzqd6nnntf8ehYC50-A https://www.spin.ph/basketball/neophoenix-finally-crack-in-win-column-a2437-20201028 https://www.spin.ph/basketball/bong-ravena-advises-son-thirdy-to-enjoy-the-game-and-make-filipinos-proud-a793-20201108?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/thirdy-ravena-impresses-serbian-coach-in-san-en-neophoenix-debut-a2437-20201107?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/thirdy-ravena-tempers-expectations-ahead-of-b-league-debut-a2437-20201107?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/thirdy-ravena-makes-a-winning-japan-debut-for-san-en-neophoenix-a2437-20201107?ref=article_reco_slide Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Calvin at Perkins BINANGGA nang MATINDI ang Road Warriors! | Nag-COLLAPSE ang NLEX | Ang Pagbabalik
Calvin at Perkins BINANGGA nang MATINDI ang Road Warriors! | Nag-COLLAPSE ang NLEX | Ang Pagbabalik

Marami ang nag-abang sa muling pagbabalik ng The Beast na si Calvin Abueva. At ngayon nga matapos ang lagpas isang taong na pagkakasuspinde ay makapaglalaro na nga sya para sa Phoenix Super LPG Fuelmasters. Pero sa gabing ito, dadaan muna sila sa isang koponang susubok sa kanilang tatag – ang NLEX Road Warriors. Dalawang koponang may kailangang patunayan kaya naman naka-asa tayo nang umaatikabong bakbakan. #CalvinAbuevaReturn #TheBeast #PUSOSports Muli na namang naging mabilis ang pag-arangkada ng Road Warriors sa pagsisimula ng laro. Habang kinakapa pa ng kanilang kalaban ang laro nito, naka-alagwa nga kaagad ang NLEX sa pangununa ni Kevin Alas. Sa kanyang mga salaksak nga ay bumulusok ang kanilang lamang na umabot pa nga ng labing-apat na puntos. Ang rookie nilang si Will Mcaloney ay maganda rin ang naging gising. Sa kanya ngang lapad ay ipinadama nya ang kanyang presensya sa loob. Naging malaking bagay ito lalo na at hindi nakapaglaro ang kapwa rookie nyang si Kris Porter. Sobrang solido rin ang ipinakitang laro ng big man nilang si Raul Soyud na nagmintis lamang ng dalawa sa labing-apat nitong tangka na nagbigay sa kanya ng 27 points – pinakamataas na naitala nya sa kanyang buong karera sa PBA. Kung pumabor nga sana sa kanyang koponan ang katapusan ng laro ay walang duda na sya ang tatanghaling best player. Umalalay rin naman sina JR Quinahan at Kiefer Ravena lalo na noong padulo na kung saan nakagawa sila ng mga plays na nagbigay pa nga sa kanila ng pagkakataong manalo. Pareho nga silang nakapag-ambag ng labingwalong puntos para sa Road Warriors. Pinilit namang sumabay ng mga mandirigma ng NLEX. Nandoon ang pagkagustong mabigyan ng magandang laban ang mga fans at masungkit ang ikalawa nitong W. Sa kabilang banda, ang Phoenix