PUSO Sports's user profile page. Match highlights, posts and more on site!

“”

 Report User

Latest Posts

OH MY GOODNESS na lang NASABI! | PUMALAG pa rin | Terrence Romeo at Perez, PINAGTRIPAN ANG KALABAN?!
OH MY GOODNESS na lang NASABI! | PUMALAG pa rin | Terrence Romeo at Perez, PINAGTRIPAN ANG KALABAN?!

Parehong kagagaling lamang sa pagkatalo. Parehong likido ngunit magkaiba ang gamit sa katawan. Pabango ang isa, samantalang serbesa naman ang isa pa. sa tunggalian ng Blackwater Bossings at San Miguel Beermen, hindi rin naiwasan ng mga commentator na mapabilib sa nagawa ng mga players. Higit na matindi ba ang amoy ng Blackwater o mas malakas ang tama ng San Miguel? #PUSOSports #OhMyGoodness Ang dating player ng SMB na si Rashawn McCarthy na dati na ring nakainitan ni Terrence Romeo, nakapagtala ng labing-apat na puntos. Bagaman nagkaroon ng limang turnovers, isa pa rin sya sa mga pangunahing banta ng Bossings kaya naging mahigpit ang pagbabanyay sa kanya ng kanyang dating koponan. Kararating lang mula sa Alaska Aces, parang mas batang Raymond Almazan itong si Barkley Ebona – maliksi para sa kanyang tangkad at may shooting din mula sa labas. Sa kanyang magagandang pwestuhan ay nabibiyayaan sya ng magagandang pasa mula sa kanyang mga kakampi na kung saan nagiging madali ang pag-iskor. Si Paul Desiderio desididong pangunahan ang Blackwater sa gabing ito. Team-high 16 points ang kanyang ambag na kinailangan talaga ng kanyang koponan upang kahit papaano’y makapalag pa rin sa kanilang mga kalaban. Tila naging sulit ang desisyon ng kanilang coach na gawing starter si Paul – dahil nasuklian ito ng solidong mga numero ni Desiderio. Ginamitan nang magandang footwork ni Vic Manuel ang kanyang mga bantay upang sya ay makahanap ng mga siwang sa ilalim. Sa kaunting bangga at spin move, naiiwanan nya ang kanyang mga kalaban. At sa kanyang naging ambag off the bench, lalong lumobo ang kalamangan ng beermen sa gabing ito. Sa mga tikada ni Marcio Lassiter sa gabing ito, hindi na napigilang mapa-oh my goodness ng commentator. Asintado si Super Marcio na kung saan lagpas limampung bahagdan ang kanyang na-i-convert. Labingwalong puntos sa kanyang pangalan na ikalawa sa pinakamataas para sa kanilang koponan. Si Bro Terrence, sinimplehan lang ang basketball sa gabing ito. Wala mang napabagsak ngayong manlalaro dahil sa kanyang shifty na pag-dribble ng bola, lumagpas pa rin ng sampu ang kanyang naibigay para sa SMB. Tapos sinamahan pa ng dalawang steals. Anong masasabi nyo sa isang fastbreak conversion nila ni CJ Perez? Malakas din ang tama nitong isa pang gwardiya ng San Miguel sa larong ito. Halos tama lahat ng kanyang mga nagawa at naging balanse ang kanyang pag-atake – may mga tangka sa tres at matindihang mga salaksak sa loob. Walang nakasabay sa kanyang trip sa kanyang mga kalaban at tila naiwan lang niya ang mga ito. At ang kanyang mga numero sa gabing ito, dalawampu’t isang puntos, anim na rebounds, apat na assists at isang steal. Umabot ng dalawampu’t lima ang pinakamalaking kalamangan ng SMB na sinubukang pababain ng Bossings sa sampu noong ikaapat na quarter. Sina Jaylen Bond at Brandon Brown hindi sobrang taas ng puntos pero nakabawi naman sa rebounds. Points in the paint ang naging kalakasan ng San Miguel. Pumalag pero walang humpay ang atake ng Beermen. Iniwang wasak ng alak ang Blackwater sa final score na 107-88. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!
NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!

