Muli na naman ngang natusta ang mga ibon ng Atlanta sa kamay ng Utah Jazz. Wala masyadong pinagkaiba sa kinalabasan nang sila ay nagharap noong nakaraang buwan. Bagaman hindi naglaro ang pinaka-star player ng Hawks na si Trae Young, nasa front row sya o napakalapit nyang napanood ang pananalasa ng mga dayo. #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Mismong ang binansagang flamethrower ng Jazz na si Jordan Clarkson ang nanguna para sunugin ang mga manlalarong nakapula sa Atlanta. Inilabas nya rito ang kanyang iba’t ibang klaseng galaw na talaga namang nakaiiwan ng bantay. Kahit sino pa iyang kanyang nasa harap, no one was able to stop. Hindi napigilan ng kabila ang kanyang game-high 23 points na sinamahan pa ng pitong rebounds. Itong kanyang naging scoring output nga ay halos katumbas na ng kalamangan ng Utah sa pagtatapos ng kanilang tunggalian. At dahil nga rito sa kanilang panalo ay nananatili pa rin sila sa pinakataas ng standings. Magandang balita ito para sa kanilang mga fans na nakikitang nagtutuloy-tuloy ang kanilang outstanding play ngayong regular season. Matapos ngang tustahin ang koponan ng Hawks, dumiretso naman sila sa kanilang isa pang road game sa Charlotte para kalabanin naman ang isa sa mga matunog ang pangalang rookie na si LaMelo Ball at ang buong team ng Hornets. At sa gabing ito, wala marahil nagbanggit sa kanila na kahit nasa loob sila Spectrum Center ay kailangan nilang magdala ng payong. Dalawampu’t anim. Iyan ang bilang ng tres na naitala ng Utah Jazz upang makagawa ng kanilang bagong franchise record. Umulan talaga mula sa rainbow country. Kasama nina Bogdanovic, Mitchell, Conley at iba pa, bahagi rin si JC sa makasaysayang gabing ito. Di nga umubra ang switching defense ng kalaban na kung saan nakatitira sina Jordan dahil mayroong sapat na puwang sa three point line. Ang medyo naging minor setback lamang marahil para sa laro ng Utah sa Charlotte ay ang naramdamang injury ni Mike Conley sa hamstring, dahilan upang hindi nya nga matapos ang game at umupo na lang sa bench. Hindi pa naman masyadong nadama ang kanyang pagkawala ngayon sapagkat nakapag-ambag naman ang iba nilang players. Ang hindi magandang balita ngang ito para sa koponan ng Jazz ang susubok sa kanilang mga paparating na laro. Lalo na’t di biro ang mga susunod nilang katunggali – Pacers, Celtics, Bucks, Heat at Clippers. Panigurado, aangat sa starting five si Joe Ingles at magkakaroon ng mga karagdagang minuto itong si Clarkson. Sa kabila ng injury ni Conley na wala naman sigurong may gusto, hindi ba maaari rin nating tingnan na opportunity rin ito kay JC? Abangan natin kung masusulit ni Jordan ang pagkakataong ibibigay sa kanya upang lalong matulungan ang kanyang team. Sana marami pang nakaimbak na gasolina ang flamethrower ng Jazz. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/bojan-bogdanovic-jazz-continue-roll-with-victory-over-hornets-a1725-20210206?ref=article_tag https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-jazz-vs-hawks-a1773-20210205?ref=article_tag https://www.deseret.com/sports/2021/2/6/22269211/mike-conley-dealing-with-hamstring-tightness-will-not-play-for-utah-jazz-against-indiana-pacers https://www.nba.com/hornets/despite-obvious-similarities-cody-and-caleb-martins-differences-standout-court https://www.nba.com/game/uta-vs-cha-0022000342/box-score#box-score https://www.nba.com/game/uta-vs-atl-0022000338/box-score#box-score Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Rivalry. Ito