San Miguel Beermen, NAKAGUGULAT ang Ginawa! | NIYARI sila ni Tolentino! | Clark, AYAW pang UMUWI?!
San Miguel Beermen, NAKAGUGULAT ang Ginawa! | NIYARI sila ni Tolentino! | Clark, AYAW pang UMUWI?!

Kung yung unang laro sa araw na ito ay mataas na puntusan talaga ang naging labanan, may itataas pa pala. Sa ikalawang laro ng double header noong Miyerkules, natunghayan ng mga manonood sa Mall of Asia Arena ang nag-uumapaw na opensa sa pagitan ng Northport Batang Pier at San Miguel Beermen. At ang tanong, nasaan ang depensa? #NAKAGUGULAT #PUSOSports Ang dating manlalarong nasa hanay ng SMC na si Arvin Tolentino ang pangunahing bumira ngayon para sa koponan ni Bonnie Tan. Ang dating Barangay Ginebra player nga ay hindi nagpa-mama sa kanyang mga kabantayan kaya naman ang mga Batang Pier, nahawakan pa nga ang kalamangan. Tulad ng kanyang minuto, siya ay nakapagala rin ng puntos na 32. Kamusta naman ang assists na naitala ng SMB sa gabing ito? Talagang ang iba ay mabibigla at mamamangha dahil mayroon silang apatnapung assists ngayon. Patunay na rin marahil ito ng nag-uumapaw nilang opensa na kung saan kayang mahanap ng kanilang mga manlalarong open at kayang i-convert ang mga tangka. Noong nagbabadyang lumayo at makalamang ang kalaban, nandoon sina CJ Perez at June Mar Fajardo upang ito’y pigilan. Sila na nga ang nagmimistulang one-two punch ngayon ng SMB na kung saan nagkakaroon sila ng banta inside at outside dahil sa skill set nitong gwardiya at big man na pareho ring maglalaro para sa Gilas. Kung hindi pa marahil sumabog ngayon itong player na ito, maaari na siguro siyang mapalitan at umalis. Pero hindi nga ito hinayaan ni Cameron Clark sapagkat sa gabing ito, matinding pag-bounce back ang kanyang ginawa. Ang import ni Coach Gallent nga ay nagkaroon ng 44-point explosion ngayon na may kasama pang mga eksplosibong dunks. Magugulat ka talaga sa mga naganap ngayon. Sa scoring ng magkabilang koponan na combined ay umabot ng 277 points ang total. Sa individual scoring nitong sina Tolentino at Clark. Tapos mayroon pang magandang pasahan ang nanalong team sa pagkakaroon ng 40. Para sa SMB, maipagtuloy kaya nila ito kontra Ginebra? Sino ang sa tingin ninyong magwawagi sa kanila? __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.pba.ph/gallery https://www.pba.ph/recap Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



OH MY GOODNESS na lang NASABI! | PUMALAG pa rin | Terrence Romeo at Perez, PINAGTRIPAN ANG KALABAN?!
OH MY GOODNESS na lang NASABI! | PUMALAG pa rin | Terrence Romeo at Perez, PINAGTRIPAN ANG KALABAN?!

