Content removal request!


Calvin at Perkins BINANGGA nang MATINDI ang Road Warriors! | Nag-COLLAPSE ang NLEX | Ang Pagbabalik

Marami ang nag-abang sa muling pagbabalik ng The Beast na si Calvin Abueva. At ngayon nga matapos ang lagpas isang taong na pagkakasuspinde ay makapaglalaro na nga sya para sa Phoenix Super LPG Fuelmasters. Pero sa gabing ito, dadaan muna sila sa isang koponang susubok sa kanilang tatag – ang NLEX Road Warriors. Dalawang koponang may kailangang patunayan kaya naman naka-asa tayo nang umaatikabong bakbakan. #CalvinAbuevaReturn #TheBeast #PUSOSports Muli na namang naging mabilis ang pag-arangkada ng Road Warriors sa pagsisimula ng laro. Habang kinakapa pa ng kanilang kalaban ang laro nito, naka-alagwa nga kaagad ang NLEX sa pangununa ni Kevin Alas. Sa kanyang mga salaksak nga ay bumulusok ang kanilang lamang na umabot pa nga ng labing-apat na puntos. Ang rookie nilang si Will Mcaloney ay maganda rin ang naging gising. Sa kanya ngang lapad ay ipinadama nya ang kanyang presensya sa loob. Naging malaking bagay ito lalo na at hindi nakapaglaro ang kapwa rookie nyang si Kris Porter. Sobrang solido rin ang ipinakitang laro ng big man nilang si Raul Soyud na nagmintis lamang ng dalawa sa labing-apat nitong tangka na nagbigay sa kanya ng 27 points – pinakamataas na naitala nya sa kanyang buong karera sa PBA. Kung pumabor nga sana sa kanyang koponan ang katapusan ng laro ay walang duda na sya ang tatanghaling best player. Umalalay rin naman sina JR Quinahan at Kiefer Ravena lalo na noong padulo na kung saan nakagawa sila ng mga plays na nagbigay pa nga sa kanila ng pagkakataong manalo. Pareho nga silang nakapag-ambag ng labingwalong puntos para sa Road Warriors. Pinilit namang sumabay ng mga mandirigma ng NLEX. Nandoon ang pagkagustong mabigyan ng magandang laban ang mga fans at masungkit ang ikalawa nitong W. Sa kabilang banda, ang Phoenix Fuelmasters ay nanatiling totoo sa kanilang pangalan sa gabing ito. Mainit na mainit. Nandoon ang apoy sa kanilang mga mata na nangugusap ng kanilang pagkagustong masundan ang kanilang magandang nilaro noong nakaraang lingo. Lalo na’t alam naman nating nakapag-refuel na ang koponang ito. Kung nag-aapoy lamang din namang mga kamay, taglay pa rin ito ni Matthew Wright. Nanatili syang nakakasa sa perimeter o maging sa three-point line. Hindi biro ang 60% field goal shooting nya na nakapagbigay sa kanya ng game-high 28 points na nakapagbalanse sa atake ng koponan ni Topex. Kahit na limitado ang naging minuto ni Justin Chua sa loob ng court, hindi ito naging hadlang sa kanya upang maging efficient at makapag-ambag ng mga magagandang numero para sa Phoenix. Sa kanya ring sweet shooting ay nakapukol sya ng mga timely baskets. Ang isa pang kaliweteng big man na si Jason Perkins naman ay ayaw paawat sa kaldagan sa loob. Bagaman sya nga ay na-foul-out ay nabigyan pa rin nya ang kanyang team ng double-double – 20 points at 13 rebounds. Sinigurado nya talagang makikilala sya ng kanyang mga kalaban sa kanyang intensity inside the paint. Sinigurado ng The Beast na maalala ng mga manonood ang kanyang pagbabalik sa PBA. Nandoon pa rin ang kanyang nag-uumapaw na energy. Nandoon pa rin ang kanyang bangis habang nananatiling maamo at kontrolado ang damdamin. Sa kanya ngang halos triple-double performance ay naibigay sa kanya ang parangal na Best Player of the Game. Sa kanyang 21 points, 13 rebounds at 7 assists, naging reflection o salamin nga ito ng kalakasang ipinakita ng Phoenix. Sa kanyang mga pinuntos ay pinangunahan nya ang bench nila. Sa kanyang mga rebounds, nakapagbigay sya ng mga dagdag na pagkakataon upang maka-iskor ang kanyang koponan. Dito nga sa mga aspetong ito higit na nakalamang ang Fuelmasters sa kanilang kalaban. Gabi nga ito ng Phoenix, lalo na para kay The Beast. Higit siguro ang kanilang galak na sa kanyang pagbabalik ay sila ay muling nagwagi. Karagdagang alas sa kamay ng kanilang coach na si Topex, lubos nga ang kanilang tuwa na buo na ang lineup ng Fuelmasters. 4-2 na sa standings, kung magtuloy-tuloy pa ang maganda nilang takbo ay paniguradong magiging matindi silang banta sa kanilang makasasagupa. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/calvin-abueva-describes-feelings-about-suspension-and-pba-return-a795-20201026?ref=home_featured_2 https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!