ang unti-unting nabubuo sa pagitan ng Utah Jazz at Denver Nuggets. Nagharap noong nakaraang playoffs sa unang round na kung saan pinatunayan nila ang kani-kaniyang kalidad. Sa salita nga ni Jokic ay “intense” ang kanilang muling paghaharap sa gabing ito. Sa ganitong mga laban, may puwang ba ang manlalarong tulad ni Jordan Clarkson? #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Ang home team ay pinangunahan pa rin ng kanilang one-two-punch na sina Nikola Jokic at Jamal Murray na parehong umabot sa tatlumpu o higit pa ang naging puntos. Kaya naman hanggang dulo kakapit ka talaga dahil nandoon ang tsansa nilang manalo. Kung usapin lamang naman ng tsansa, ang pagkakataong ibinigay kay Clarkson ngayon, hinigitan pa ang produksyon nina Donovan Mitchell at Rudy Gobert sa aspeto ng scoring. Naaasahan pa rin ng Utah ang mga bira ni Jordan mula sa labas. Sa kanyang ambag nga ay nasigurado ng Jazz na sila ang magwawagi sa wakas. Team-high 23 points para kay JC. Rebelasyon kung rebelasyon ang kanyang bawat ipakita. At hindi nya ito ginawa kung saan malaki na ang kanilang kalamangan sa kalaban, ginawa nya ito sa mga sandaling dikdikan talaga ang magkabilang koponan. At hindi basta-basta nagpatinag ang ating kababayan. Sabi nga ay kapag pinoy, astig. Maging ang commentator na nga ay di makapaniwala sa ganda ng nilaro ng ni Clarkson para sa gabing ito. Bihira lamang kasing mangyari na manggagaling sa bench ang pangunahing magbibigay ng puntos para sa isang koponan lalo na’t napakataas talaga ng nibel ng kumpetisyon sa NBA. Bihira rin gawin ni Jordan ang mag-dunk at gumawa ng mga acrobatic o pabitin-bitin na mga layups. Patunay lamang din ito na maliban sa kanyang magandang porma sa tres at ang kanyang madalas na push shot ay marami pa nga itong nakatago sa kanyang arsenal. Kaya naman hirap din talaga sa syang madepensahan. Kung si Pepe may saranggolang matayog ang lipad, si JC may karerang maayos at patuloy na umaangat. Hatid ng kanyang mga kamay ang mga pangsunog sa mga kalaban na talaga namang nakapangugulat at nakamamangha. Sa lugar at larong iba ang sikat, pinatutunayan ni Jordan na kaya nyang magpasiklab. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-helps-jazz-to-5th-straight-beat-nuggets-a1642-20210118?ref=site_search https://www.nba.com/game/uta-vs-den-0022000200 Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Dahil na rin sa pagkaka-postpone o di pagpapatuloy ng laro nila sa Washington, sa laban ng Utah Jazz kontra Cleveland Cavaliers na nga nagtapos ang roadtrip nina Jordan Clarkson. Sa isang koponang depleted o kulang ang mga manlalaro dahil sa mga injury, delubyo pa rin ang hatid nila JC. #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Ang Cavs nga rin ang koponan ni Clarkson bago sya ma-trade sa Jazz. Bagaman marami nang nabago sa lineup nila, alam pa rin siguro nila ang laruan ni Jordan. Sa isang pagkakataon pa nga ay sya ay nasupalpal nitong si Osman. Gayunpaman, agaran namang nakabawi ang ating kababayan. Nagtulong nga sila ni Donovan Mitchell upang ratratin ang kanilang kalaban mula sa three-point line. Pareho ngang nakapagtala ng limang tres ang dalawang gwardiyang ito. Dahil sa kanilang mga umaapoy na kamay, muntik na nga nilang mapantayan muli ang kanilang franchise-record na 25 three points sa isang laro nila kamakailan. Sa unang mga sandali pa nga lamang ng laro, nakapagbigay na ang sixth man ng Utah na si JC ng labing-apat na puntos – halos ito na rin ang numero ng kanilang kalamangan