Parehong kagagaling lamang sa pagkatalo. Parehong likido ngunit magkaiba ang gamit sa katawan. Pabango ang isa, samantalang serbesa naman ang isa pa. sa tunggalian ng Blackwater Bossings at San Miguel Beermen, hindi rin naiwasan ng mga commentator na mapabilib sa nagawa ng mga players. Higit na matindi ba ang amoy ng Blackwater o mas malakas ang tama ng San Miguel? #PUSOSports #OhMyGoodness Ang dating player ng SMB na si Rashawn McCarthy na dati na ring nakainitan ni Terrence Romeo, nakapagtala ng labing-apat na puntos. Bagaman nagkaroon ng limang turnovers, isa pa rin sya sa mga pangunahing banta ng Bossings kaya naging mahigpit ang pagbabanyay sa kanya ng kanyang dating koponan. Kararating lang mula sa Alaska Aces, parang mas batang Raymond Almazan itong si Barkley Ebona – maliksi para sa kanyang tangkad at may shooting din mula sa labas. Sa kanyang magagandang pwestuhan ay nabibiyayaan sya ng magagandang pasa mula sa kanyang mga kakampi na kung saan nagiging madali ang pag-iskor. Si Paul Desiderio desididong pangunahan ang Blackwater sa gabing ito. Team-high 16 points ang kanyang ambag na kinailangan talaga ng kanyang koponan upang kahit papaano’y makapalag pa rin sa kanilang mga kalaban. Tila naging sulit ang desisyon ng kanilang coach na gawing starter si Paul – dahil nasuklian ito ng solidong mga numero ni Desiderio. Ginamitan nang magandang footwork ni Vic Manuel ang kanyang mga bantay upang sya ay makahanap ng mga siwang sa ilalim. Sa kaunting bangga at spin move, naiiwanan nya ang kanyang mga kalaban. At sa kanyang naging ambag off the bench, lalong lumobo ang kalamangan ng beermen sa gabing ito. Sa mga tikada ni Marcio Lassiter sa gabing ito, hindi na napigilang mapa-oh my goodness ng commentator. Asintado si Super Marcio na kung saan lagpas limampung bahagdan ang kanyang na-i-convert. Labingwalong puntos sa kanyang pangalan na ikalawa sa pinakamataas para sa kanilang koponan. Si Bro Terrence, sinimplehan lang ang basketball sa gabing ito. Wala mang napabagsak ngayong manlalaro dahil sa kanyang shifty na pag-dribble ng bola, lumagpas pa rin ng sampu ang kanyang naibigay para sa SMB. Tapos sinamahan pa ng dalawang steals. Anong masasabi nyo sa isang fastbreak conversion nila ni CJ Perez? Malakas din ang tama nitong isa pang gwardiya ng San Miguel sa larong ito. Halos tama lahat ng kanyang mga nagawa at naging balanse ang kanyang pag-atake – may mga tangka sa tres at matindihang mga salaksak sa loob. Walang nakasabay sa kanyang trip sa kanyang mga kalaban at tila naiwan lang niya ang mga ito. At ang kanyang mga numero sa gabing ito, dalawampu’t isang puntos, anim na rebounds, apat na assists at isang steal. Umabot ng dalawampu’t lima ang pinakamalaking kalamangan ng SMB na sinubukang pababain ng Bossings sa sampu noong ikaapat na quarter. Sina Jaylen Bond at Brandon Brown hindi sobrang taas ng puntos pero nakabawi naman sa rebounds. Points in the paint ang naging kalakasan ng San Miguel. Pumalag pero walang humpay ang atake ng Beermen. Iniwang wasak ng alak ang Blackwater sa final score na 107-88. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



PINASABUGAN ang NLEX sa LARONG Ito! | Walang Christmas Party! | KAKAIBA ang NANGYARI sa mga IMPORTS!
PINASABUGAN ang NLEX sa LARONG Ito! | Walang Christmas Party! | KAKAIBA ang NANGYARI sa mga IMPORTS!