Ibang klase ang hatid na galak kapag nakakikita ka ng fans sa Araneta. Tila nagkakaroon ng dagdag na motibasyon upang makapaglaro nang maganda sa harap nila. Lalo na kung ang laban ay kontra Ginebra – nais siguro ng kabilang koponan na mapatahimik ang mga manonood na sa kabilang koponan nakasuporta. At kung naglalaro ka naman para sa Gin Kings, nanaisin mo marahil na masuklian ang bawat sigaw at dagundong na hatid ng iyong mga ka-Barangay. #PUSOSports #BarangayGinebra #PhoenixFuelmasters Sa larong ito, nahanap ni Matthew Wright ang kanyang shooting touch. Dinagdagan pa nga ng anim na steals at walong assists. Isa sa mga dahilan kung bakit naging sagana sa puntos ang Phoenix Fuelmasters sa gabing ito. Naging maganda ang daloy ng kanilang opensa na kung saan si Matthew nga ang isa sa mga pangunahing sandigan. Nandoon din ang tulong ng iba pa nilang gwardiyang sina Chris Banchero na nakapagtala ng labingwalong puntos. Habang si Aljun Melecio na naging ka-relyebo nya, nakapagbigay rin ng labinglimang puntos na dumating sa mga panahong dikit at mabibigat ang bawat possession. Samantalang ang import ni Coach Topex na si Paul Harris, hindi rin naman nagpahuli. Bagkus, pinatunayan niya kung bakit isa sya sa mga palagiang kinukuhang imports sa liga. Steady ang pulso at kahit na may bantay nga ay buong loob syang tumitira sa harap nito. Kaya naman dalawampu’t anim na puntos ang kanyang na-i-ambag sa gabing ito. Sapat upang kahit papaano ay mapantayan ang import ng kalaban. Bagaman hindi nakapaglaro si Stanley Pringle, nakakuha ang Gin Kings ng produksyon mula sa iba nitong manlalaro. Una sa listahan ng mga magadan ang nilaro ay si Arvin Tolentino. Samantalang si Justin Brownlee, solido rin ang mga numero sa kanyang apatnapu’t walong minuto sa loob ng court – 31 points, 9 rebounds, at 8 assists. Almost a triple-double. Naasahan namang pumigil at depensahan ang import ng kalaban itong si Christian. Ginawa ito ni Standhardinger kasabay ng kanyang pagbibigay ng halos kaparehong numero ni JB. Tatlumpung puntos at siyam na rebounds sa loob ng apatnapung minuto. Sya ang nagsilbing tinik sa lineup ng Phoenix sa ilalim. Samantalang si Scottie Thompson, mahusay rin ang ipinamalas kontra Fuelmasters off the bench. Lagpas sampu ang puntos na sinamahan pa ng pitong rebounds. may isang pagkakataon pa ngang si Paul Harris pa ang kasabayan niya sa isang loose ball. Nahirapan din ang kanyang mga kabantayan dahil sa pagiging malikot nitong si Iskati. Ang mga bira ni Tenyente ang talagang nagdala sa Ginebra upang pagharian ang gabing ito. Tulad ni Justin Brownlee, almost triple double din itong si Luis Alfred sa kanyang stats na 15 points na sinamahan pa ng walong rebounds at siyam na assists. Umuulan ng mga magagandang numero. At kasabay nito, ang pag-ulan din ng mga crucial na three points na nagsilbing pangtabla noong ikaapat na quarter at dagger o pang-baon noong overtime. Nakasabay ang Phoenix, pero sa dulo may mga crucial plays na hindi talaga umayon sa kanila. Mga turnovers at missed free throws na sana ay nakapag-seal na ng panalo para sa kanilang koponan. Bagaman maganda ang produksyon ni Jason Perkins maaga niyang nilisan ang laro dahil sya ay fouled out na ilang minuto pa ang natitira. Nasa kamay na nila ang W, iyon nga lamang nawala pa. Bilog talaga ang bola, at habang may segundo pang nalalabi, kailangan talagang walang bibitaw. Never say die – iyan na naman ang ginamit ng Barangay Ginebra. Nanakawan pa ng panalo ang Phoenix. Nanaig muli ang mga hari at pinatunayan nila kung sino ang higit na may composure sa end game. Pinatunayan ng Gin Kings na kaya nilang mag-execute o makagawa ng mga big time plays kung kinakailangan. Kaya naman may ngiting umuwi ang kanilang mga fans. Ano ang masasabi ninyo sa larong ito? Best game of the conference so far o sakto lang? __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