papunta sa second half. Di pa alintana ang pagod, nagtapos ang laro na sya ang pumapangalawa sa kanilang star player sa pagtatala ng 21 points na sinamahan pa ng 8 rebounds at 4 assists. May dalawang steals pa pala sya, patunay na sa gabing ito ay aktibo rin sya sa depensa. Kaunti man ang attempts, naipasok naman ni Clarkson ang lagpas sa kalahati nito. Dahil open ang karamihan sa kanyang mga tira bunga na rin ng magagandang pasa, ang pag-convert sa mga ito ay di naging problema. Di pa nga nya kailangan ng board para patunayang mahusay talaga ang kanyang pag-asinta. Punit ang net sa kanyang mga halos ringless na birada. Kapag nandiyan na ang bantay para mag-closeout, huli na dahil papasok na sa ring ang bola. Kung usapin lang naman ng punitan, Jordan Clarkson has been on a tear sa kanyang huling tatlong laro. 26 points sa Bucks, 18 points sa Pistons at 21 kontra Cavs, walang duda kung isa sya sa mga nangungunang players na galing sa bench. Akma marahil ang tawag na flamethrower ng Jazz. Kung mabibigyan ng pagkakataon, bagay kaya kung tawagin din syang flamethrower ng Gilas? __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-donovan-mitchell-utah-jazz-cleveland-cavaliers-a2242-20210113?ref=site_search https://www.nba.com/game/uta-vs-cle-0022000159/box-score Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Oo, regular season pa lamang sa NBA. Pero ngayon pa lamang, marami nang highlights at replay-worthy plays itong si Jordan – ang isa sa mga designated sixth man ng kanyang koponan. Kapag ipinasok ni coach, di na nagpapatumpik-tumpik pa at agarang ipinamamalas ang kanyang halaga para sa Utah. #JordanClarksonJazz #Tumaob #PUSOSports Muling pinatotohananan ni Clarkson na karapat-dapat talaga sya sa bansag na flamethrower. Na dahil sa kanyang mainit na kamay at tuloy-tuloy na ambag sa opensa ng kanyang koponan, unti-unting natutusta at nasusunog ang kalaban. Kapag nagsimula na syang bumuga at kumonekta, mahirap na nga itong maapula. Marami kasing kayang pagkuhanan ng puntos itong ating kababayan at na-embrace o nayakap na nya marahil ang kanyang role o tungkulin para sa Jazz. Binabasa nya kung anong ibibigay sa kanya ng depensa at kung mabigyan ng kaunting espasyo, pinagbayarang malaki ito ng Milwaukee. Mapa-3 points o drive man iyan, tinuruan ni Clarkson ng leksyon ang kanyang mga bantay. Sa kanyang magandang pwestuhan sa tres, nakapag-ambag nga sya ng lima mula rito. Sa kanyang mga paboritong salaksak at floater inside the paint, nagkaroon ng variety sa kanyang pag-atake. Kaya naman ang isang gwardiya ng Bucks, napasayaw at bumagsak na lang. Jordan Clarkson. Isa sa mga pangalang paniguradong maaalala ni DJ Augustin ng Milwaukee Bucks para sa gabing ito sapagkat nakuhanan ng maraming camera ang kanyang pagbagsak habang binabantayan ang Utah Jazz player na ito. Parang “now you see me, now you don’t” ang nangyari na sa isang iglap ay nakita nya na lang ang sariling nakahandusay na sahig. Nagtapos ang larong angat ang Jazz kontra Bucks sa final score na 131-118. Kauna-unahang talo nina Giannis Antetokounmpo sa kanilang home court na kung saan nagpakitang-gilas talaga itong si JC sa pagtatala ng 26 points at anim na rebounds off the bench. Tinumbasan nya ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang coach at mga kakampi. Carpe Diem. Seize the day. Ito na nga marahil ang isa sa mga ginagawa talaga ni Jordan Clarkson sa tuwing sya ay nabibigyan ng pagkakataong maipasok sa loob ng court. Todo bigay para sa huli ay walang pagsisihan. Sulit na sulit ang kanyang bagong kontrata. Sulit na sulit ang bawat minuto. Hangad nating patuloy na may maibuga ang player na tinaguriang flamethrower. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/record-3-point-night-helps-jazz-win-at-milwaukee-a994-20210109?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-most-loved-coachable-utah-jazz-a1931-20200819?ref=taboola https://kslsports.com/450415/jordan-clarkson-has-big-performance-for-jazz-in-first-half-against-bucks/ https://kslsports.com/437347/jazz-jordan-clarkson-comfortable-with-nba-return/ https://kslsports.com/450409/jazz-torch-net-from-distance-for-franchise-record-during-opening-quarter-against-bucks/ https://www.nba.com/schedule/jazz?pd=false https://www.youtube.com/watch?v=YNB0QsysmFA Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Tuluyan na ngang nasungkit ng Barangay Ginebra Gin Kings ang kampeonato para sa 2020 Philippine Cup sa loob ng bubble na ginawa sa Clark, Pampangan. At sa video natin ngayon, titingnan natin ang mga kakaibang naganap at mga interesting na facts na dapat mong malaman sa champion team. #WeAreGINE13RA #PUSOSports #PBABubbleChampion Hindi rin naman madaliang sinuko ng kanilang katunggali ang laban. Kahit na injured ang mga manlalaro nilang sina Jayson Castro at Ray Ray Parks, Jr. na kung saan hindi nga sila nakapaglaro para sa gabing ito, ang kanilang depleted lineup nga ay ginawa pa rin ang kanilang makakaya upang bigyan ng magandang laban ang mga taga-Barangay. Saludo tayo sa mga ipinakitang gilas nina RR Pogoy, Simon Enciso, Troy Rosario at JP Erram. Sina Pogoy at Poy nga, kahit na may iniindang mga pananakit at hirap sa paghinga habang naglalaro ay sila pa rin ang nagbigay ng karamihan sa puntos ng TNT Tropang Giga. 23 points para kay Roger, 18 points para kay John Paul, 17 points para kay Simon at 12 points para kay Troy. Ngunit sa gabing ito, ang halos labingtatlong taong tagtuyot ng Ginebra para tanghaling champs ng Philippine Cup ay tuluyan nang natapos. 13 long years. At sa gabing ito, 13 points ang naging ambag ni Stanley Pringle na isa rin sa mga pinakaconsistent na manlalaro ni coach Tim para sa seryeng ito. Kahit naman anim na puntos lang ang ambag ni Iskati, nakapagtala pa rin naman sya ng pitong rebounds at tatlong assists. Ang pangunahing nagdala nga sa opensa ng Ginebra ngayon ay si Japeth Aguilar. Bagaman mabilis nasungkit ang kanyang unang dalawang fouls, dahan-dahan naman syang nakabuo ng momentum patungo sa kanyang 32 points na sinamahan pa ng 9 rebounds at tatlong steals. Kung interesting facts lang din naman, ang tinanghal ngang finals most valuable player ngayon para sa Ginebra ay naging katunggali pa nila sa nakaraang PBA Philippine Cup Championship nila noong 2006-2007 season nang kaharapin ng Gin Kings ang kanilang kapatid na San Miguel Beermen. Ayos din talaga ang tadhana. Samantalang si Mark “The Spark” Caguioa, kakaiba rin ang baon-baon para sa kanilang championship ngayon. Alam nyo bang siya na lang ang natatanging player na natira sa team nila noong nag-kampeon sila ng All-Filipino 13 years ago? Hindi man naglaro ng kahit ni-isang minuto sa buong serye nila kontra TNT, alam mong naibahagi rin naman nya ang kanyang karanasan at wisdom sa mga kapwa manlalaro ng Barangay. Sa kanyang pa-selfie selfie habang awarding, nandoon ang kanyang tuwa at ligaya. Muli syang nag-champion kahit na limitado ang playing time. Ito na ba ang magiging kanyang huli? Banggit nya nga