DEHADO NGA BA ANG GIN KINGS? | Ang NAGING PAHAYAG ni Scottie Thompson nang MAGING EMOSYONAL | Patay! by @PUSO Sports - Post Details

DEHADO NGA BA ANG GIN KINGS? | Ang NAGING PAHAYAG ni Scottie Thompson nang MAGING EMOSYONAL | Patay!

Wala talagang itulak-kabigin kapag naglalaban ang Meralco Bolts at Barangay Ginebra Gin Kings. Ang huling dalawa nga nilang tunggalian, napagdesisyunan nga lamang sa huling dalawang minuto o sa final possession ng laro. Pareho pa nga ang mga final scores – 83-80. #PUSOSports #PBABubble #BarangayGinebra #MeralcoBolts #TNTTropangGiga Seryeng mala-teleserye dahil hitik sa kulay. Halos pantay kung kakayahan lamang naman ang pag-uusapan. Mula sa mga manlalaro hanggang sa mga cerebral o mauutak na coaches. At sa mga ganitong laro, minsan titingnan na lang natin kung kanino papanig ang tadhana dahil wala talagang gustong bumitaw. Ang mga ambag ni Reynel Hugnatan, hindi rin talaga matutumbasan. Naging mahalagang piyesa sya para sa Meralco Bolts na kung saan naipamalas nya talaga ang kanyang tatag at composure. Sa kanyang pagiging beterano, maaaring dito nga rin nakahugot ng inspirasyon ang iba nyang teammates tulad nina Cliff Hodge, Chris Newsome at Bong Quinto. Pansin din talaga ang struggle ng point guard nilang si Baser Amer na nakapagtala lamang ng tatlong puntos sa loob ng halos dalawampu’t dalawang minuto. Samantalang si Allein Maliksi naman, maagang nakulimbat ang kanyang ika-anim at huling foul. Sayang lang din kasi they could have contributed more in the crucial moments of the game. Well, ganun talaga eh, you win some, you lose some. Saludo pa rin sa Meralco dahil nakita naman nating hindi nila basta-basta ibinigay ang panalo sa kanilang kalaban. Bagaman ganoon ang kinahinatnan, good sport naman sila hanggang dulo. Para sa Gin Kings rin marahil talaga ang gabing ito. Their big time players came to play in the clutch. Ang tatlong tanod nga ng Barangay na sina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle nga ang ilan sa nanguna para sa koponan ngayon ni Tim Cone. Sa ganitong mga laro mo nga makikita ang kanilang halaga para sa Ginebra. Pero sino nga ba ang pinaka-nag-iwan ng marka sa gabing ito? Sino ang pinakanaging tinik para sa Meralco? Maswerte raw talaga si Coach Tim dahil nasa kanila si Scottie Thompson. Kaya naman todo rin talaga ang pagpugay kay Iskati dahil nagbubunga ang kanyang hard work at pagpupursiging ma-improve pa ang kanyang laro. At sa huling tira nga ni Thompson sa tres, pinatay nya ang pag-asa ng Meralco na sa kanila ay makalampas. Ito na nga ang huling pako upang maisara ang kabaong ng Bolts. Sa pagtatapos nga ay napakasolido ng kanyang naging ambag – 20 points, 12 rebounds, seven assists at isa na namang heartbreak sa pagsasara ng kabanatang ito ng kanilang sagupaan. Hindi na rin nga nya marahil napigilang maging emosyonal dahil alay pala nya ito sa kanyang yumaong lola. Dalangin nga raw nya na muli silang makapag-finals na kung saan ito ay para sa kanyang pinakamamahal. At buong tiwala ni Iskati na nandoon ang kanyang namayapang lola na nagbigay sa kanya ng lakas at gabay sa kanyang winning shot. Muli na naman ngang nakalapit ang Ginebra sa isa pang kampeonato sa pagwakas nila sa kampanya ng Meralco. May isa pa silang matinding kakaharapin – ang TNT Tropang Giga. Ano ang masasabi nya sa naging pahayag ni Tim Cone na sila ang “slight underdog” para sa championship series na ito? Kahit na sila nga raw ang nanguna sa elimination round, nandoon pa rin daw ang banta ng Tropang Giga. Marahil ay ang naging pahayag nga na ito ng coach ng Gin Kings ay ang kanyang paraan upang ipakita ang kanyang respeto sa kanilang makakalaban. More than anyone else, si Coach Tim ang may sapat na kredibilidad at karanasan na sabihing hindi dapat minamaliit ang kahit na sinong team. Na sa halip na mag-underestimate, maganda nang ikaw ay overly prepared. Ano sa tingin nyo ang kalalabasan ng susunod na serye? Sino ang magwawagi? Patuloy nating abangan ang mga kaganapan. Panigurado magiging matindi ang bakbakan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/tim-cone-believes-ginebra-is-the-slight-underdog-vs-tnt-a795-20201128?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/tim-cone-talks-about-scottie-thompson-s-rebounding-skills-a795-20201128?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/scottie-thompson-trey-leads-ginebra-past-meralco-in-game-5-thriller-a793-20201127?ref=home_featured_big https://www.spin.ph/basketball/pba/thompson-believes-late-grandma-has-a-hand-in-game-winning-three-point-shot-a793-20201127?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/life/guide/scottie-thompson-vows-to-work-harder-as-grandmother-passes-away-a2442-20201023?ref=article_reco_list https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Similar Posts!

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...