INIWAN na nga, TININGNAN pa PABALIK! | NAGPATIKIM na ang IKALAWANG PICK! | Jalen Green Highlights
INIWAN na nga, TININGNAN pa PABALIK! | NAGPATIKIM na ang IKALAWANG PICK! | Jalen Green Highlights

I-re-represent o magiging kinatawan nga raw siya ng bansang Pilipinas at ng bawat Pilipino sa larong basketball, banggit nya nang may buong kumpiyansa. Tulad ng isang rocket na patungong outer space, maging maganda kaya ang take-off ni Jalen Green para sa kanyang simula sa NBA? #PUSOSports Houston Rockets kontra Cleveland Cavaliers. Sa una ngang laro sa NBA Summer League sa Las Vegas ni Jalen ay kinaharap nga nya kaagad ang manlalarong kasunod nyang tinawag noong draft na si Evan Mobley. Matangkad at payat pero may angking bilis rin itong prized recruit ng Cavs. Iba naman ang pa-welcome at pagbati ng kakampi ng 3rd overall pick kay Green. Si Isaac Okoro nga, tila di basta-bastang ibibigay ang spotlight sa mga bagong salta. Siya nga ang nanguna para sa kanilang koponan sa pag-iskor ng labingpitong puntos na sinamahan pa ng tatlong rebounds, dalawang assists, at isang eksplosibong dakdak. Bahagya mang nalamangan ang Houston sa unang dalawang quarters, hindi ito naging hadlang para kay Jalen Green upang magpakitang-gilas sa mga nanood ng live. Sya talaga ang isa sa mga inabangan dito at buong-buo naman syang nakapagpasiklab. Ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang scorer. 23 points at 50% field goal shooting. Sa kanyang magandang stroke, naipasok nya nga ang kanyang mga tira sa labas. Sa kanyang matinding POKUS sa pag-penetrate sa basket, naiwan nga niya ang kanyang mga bantay. May mangilan-ngilan pang pagkakataon na sa sobrang swabe ng kanyang galaw ay may panahon pa siya para tingnan ang kalabang kanyang naiwan. Mukhang isa rin talaga sa mga paboritong move nitong 19-year old standout ang step back. Pero alam nating marami pang baon-baon itong si Jalen Green. Kung skills lang ang pag-uusapan, bakas nga ang karamihan nya nito. Kung tiwala o bilib sa sarili, baka nga ring hindi siya nagkukulang dito. Apat nga ang rookie na na-draft ng Houston Rockets ang ibabandera nila sa papasok na season ng NBA. At ang pinakamataas nga rito at pinakaputok ang pangalan ay si Jalen Green. Ano sa tingin ninyo ang tsansa ng koponang ito na makipagsabayan sa ibang higit na beteranong teams sa NBA? Kakayanin kaya nila? Aabangan natin yan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-stars-as-rockets-beat-cavs-in-nba-summer-league-a994-20210809?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-proud-to-represent-philippines-in-nba-draft-quest-a2437-20210728?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-ignite-teammates-prepare-for-tough-test-in-nba-a1745-20210731?ref=site_search Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



TUSTADO!!! | BAHAGI NG KASAYSAYAN! HINDI MAGANDANG BALITA! | Jordan Clarkson Highlights
TUSTADO!!! | BAHAGI NG KASAYSAYAN! HINDI MAGANDANG BALITA! | Jordan Clarkson Highlights