sa mga nakaraan niyang panayam, nakalulungkot at mahirap mang isipin pero hahantong din daw talaga sya roon. Ano sa tingin ninyo? Napapanahon na bang siya ay mag-retire? Noong 2006-2007 all-filipino championship, 0-2 ang kanilang simula. Ngayon 2-0 kaagad sila kontra Tropang Giga. Magkaiba man ang daan tungo sa tagumpay, nakamit pa rin naman nila ang kanilang pinaka-aasam-asam. Di kinailangan ng import. Virtual man ang sigaw ng mga fans, damang-dama pa rin ang support. Congratulations sa Barangay Ginebra para sa isa na namang panalong makasaysayan. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-insists-tnt-coached-brilliantly-with-shorthanded-squad-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-hopes-greg-slaughter-mark-caguioa-return-for-2021-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-hopes-ginebra-goes-down-as-only-bubble-champion-in-pba-history-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/la-tenorio-crowns-first-ph-cup-title-with-finals-mvp-award-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/ginebra-is-pba-philippine-cup-champ-after-beating-tnt-in-game-5-a795-20201209?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/thought-of-retirement-makes-mark-caguioa-sad-emotional-a793-20201019 https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Ikaapat na yugto ng kanilang paghaharap. Mahalaga ang larong ito para sa Tropang Giga dahil may pag-asa silang makapantay muli kung sakaling sila ang manalo. Kung ang magwagi naman ay ang Barangay Ginebra, isang panalo na lang ay maaari na nilang makamit ang kanilang kampeonatong pinakamimithi. #PUSOSports #GSMvsTNT #TNTvsGSM Alam naman nating hindi pa nga muling nakapaglalaro si Parks matapos ang kanyang strong showing noong Game 1. Nadagdagan pa nga ang suliranin ng TNT nang sa gabing ito ay hindi nga rin masyadong nakapaglaro si Jayson Castro dahil sa kanyang mga iniindang injuries sa tuhod. Sinubok pa rin namang punan ng iba nilang Tropang sina JP Erram at Troy Rosario ang mga numerong ibinibigay ng kanilang mga kakampi. Sila nga ang mga big men na nagsilbing sandigan ng TNT upang magbigay ng suporta. Naging mahalaga nga ang kanilang ambag dahil kung wala sila, higit na mahihirapan ang kanilang koponan. Ibang klase pa rin talaga itong si RR Pogoy. Hands down, sya ang pinaka-consistent na manlalaro ng Tropang Giga. Nakalapit sila sa dulo dahil sa kanyang mga sunod-sunod na pagpuntos. At sa sobrang init nga raw ng kanyang laro ay ayaw hawakan ni Tim Cone ang kanyang kamay. Sa sobrang init ng kanyang laro, naihambing pa nga sya sa “The Triggerman” na si Allan. Ngunit sa gabing ito, higit na angat talaga ang laro ng Gin Kings. Mukhang gumana ang ginawang taktika ng kanilang coach upang masolusyunan ang kanilang kapaguran. Banggit pa nga ni Coach Tim na ginaya nya ang kadalasang ginagawa sa NBA na kung saan nabigyan ng sapat na pahinga ang kanyang mga mandirigma. Ang resulta ay tila sila ang mas may enerhiya kumpara sa kanilang kalaban. Ang bounce sa laro ni Japeth Aguilar na mabilis na nakababa sa depensa o nakatatakbo sa fastbreak ang isa sa mga patunay rito. At bilang mga exclamation points, tinatapos nya ang mga plays na may foul counted o sa pamamagitan ng mga naglulupitang dunks. Kung si Japeth may mga dunks, hindi rin naman nagpahuli si Stanley Pringle sa kanyang mga highlights. Nandoon ang kanyang ambag sa opensa sa pamamagitan ng kanyang mga tres at mga salaksak. May isang pagkakataon pa nga na grabe ang pagbali sa ereng kanyang