Content removal request!


Ang KAKAIBANG GINAWA ni Thirdy Ravena Noong Halftime! | MUNTIKAN Pa! | Hanep, Ano 'Yon?!

Pagkatapos ng matagal na paghihintay, ayan na nga, nakapaglaro na si Thirdy Ravena sa kanyang koponan na San-en NeoPhoenix sa B.League. At sa video natin ngayon, hihimayin natin ang mga naganap sa kanyang debut game kontra sa Shimane Susanoo Magic. #ThirdyRavena #PUSOSports Hindi nga rin kagandahan pa ang standings nitong San-En na papasok sa larong ito na nakakuha pa lamang ng isang panalo sa loob ng sampung laro. Kaya naman siguro napakalaking bagay rin na dumating na nga sa kanila ang isa pang manlalarong handang mag-ambag para mabago ang takbo ng kanilang kampanya. At sa unang paglalaro ni Thirdy, nandoon nga ang excitement. Pansin na hinanap din talaga sya ng kanyang mga kakampi noong umpisa para siguro makapag-break-in na o matanggal na ang mga early jitters at paninibago. Bagong uri ng laro kaya syempre maganda nang makapag-adjust kaagad. Agresibo na kaagad sa mga unang hawak ng bola, sinigurado nyang magiging malupit ang kanyang entrada. Crossover na nakaiwan sa bantay tapos sungkit ng foul sa kalaban. Tapos pump fake sa tres, sumabay ang kalaban, dumiretso sa loob at dunk ang pinagtapusan. Di naman sya pinabayaan ng kanyang mga kampi. Batid nilang isa lang si Thirdy at hindi naman sa kanya lang nakaatang ang lahat ng responsibilidad sa koponang nila. May mga naasahan syang kasama para makadikit sa kalaban. Alam naman nating may angking galing din naman talaga si Ravena. Pero kakaiba rin talaga ang naipakita nya noong halftime. Pagkatapos mag-shootaround ay biglang pumunta sa isang bangko, nagtanggal ng warmer, tumungo at pumormang tila magdadasal. Sadyang madasalin din talaga itong si Thirdy. Kaya naman siguro may napaghugutan sya ng lakas noong 2nd half. Dito nga ay naipagpatuloy nya ang kanyang pagsalaksak at pagbibigay ng puntos sa NeoPhoenix. Bagaman hindi sya ang pinakamataas ang iskor, nagtapos pa rin naman syang may labingtatlong puntos, two rebounds at two assists. Hanggang dulo makikita mong nanalangin syang pumasok ang tira ng kanyang kakampi upang maibigay sa kanila ang panalo. Hanggang dulo hindi rin sya bumitaw para hintayin mag-fist bump silang kanyang coach na natuwa rin talaga sa kanyang pagdating. Mahaba pa ang lakbayin ni Thirdy. Nakuha na nya ang kanyang panalo. Pero marami pa ang kanyang pagdadaanan. Pero banggit na rin ng kanyang ama na si Bong Ravena, ang higit na mahalaga ay ma-enjoy nya ang kanyang ginagawa. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.youtube.com/channel/UC4NpGzqd6nnntf8ehYC50-A https://www.spin.ph/basketball/neophoenix-finally-crack-in-win-column-a2437-20201028 https://www.spin.ph/basketball/bong-ravena-advises-son-thirdy-to-enjoy-the-game-and-make-filipinos-proud-a793-20201108?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/thirdy-ravena-impresses-serbian-coach-in-san-en-neophoenix-debut-a2437-20201107?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/thirdy-ravena-tempers-expectations-ahead-of-b-league-debut-a2437-20201107?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/thirdy-ravena-makes-a-winning-japan-debut-for-san-en-neophoenix-a2437-20201107?ref=article_reco_slide Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!