Fuelmasters ay nanatiling totoo sa kanilang pangalan sa gabing ito. Mainit na mainit. Nandoon ang apoy sa kanilang mga mata na nangugusap ng kanilang pagkagustong masundan ang kanilang magandang nilaro noong nakaraang lingo. Lalo na’t alam naman nating nakapag-refuel na ang koponang ito. Kung nag-aapoy lamang din namang mga kamay, taglay pa rin ito ni Matthew Wright. Nanatili syang nakakasa sa perimeter o maging sa three-point line. Hindi biro ang 60% field goal shooting nya na nakapagbigay sa kanya ng game-high 28 points na nakapagbalanse sa atake ng koponan ni Topex. Kahit na limitado ang naging minuto ni Justin Chua sa loob ng court, hindi ito naging hadlang sa kanya upang maging efficient at makapag-ambag ng mga magagandang numero para sa Phoenix. Sa kanya ring sweet shooting ay nakapukol sya ng mga timely baskets. Ang isa pang kaliweteng big man na si Jason Perkins naman ay ayaw paawat sa kaldagan sa loob. Bagaman sya nga ay na-foul-out ay nabigyan pa rin nya ang kanyang team ng double-double – 20 points at 13 rebounds. Sinigurado nya talagang makikilala sya ng kanyang mga kalaban sa kanyang intensity inside the paint. Sinigurado ng The Beast na maalala ng mga manonood ang kanyang pagbabalik sa PBA. Nandoon pa rin ang kanyang nag-uumapaw na energy. Nandoon pa rin ang kanyang bangis habang nananatiling maamo at kontrolado ang damdamin. Sa kanya ngang halos triple-double performance ay naibigay sa kanya ang parangal na Best Player of the Game. Sa kanyang 21 points, 13 rebounds at 7 assists, naging reflection o salamin nga ito ng kalakasang ipinakita ng Phoenix. Sa kanyang mga pinuntos ay pinangunahan nya ang bench nila. Sa kanyang mga rebounds, nakapagbigay sya ng mga dagdag na pagkakataon upang maka-iskor ang kanyang koponan. Dito nga sa mga aspetong ito higit na nakalamang ang Fuelmasters sa kanilang kalaban. Gabi nga ito ng Phoenix, lalo na para kay The Beast. Higit siguro ang kanilang galak na sa kanyang pagbabalik ay sila ay muling nagwagi. Karagdagang alas sa kamay ng kanilang coach na si Topex, lubos nga ang kanilang tuwa na buo na ang lineup ng Fuelmasters. 4-2 na sa standings, kung magtuloy-tuloy pa ang maganda nilang takbo ay paniguradong magiging matindi silang banta sa kanilang makasasagupa. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/calvin-abueva-describes-feelings-about-suspension-and-pba-return-a795-20201026?ref=home_featured_2 https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Ginebra SINALPOK KAAGAD ang NLEX | Road Warriors NAUBUSAN | Di MALAMAN San GALING ang ATAKE ng Kings
Ginebra SINALPOK KAAGAD ang NLEX | Road Warriors NAUBUSAN | Di MALAMAN San GALING ang ATAKE ng Kings