ginawa para lamang makatira. Ang mga kontribusyon ni Scottie Thompson, nandoon din. Kahit anong ipagawa mo sa kanya, kaya nya. Muntik na nga rin syang makapag-triple double na naman. Sa kanyang stats na 11 points, 11 rebounds at 9 assists, nakakuha si Coach Tim ng glue guy para sa kanyang team. Kung si Pogoy inilarawan ng Gin Kings na sobrang init, si LA Tenorio tinawag nyang cold-blooded. Tila he had ice in his veins sa gabing ito dahil na rin sa kanyang ipinakitang composure na kung saan hindi nga sya nagpakain sa pressure. Sa mga bitaw ni RR, palagi syang may sagot. Tulad ni Japeth na may 22 points, nasa Gineral nga nila ang huling halakhak at winakasan ang pag-asang manalo ng kalaban. Lumalaban ang Tropang Giga ngunit sadyang masyadong malaki marahil ang kalamangang kailangan nilang habulin kaya sa dulo sila ay kinulang. Tulad ng respetong binigay ni Tim Cone, hanga rin talaga tayo sa mga individual performances na ginagawa ng TNT. Iyon nga lamang ay hindi ito nagiging sapat. May ilang araw pa sila upang makapag-regroup at makapag-recover. Ano sa tingin ninyo? Kaya na bang tapusin ng Ginebra ito sa susunod na laro? Nasa kanila na muli ang momentum at isang panalo na lang makakamit na nila ang tagumpay. Buong-buo ang kanilang kumpiyansa dahil tatlong sunod na panalo pa ang kailangang gawin ng Tropang Giga para lang sila ang mag-kampeon. The next game will be an entirely different ball game. Abangan natin ang mga mangyayari sa Miyerkules. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-compares-roger-pogoy-to-allan-caidic-after-hot-shooting-in-game-4-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-glad-to-see-cold-blooded-la-tenorio-heroics-trump-pogoy-show-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/la-tenorio-makes-tnt-defense-pay-gets-last-laugh-vs-pogoy-in-late-shootout-a793-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-takes-page-off-nba-playbook-as-rejuvenated-ginebra-plays-best-game-in-bubble-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/ginebra-vs-tnt-game-4-recap-box-scores-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/jayson-castro-injury-bone-spurs-knee-injury-a793-20201206?ref=article_next_featured https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Noong unang laro nila sa Finals, binigyan tayo ng TNT Tropang Giga at Barangay Ginebra ng isang napakagandang laban – sa katunayan ay umabot pa nga ito ng overtime. Ngayon naman, pinaunlakan pa rin nila tayo ng isang di malilimutang tunggalian. Na hanggang sa dulo, dapat mong abangan. #PUSOSports #GSMvsTNT #Iskati Nakapag-contribute man ngayong gabing ito ang iba pang star players ng Tropang Giga na sina Jayson Castro, Troy Rosario at JP Erram, alam nating kaya pa nilang higitan ang kanilang nagawa. At para sa iba pa nilang kakampi, kailangan din talagang may mag-step-up pa. Buti na lang din sa gabing ito ay kahit papaano ay may nakuha sila mula kay Simon Enciso. Bagaman wala si Ray Ray Parks Jr. dahil sa kanyang iniindang injury, to the rescue naman si Roger Pogoy. Single-handedly sinubukan nyang buhatin ang kanyang koponan tungo sa tagumpay. Hindi nya sinayang ang mga binigay sa kanyang mga dagdag na pagkakataong tumira. Natapos nga ang laro na sya ang top scorer sa magkabilang panig sa pagtatala ng 38 points. Nahirapan man ang Gin Kings na depensahan si RR Pogoy, nakahanap naman sila ng ibang paraan upang hindi sila maiwanan. Malaki nga ang naitulong dito ni Aljon Mariano - 10 points noong crucial run nila noong 3rd quarter. Hindi flashy pero gamit-gamit ang kanyang magandang footwork, nakalulusot sya sa kanyang mga bantay. Kung ang TNT may RR, big night din talaga ito para kay Stan the Man. Si Pringle nga ang nanguna sa opensa ng Ginebra. 