Muli na naman ngang natusta ang mga ibon ng Atlanta sa kamay ng Utah Jazz. Wala masyadong pinagkaiba sa kinalabasan nang sila ay nagharap noong nakaraang buwan. Bagaman hindi naglaro ang pinaka-star player ng Hawks na si Trae Young, nasa front row sya o napakalapit nyang napanood ang pananalasa ng mga dayo. #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Mismong ang binansagang flamethrower ng Jazz na si Jordan Clarkson ang nanguna para sunugin ang mga manlalarong nakapula sa Atlanta. Inilabas nya rito ang kanyang iba’t ibang klaseng galaw na talaga namang nakaiiwan ng bantay. Kahit sino pa iyang kanyang nasa harap, no one was able to stop. Hindi napigilan ng kabila ang kanyang game-high 23 points na sinamahan pa ng pitong rebounds. Itong kanyang naging scoring output nga ay halos katumbas na ng kalamangan ng Utah sa pagtatapos ng kanilang tunggalian. At dahil nga rito sa kanilang panalo ay nananatili pa rin sila sa pinakataas ng standings. Magandang balita ito para sa kanilang mga fans na nakikitang nagtutuloy-tuloy ang kanilang outstanding play ngayong regular season. Matapos ngang tustahin ang koponan ng Hawks, dumiretso naman sila sa kanilang isa pang road game sa Charlotte para kalabanin naman ang isa sa mga matunog ang pangalang rookie na si LaMelo Ball at ang buong team ng Hornets. At sa gabing ito, wala marahil nagbanggit sa kanila na kahit nasa loob sila Spectrum Center ay kailangan nilang magdala ng payong. Dalawampu’t anim. Iyan ang bilang ng tres na naitala ng Utah Jazz upang makagawa ng kanilang bagong franchise record. Umulan talaga mula sa rainbow country. Kasama nina Bogdanovic, Mitchell, Conley at iba pa, bahagi rin si JC sa makasaysayang gabing ito. Di nga umubra ang switching defense ng kalaban na kung saan nakatitira sina Jordan dahil mayroong sapat na puwang sa three point line. Ang medyo naging minor setback lamang marahil para sa laro ng Utah sa Charlotte ay ang naramdamang injury ni Mike Conley sa hamstring, dahilan upang hindi nya nga matapos ang game at umupo na lang sa bench. Hindi pa naman masyadong nadama ang kanyang pagkawala ngayon sapagkat nakapag-ambag naman ang iba nilang players. Ang hindi magandang balita ngang ito para sa koponan ng Jazz ang susubok sa kanilang mga paparating na laro. Lalo na’t di biro ang mga susunod nilang katunggali – Pacers, Celtics, Bucks, Heat at Clippers. Panigurado, aangat sa starting five si Joe Ingles at magkakaroon ng mga karagdagang minuto itong si Clarkson. Sa kabila ng injury ni Conley na wala naman sigurong may gusto, hindi ba maaari rin nating tingnan na opportunity rin ito kay JC? Abangan natin kung masusulit ni Jordan ang pagkakataong ibibigay sa kanya upang lalong matulungan ang kanyang team. Sana marami pang nakaimbak na gasolina ang flamethrower ng Jazz. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/bojan-bogdanovic-jazz-continue-roll-with-victory-over-hornets-a1725-20210206?ref=article_tag https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-jazz-vs-hawks-a1773-20210205?ref=article_tag https://www.deseret.com/sports/2021/2/6/22269211/mike-conley-dealing-with-hamstring-tightness-will-not-play-for-utah-jazz-against-indiana-pacers https://www.nba.com/hornets/despite-obvious-similarities-cody-and-caleb-martins-differences-standout-court https://www.nba.com/game/uta-vs-cha-0022000342/box-score#box-score https://www.nba.com/game/uta-vs-atl-0022000338/box-score#box-score Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