NLEX Road Warriors at Barangay Ginebra Gin Kings. Dalawang koponang sisimulan ang kanilang paglalakbay ngayong All-Filipino Cup. Dalawang koponang magsasagupaan upang maipakita ang husay ng kanilang mga galaw. Unang laro pa lamang, salpukan na agad. #Iskati #Pambihira #PUSOSports Kung susuriin natin ang mga manlalarong ipinadala ng Road Warriors para sa PBA Bubble, mayroon silang mga gwardiyang mabibigat ang mga pangalan. Nasa kanila nga ang mga beteranong sina Kiefer Ravena, Jericho Cruz, Kevin Alas at ang kanilang bagong recruit na si Mike Ayonayon. Sa kabuuan nga ng laro ay nakakuha lamang ang NLEX ng combined 35 points mula sa apat na manlalarong ito. Ang kababalik lang mula injury at bagong kasal na si Kevin ang may pinakamalaking ambag sa gabing ito, na sinundan ng birthday boy na si Jericho. Bagaman nagbigay na ng patikim si Mike sa kanyang atletisismo, nakapagtapos nga lamang sya ng may dalawang puntos. Di rin naging sapat ang ibinigay ni Kiefer na 6 points para makasabay sa kalaban. Sa kabilang banda, kahit na nawala nga sa kanila ang kanilang star big man na si Poy Erram sa pagkaka-trade nito sa TNT, sinubukan pa rin namang punan ng mga big men ng Road Warriors ang kakulangan nila sa loob. Pinangunahan nga ito nina JR Quinahan, Raul Soyud at ang bagong saltang si Kris Porter. Sa bawat bira nga ng NLEX, mayroong naging sagot ang Ginebra. Hindi alam ng kalaban kung saan manggagaling ang mga puntos dahil buong Barangay ang nagtulungan upang patagin ang kanilang daan tungo sa tagumpay. Pinagsama-sama nila ang kanilang husay nang sa gayon ay makuha nila ang kalamangan. Muli na ring sumabak sa laro sina Japeth Aguilar at LA Tenorio. Bagaman bakas na kailangan pa nilang muling magpakondisyon dahil galing sa mahabang bakasyon at ang isa naman ay galing sa isang operasyon, nakita natin sila sa loob upang kahit papaano ay maibalik ang kanilang feel for the game at madagdagan muli ang kumpiyansa. Hindi rin naman nila kailangan masyadong maghapit dahil nakakuha si Tim Cone ng magandang laro mula sa iba nitong players. Sa pitong manlalaro ngang naka-iskor ng double digits, si Aljon Mariano ang nanguna sa kanila na may dalawampung puntos at may limang rebounds. Nandoon pa rin ang matinding mga galawan ni Stanley Pringle. Shifty pa rin at napakabilis, yun nga lamang ay nagkamit din ng limang turnovers. Ang mga kaliweteng sina Jared Dillinger at Joe Devance, napaka-efficient din ng laro – wala masyadong nasayang na mga pagkakataon. Di rin natin kalilimutan ang magandang shooting ng kanilang isa pang big man na si Prince Caperal. Kung taas lang naman din ng talon at nose for the ball ang ating titingnan, napakatindi talaga ng skill set nitong si Scottie Thompson. Nanguna nga sya sa pagkalawit ng mga rebounds at nakakuha ng labing-isa nito. Sinamahan pa ng dalawang steals at isang block na tila pang-volleyball. Double-double nga sya sa gabing ito. Marahil ay inaabangan din talaga ng mga manonood si Iskati sa tuwing hawak nya ang bola – maaari nya itong ipasa, i-layup o ipukol sa tres. Kaya rin siguro todo rin ang paghanga ni Tim Cone dito dahil ang daming pwedeng maging ambag kapag nasa loob ng court. Kahit nga hindi sila nagwagi ngayon, alam nating kaya namang makipagsabayan nitong mga taga-NLEX. Kaunting “pangaral” at “motivational speech” pa ni Coach Yeng Guiao, malalaman nila kung gaano sila nito “kamahal” at mabubuhay rin ang kanilang dugo bilang mga Road Warriors. Nakaalagwa rin talaga kasi ang Gin Kings noong 1st at 3rd quarters. Higit na aktibo lamang din siguro ang kanilang mga manlalaro, at syempre nakikita nilang pumapasok ang kanilang mga tira. Kung magtuloy-tuloy nga ito ay paniguradong magiging matindi silang balakid sa kung sino man ang kanilang makaharap. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/yeng-guiao-says-wearing-a-face-mask-while-coaching-a-big-challenge-a793-20201012?ref=feed_3_section https://www.spin.ph/basketball/pba/ironman-streak-intact-as-tenorio-suits-up-two-weeks-after-surgery-a793-20201012?ref=feed_3_section https://www.spin.ph/basketball/pba/mariano-dillinger-caperal-step-up-in-ginebra-s-win-vs-nlex-a795-20201011?ref=feed_4_section https://www.spin.ph/basketball/pba/aljon-mariano-scottie-thompson-take-over-as-ginebra-rips-nlex-a795-20201011?ref=feed_4_section https://www.spin.ph/basketball/pba/tenorio-hoping-to-extend-consecutive-game-playing-streak-a793-20201011?ref=feed_6_section https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!




« Previous


Popular Tags

#Shaquille O'Neal  #Counter Attack Goals Football  #Best Goals  #Goalkeeper Saves  #Golden State Warriors  #Chris Paul  #Football Defensive Skills  #Neymar  #Goal Celebrations  #Thomas Muller  

Popular Users

#floydmayweather  #LilTunechi  #instagram  #realDonaldTrump  #WWE  #kevinlove  #steveaustinBSR  #serenawilliams  #elonmusk  #hunterpence  #dougferguson405  #BellaTwins  #lindseyvonn  #AdamSchefter