34 point na sinamahan pa ng anim na rebounds at walong assists. Mainit nga rin ang kanyang kamay sa gabing ito. Pero sa dulo, sa halip na sya ang tumira, he created a shot for his teammate. The game winning shot. Bagaman tulad nina LA Tenorio at Japeth Aguilar na malayo ang naging laro ngayon kumpara noong Game 1, nandoon pa rin ang kumpiyansa ni Tim Cone para sa kanyang mga manlalarong tulad ni Scottie Thompson. At sa mga crucial moments nga ay hindi sya binigo ni Iskati. Isang beses man lamang naka-shoot, siniguro ni Thompson na papasok ang kanyang tira sa tres. Ang pinakamabigat sa lahat – parang iyong tira nya kontra Meralco na dahilan kung bakit sila nasa finals ngayon. Dalawang magkasunod na talong susubok sa tatag ng TNT Tropang Giga. May pag-asang sila ang manalo pero sa huli ay kumakawala pa sa kanila. Kinukulang ng kapit sa dulo. Pero kung nais pa rin naman nilang makuha ang kampeonato, kailangan na nilang kalimutan ang mga nangyari at maghanda na muli sa susunod na laban. Para sa Ginebra naman, maganda ang tinatakbo nila ngayon. Pumapasok ang kanilang mga tira. Pero kailangan ng dalawang panalo pa. Gaya ng sabi ni Aljon, wala pa talaga silang napatutunayan dahil kulang pa. Ano sa tingin ninyo ang kahihinatnan ng mga susunod pang laro? __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/tnt-coach-ravena-on-game-2-loss-to-ginebra-we-were-outsmarted-by-them-a793-20201202?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/despite-shooting-woes-thompson-never-wavered-to-take-three-point-shot-with-game-on-the-line-a793-20201202?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/pba/roger-pogoy-motivated-to-win-his-first-pba-title-with-tnt-a2244-20201201?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-expects-scottie-thompson-to-command-respect-for-three-point-shot-from-now-on-a795-20201202?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/scottie-thompson-saves-day-as-ginebra-takes-2-0-lead-over-tnt-a795-20201202?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/life/guide/thompson-trends-on-twitter-in-ginebra-tnt-game-2-a1374-20201202?ref=article_reco_slide https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Wala talagang itulak-kabigin kapag naglalaban ang Meralco Bolts at Barangay Ginebra Gin Kings. Ang huling dalawa nga nilang tunggalian, napagdesisyunan nga lamang sa huling dalawang minuto o sa final possession ng laro. Pareho pa nga ang mga final scores – 83-80. #PUSOSports #PBABubble #BarangayGinebra #MeralcoBolts #TNTTropangGiga Seryeng mala-teleserye dahil hitik sa kulay. Halos pantay kung kakayahan lamang naman ang pag-uusapan. Mula sa mga manlalaro hanggang sa mga cerebral o mauutak na coaches. At sa mga ganitong laro, minsan titingnan na lang natin kung kanino papanig ang tadhana dahil wala talagang gustong bumitaw. Ang mga ambag ni Reynel Hugnatan, hindi rin talaga matutumbasan. Naging mahalagang piyesa sya para sa Meralco Bolts na kung saan naipamalas nya talaga ang kanyang tatag at composure. Sa kanyang pagiging beterano, maaaring dito nga rin nakahugot ng inspirasyon ang iba nyang teammates tulad nina Cliff Hodge, Chris Newsome at Bong Quinto. Pansin din talaga ang struggle ng point guard nilang si Baser Amer na nakapagtala lamang