NAKAGUGULAT! | MINSAN LANG ITO GAWIN NI CLARKSON | Jordan Clarkson Highlights
NAKAGUGULAT! | MINSAN LANG ITO GAWIN NI CLARKSON | Jordan Clarkson Highlights

Rivalry. Ito ang unti-unting nabubuo sa pagitan ng Utah Jazz at Denver Nuggets. Nagharap noong nakaraang playoffs sa unang round na kung saan pinatunayan nila ang kani-kaniyang kalidad. Sa salita nga ni Jokic ay “intense” ang kanilang muling paghaharap sa gabing ito. Sa ganitong mga laban, may puwang ba ang manlalarong tulad ni Jordan Clarkson? #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Ang home team ay pinangunahan pa rin ng kanilang one-two-punch na sina Nikola Jokic at Jamal Murray na parehong umabot sa tatlumpu o higit pa ang naging puntos. Kaya naman hanggang dulo kakapit ka talaga dahil nandoon ang tsansa nilang manalo. Kung usapin lamang naman ng tsansa, ang pagkakataong ibinigay kay Clarkson ngayon, hinigitan pa ang produksyon nina Donovan Mitchell at Rudy Gobert sa aspeto ng scoring. Naaasahan pa rin ng Utah ang mga bira ni Jordan mula sa labas. Sa kanyang ambag nga ay nasigurado ng Jazz na sila ang magwawagi sa wakas. Team-high 23 points para kay JC. Rebelasyon kung rebelasyon ang kanyang bawat ipakita. At hindi nya ito ginawa kung saan malaki na ang kanilang kalamangan sa kalaban, ginawa nya ito sa mga sandaling dikdikan talaga ang magkabilang koponan. At hindi basta-basta nagpatinag ang ating kababayan. Sabi nga ay kapag pinoy, astig. Maging ang commentator na nga ay di makapaniwala sa ganda ng nilaro ng ni Clarkson para sa gabing ito. Bihira lamang kasing mangyari na manggagaling sa bench ang pangunahing magbibigay ng puntos para sa isang koponan lalo na’t napakataas talaga ng nibel ng kumpetisyon sa NBA. Bihira rin gawin ni Jordan ang mag-dunk at gumawa ng mga acrobatic o pabitin-bitin na mga layups. Patunay lamang din ito na maliban sa kanyang magandang porma sa tres at ang kanyang madalas na push shot ay marami pa nga itong nakatago sa kanyang arsenal. Kaya naman hirap din talaga sa syang madepensahan. Kung si Pepe may saranggolang matayog ang lipad, si JC may karerang maayos at patuloy na umaangat. Hatid ng kanyang mga kamay ang mga pangsunog sa mga kalaban na talaga namang nakapangugulat at nakamamangha. Sa lugar at larong iba ang sikat, pinatutunayan ni Jordan na kaya nyang magpasiklab. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-helps-jazz-to-5th-straight-beat-nuggets-a1642-20210118?ref=site_search https://www.nba.com/game/uta-vs-den-0022000200 Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Ang KAKAIBANG GINAWA ni Jordan Clarkson sa ISANG OPISYAL! | HULING LARO | Hanep, Ano 'Yon?!
Ang KAKAIBANG GINAWA ni Jordan Clarkson sa ISANG OPISYAL! | HULING LARO | Hanep, Ano 'Yon?!