ng tatlong puntos sa loob ng halos dalawampu’t dalawang minuto. Samantalang si Allein Maliksi naman, maagang nakulimbat ang kanyang ika-anim at huling foul. Sayang lang din kasi they could have contributed more in the crucial moments of the game. Well, ganun talaga eh, you win some, you lose some. Saludo pa rin sa Meralco dahil nakita naman nating hindi nila basta-basta ibinigay ang panalo sa kanilang kalaban. Bagaman ganoon ang kinahinatnan, good sport naman sila hanggang dulo. Para sa Gin Kings rin marahil talaga ang gabing ito. Their big time players came to play in the clutch. Ang tatlong tanod nga ng Barangay na sina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle nga ang ilan sa nanguna para sa koponan ngayon ni Tim Cone. Sa ganitong mga laro mo nga makikita ang kanilang halaga para sa Ginebra. Pero sino nga ba ang pinaka-nag-iwan ng marka sa gabing ito? Sino ang pinakanaging tinik para sa Meralco? Maswerte raw talaga si Coach Tim dahil nasa kanila si Scottie Thompson. Kaya naman todo rin talaga ang pagpugay kay Iskati dahil nagbubunga ang kanyang hard work at pagpupursiging ma-improve pa ang kanyang laro. At sa huling tira nga ni Thompson sa tres, pinatay nya ang pag-asa ng Meralco na sa kanila ay makalampas. Ito na nga ang huling pako upang maisara ang kabaong ng Bolts. Sa pagtatapos nga ay napakasolido ng kanyang naging ambag – 20 points, 12 rebounds, seven assists at isa na namang heartbreak sa pagsasara ng kabanatang ito ng kanilang sagupaan. Hindi na rin nga nya marahil napigilang maging emosyonal dahil alay pala nya ito sa kanyang yumaong lola. Dalangin nga raw nya na muli silang makapag-finals na kung saan ito ay para sa kanyang pinakamamahal. At buong tiwala ni Iskati na nandoon ang kanyang namayapang lola na nagbigay sa kanya ng lakas at gabay sa kanyang winning shot. Muli na naman ngang nakalapit ang Ginebra sa isa pang kampeonato sa pagwakas nila sa kampanya ng Meralco. May isa pa silang matinding kakaharapin – ang TNT Tropang Giga. Ano ang masasabi nya sa naging pahayag ni Tim Cone na sila ang “slight underdog” para sa championship series na ito? Kahit na sila nga raw ang nanguna sa elimination round, nandoon pa rin daw ang banta ng Tropang Giga. Marahil ay ang naging pahayag nga na ito ng coach ng Gin Kings ay ang kanyang paraan upang ipakita ang kanyang respeto sa kanilang makakalaban. More than anyone else, si Coach Tim ang may sapat na kredibilidad at karanasan na sabihing hindi dapat minamaliit ang kahit na sinong team. Na sa halip na mag-underestimate, maganda nang ikaw ay overly prepared. Ano sa tingin nyo ang kalalabasan ng susunod na serye? Sino ang magwawagi? Patuloy nating abangan ang mga kaganapan. Panigurado magiging matindi ang bakbakan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/tim-cone-believes-ginebra-is-the-slight-underdog-vs-tnt-a795-20201128?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/tim-cone-talks-about-scottie-thompson-s-rebounding-skills-a795-20201128?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/scottie-thompson-trey-leads-ginebra-past-meralco-in-game-5-thriller-a793-20201127?ref=home_featured_big https://www.spin.ph/basketball/pba/thompson-believes-late-grandma-has-a-hand-in-game-winning-three-point-shot-a793-20201127?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/life/guide/scottie-thompson-vows-to-work-harder-as-grandmother-passes-away-a2442-20201023?ref=article_reco_list https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!