Ito na nga ang pinakahuling laro ng Utah Jazz para sa taong 2020. At ang kanilang kalaban, walang iba kundi ang Phoenix Suns na pinangunahan ng kanilang kilalang mga gwardiyang sina Chris Paul at Devin Booker. At sa video natin ngayon, partikular nating titingnan ang mga ginawa ni Jordan Clarkson sa gabing ito. Nagsilbing malaking tinik sa Jazz ang maganda at agresibong opensa ni Devin Booker na nagtala ng 25 points at 7 assists. Marahil ito na nga ang nagsilbing mitsa upang uminit din ang laro ng iba pang players ng Suns na kung saan anim nga ang lagpas sampu ang puntos sa end of regulation. Kung ang Suns mainit, sadyang nanlamig naman talaga ang Jazz sa tunggalian nilang ito. Nagmula lamang ang produksyon ng Jazz sa kanilang tatlong all-star players na sina Donovan Mitchell, Mike Conley at Rudy Gobert. At sinubok din namang tumulong ng kanilang sixth man na si Jordan Clarkson na nakapagtala ng labingdalawang puntos sa loob lamang ng labingsiyam na minuto. Kung puntusan lang din naman, kayang-kaya nga ito ng ating kababayan. Pero sa isang kakaibang pangyayari nga noong second quarter, pagkatapos ngang umiskor ni Jordan ay nagkaroon sya ng maikling diskusyunan sa isang technical official. Ito nga ay nagsimula noong pagtapos ng steal ni Clarkson ay bigla syang bumangga kay ref Karl Lane. Nabigyan nga sya ng technical foul dahil batay sa mga panuntunan sa NBA, strictly prohibited ang kahit anong contact sa mga referees. Gayunpaman, may mga nagsasabi na he would not have been slapped with that foul kung hindi na niya naitulak pa si Lane palayo. Kalabisan na marahil ang “shoving” kaya ganoon ang naging tawag. Kahit ganito pa man ang nangyari, hindi naman na-eject si Clarkson. Nagpatuloy pa nga syang magbigay ng kontribusyon para sa kanyang koponang naghahabol at naghahangad ng kanilang unang panalo sa kanilang homecourt. Di man pinalad na magwagi sa gabing ito, marami pa namang pagkakataong makabawi. Kasisimula pa lamang ng kanilang season. Pero sa paparating na bagong taon, bagong hamon na muli ang kanilang kakaharapin. At ang kanilang unang assignment para sa 2021, ang Los Angeles Clippers lang naman. Patuloy pa sana nating abangan at suportahan ang kababayang si Clarkson, Jordan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-technical-foul-referee-contact-devin-booker-phoenix-suns-utah-jazz-a2028-20210101?ref=home_featured_2 https://kslsports.com/449851/jazz-guard-jordan-clarkson-assessed-technical-foul-after-shoving-referee/ https://clutchpoints.com/jazz-video-jordan-clarkson-shoves-referee-after-losing-ball-gets-hit-with-technical-foul/ https://www.insidesport.co/nba-free-agency-2022-how-phoenix-suns-managed-to-sign-chris-paul-by-doing-just-2-things-check-out/ https://www.youtube.com/watch?v=nP6zWJ3SH7g https://www.youtube.com/watch?v=1R8TsCDpeoE Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



NAKALABAS ANG DILA! | MGA GINAWA NI JORDAN CLARKSON SA TEAM NI CHRIS PAUL  | JAZZ vs SUNS
NAKALABAS ANG DILA! | MGA GINAWA NI JORDAN CLARKSON SA TEAM NI CHRIS PAUL | JAZZ vs SUNS

Halos dalawang linggo pa nga bago opisyal na sisimulan muli ng National Basketball Association ang kanilang season. Pero ngayon pa lamang preseason ay ...



KAKAIBA ANG PINAGDAANAN NI MARK CAGUIOA NGAYONG PBA FINALS | TENORIO MAY SOMETHING | CHAMP NA NAMAN!
KAKAIBA ANG PINAGDAANAN NI MARK CAGUIOA NGAYONG PBA FINALS | TENORIO MAY SOMETHING | CHAMP NA NAMAN!

Tuluyan na ngang nasungkit ng Barangay Ginebra Gin Kings ang kampeonato para sa 2020 Philippine Cup sa loob ng bubble na ginawa sa Clark, Pampangan. At sa video natin ngayon, titingnan natin ang mga kakaibang naganap at mga interesting na facts na dapat mong malaman sa champion team. #WeAreGINE13RA #PUSOSports #PBABubbleChampion Hindi rin naman madaliang sinuko ng kanilang katunggali ang laban. Kahit na injured ang mga manlalaro nilang sina Jayson Castro at Ray Ray Parks, Jr. na kung saan hindi nga sila nakapaglaro para sa gabing ito, ang kanilang depleted lineup nga ay ginawa pa rin ang kanilang makakaya upang bigyan ng magandang laban ang mga taga-Barangay. Saludo tayo sa mga ipinakitang gilas nina RR Pogoy, Simon Enciso, Troy Rosario at JP Erram. Sina Pogoy at Poy nga, kahit na may iniindang mga pananakit at hirap sa paghinga habang naglalaro ay sila pa rin ang nagbigay ng karamihan sa puntos ng TNT Tropang Giga. 23 points para kay Roger, 18 points para kay John Paul, 17 points para kay Simon at 12 points para kay Troy. Ngunit sa gabing ito, ang halos labingtatlong taong tagtuyot ng Ginebra para tanghaling champs ng Philippine Cup ay tuluyan nang natapos. 13 long years. At sa gabing ito, 13 points ang naging ambag ni Stanley Pringle na isa rin sa mga pinakaconsistent na manlalaro ni coach Tim para sa seryeng ito. Kahit naman anim na puntos lang ang ambag ni Iskati, nakapagtala pa rin naman sya ng pitong rebounds at tatlong assists. Ang pangunahing nagdala nga sa opensa ng Ginebra ngayon ay si Japeth Aguilar. Bagaman mabilis nasungkit ang kanyang unang dalawang fouls, dahan-dahan naman syang nakabuo ng momentum patungo sa kanyang 32 points na sinamahan pa ng 9 rebounds at tatlong steals. Kung interesting facts lang din naman, ang tinanghal ngang finals most valuable player ngayon para sa Ginebra ay naging katunggali pa nila sa nakaraang PBA Philippine Cup Championship nila noong 2006-2007 season nang kaharapin ng Gin Kings ang kanilang kapatid na San Miguel Beermen. Ayos din talaga ang tadhana. Samantalang si Mark “The Spark” Caguioa, kakaiba rin ang baon-baon para sa kanilang championship ngayon. Alam nyo bang siya na lang ang natatanging player na natira sa team nila noong nag-kampeon sila ng All-Filipino 13 years ago? Hindi man naglaro ng kahit ni-isang minuto sa buong serye nila kontra TNT, alam mong naibahagi rin naman nya ang kanyang karanasan at wisdom sa mga kapwa manlalaro ng Barangay. Sa kanyang pa-selfie selfie habang awarding, nandoon ang kanyang tuwa at ligaya. Muli syang nag-champion kahit na limitado ang playing time. Ito na ba ang magiging kanyang huli? Banggit nya nga sa mga nakaraan niyang panayam, nakalulungkot at mahirap mang isipin pero hahantong din daw talaga sya roon. Ano sa tingin ninyo? Napapanahon na bang siya ay mag-retire? Noong 2006-2007 all-filipino championship, 0-2 ang kanilang simula. Ngayon 2-0 kaagad sila kontra Tropang Giga. Magkaiba man ang daan tungo sa tagumpay, nakamit pa rin naman nila ang kanilang pinaka-aasam-asam. Di kinailangan ng import. Virtual man ang sigaw ng mga fans, damang-dama pa rin ang support. Congratulations sa Barangay Ginebra para sa isa na namang panalong makasaysayan. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-insists-tnt-coached-brilliantly-with-shorthanded-squad-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-hopes-greg-slaughter-mark-caguioa-return-for-2021-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-hopes-ginebra-goes-down-as-only-bubble-champion-in-pba-history-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/la-tenorio-crowns-first-ph-cup-title-with-finals-mvp-award-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/ginebra-is-pba-philippine-cup-champ-after-beating-tnt-in-game-5-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/thought-of-retirement-makes-mark-caguioa-sad-emotional-a793-20201019 https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Highlights

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...




Next »


User Detail Page

You can find user latest posts and related content on the page. Friends, comments for events / matches are also available on the page. Even you can find users who are same pleasure with current user.

#Travel, #SupportYourTeam, #AllAboutSports