Isang koponang wala pang bahid ng pagkatalo at kasalukuyang nasa tuktok ng standings. Isang koponang sariwa pa ang heartbreaking na pagkatalo sa kanilang huling bakbakan. Kanino kayo? Magpapatuloy pa kaya ang pag-arangkada ng NLEX Road Warriors? O natuto na ang Phoenix Fuelmasters at ngayon ay ibubunton ang atensyon at gigil sa kanilang bagong katunggali? Mainit ang laban at mayroon ding mga sandaling hindi natin inasahan. #PUSOSports Oftana. Varilla. Trollano. Mga forwards ng Road Warriors na nagsulong at nanguna sa pag-atake ng NLEX para sa gabing ito. Samu’t sari ang pinanggalingan ng kanilang opensa na kung saan nabigyang-pansin ang versatility ng mga manlalarong ito. Nakahanap sila ng mga pagkakataong umiskor sa loob at naging accurate din ang kanilang mga tangka sa tres. Si Paul mayroong sampung puntos. Si Don mayroong 16 points. Samantalang ang rookie na si Calvin ay nagpasabog ng labingwalong puntos na sinamahan pa ng labing-isang rebounds. Ang import nilang si KJ McDaniels, nandoon pa rin ang ambag ngunit may pinagkaiba sa kanilang mga nakaraang laro. Ang talentadong import at dating NBA player ay kadalasang nakapagtatala ng mga numerong nakapagbibigay sa kanya ng dalawampu o tatlumpung puntos na naging malaking bagay sa unang apat na panalo ng Road Warriors. Pero sa laro nila matapos ang Noche Buena, tila nawala ang kanyang buenas at nakapagtala lamang ng 12 points at 10 rebounds. Kakaiba rin ang nangyari para sa import ng Phoenix Fuelmasters dahil matapos lamang ang halos tatlong minuto sa loob ng court ay hindi na nga ito nakabalik pa para maglaro. Hindi natin inakala na noong umpisa pa lang pala ay mayroon nang nararamdamang hindi kaaya-aya sa kanyang ibabang bahagi ng katawan iton si Paul Harris. Precautionary measure at nag-iingat na lang din marahil si Coach Topex kaya pinili nyang hindi na paglaruin ang kanyang import upang hindi na lumala ang kanyang “tricky” injury. Mabuti na lang at tila nabiyayaan muli ng magandang tikada itong si Justin Chua para sa gabing ito. Nasa arsenal naman ng big man na ito ang perimeter shooting pero sa araw ng Pasko, higit pa niyang pinalayo ang kanyang mga range. Naging buenas siya sa pagpukol niya ng mga tira niya sa tres na kung saan isang beses lamang sya nagmintis sa kanyang limang tangka. 19 points off the bench na naging napakahalaga para sa koponan ng Fuelmasters. Habang ang ibang gwardiya pa ng Phoenix ay nakapagbigay rin ng kanilang ambag. Si Chris Banchero, tila snatcher sa kanyang limang steals na sinamahan pa ng labingpitong puntos. Samantalang ang sniper na si Aljun Melecio, patuloy pa rin ang pagbuo ng kanyang kumpiyansa na kung saan 12 points ang kanyang naitulong bilang kapalitan ni CB. Si Matthew Wright tamang-tama rin ang gising at pulso ngayong araw ng Pasko. Ang star player ng Phoenix ang naghatid ng pangunahing bira sa kalaban. Hinihintay na rin talaga ng karamihan na itong si Matthew ay mag-explode at maipamalas ang kanyang mahusay na opensa. At ginawa niya ito at the expense ng isa sa mga nangungunang koponan ngayon sa liga kung standings ang titingnan. Game-high 23 points ang pasabog – na labingwalo ay nagmula sa tres – at may kasama pang 9 rebounds. Wala munang Christmas party ang buong koponan ni Coach Yeng Guiao dahil pinili pala nilang i-donate ang salaping dapat gagastusin sa kasiyahan upang makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Isang pagkakawanggawa para sa mga taong higit na nangangailangan ngayon. Saludo tayo sa mga ganitong gawain dahil dito higit nating makikita ang epekto ng basketball sa nation-building. Sa kanilang panalo sa final score na 102-93, nakaangat ang Phoenix sa standings. Di tulad ng nakaraan nilang laro, wala nang naganap na last-minute meltdown. Anong masasabi nyo sa naging laruan ng dalawang koponan pati na ng mga imports? Nahapo na ba sa mga laro o gusto lang muna magpahinga ngayong holidays? Kung may mga iniinda man silang mga injuries, makakatutulong marahil ang mahaba-haba nilang break upang maka-recover ang kanilang mga katawan. Ika-anim at ika-walo pa naman ng Enero ang susunod nilang laban. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/road-warriors-forego-christmas-party-donate-costs-to-typhoon-odette-victims-a793-20211225?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/pba/paul-harris-injury-phoenix-vs-nlex-a795-20211225?ref=article_reco_slide https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!
NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!

Ibang klase ang hatid na galak kapag nakakikita ka ng fans sa Araneta. Tila nagkakaroon ng dagdag na motibasyon upang makapaglaro nang maganda sa harap nila. Lalo na kung ang laban ay kontra Ginebra – nais siguro ng kabilang koponan na mapatahimik ang mga manonood na sa kabilang koponan nakasuporta. At kung naglalaro ka naman para sa Gin Kings, nanaisin mo marahil na masuklian ang bawat sigaw at dagundong na hatid ng iyong mga ka-Barangay. #PUSOSports #BarangayGinebra #PhoenixFuelmasters Sa larong ito, nahanap ni Matthew Wright ang kanyang shooting touch. Dinagdagan pa nga ng anim na steals at walong assists. Isa sa mga dahilan kung bakit naging sagana sa puntos ang Phoenix Fuelmasters sa gabing ito. Naging maganda ang daloy ng kanilang opensa na kung saan si Matthew nga ang isa sa mga pangunahing sandigan. Nandoon din ang tulong ng iba pa nilang gwardiyang sina Chris Banchero na nakapagtala ng labingwalong puntos. Habang si Aljun Melecio na naging ka-relyebo nya, nakapagbigay rin ng labinglimang puntos na dumating sa mga panahong dikit at mabibigat ang bawat possession. Samantalang ang import ni Coach Topex na si Paul Harris, hindi rin naman nagpahuli. Bagkus, pinatunayan niya kung bakit isa sya sa mga palagiang kinukuhang imports sa liga. Steady ang pulso at kahit na may bantay nga ay buong loob syang tumitira sa harap nito. Kaya naman dalawampu’t anim na puntos ang kanyang na-i-ambag sa gabing ito. Sapat upang kahit papaano ay mapantayan ang import ng kalaban. Bagaman hindi nakapaglaro si Stanley Pringle, nakakuha ang Gin Kings ng produksyon mula sa iba nitong manlalaro. Una sa listahan ng mga magadan ang nilaro ay si Arvin Tolentino. Samantalang si Justin Brownlee, solido rin ang mga numero sa kanyang apatnapu’t walong minuto sa loob ng court – 31 points, 9 rebounds, at 8 assists. Almost a triple-double. Naasahan namang pumigil at depensahan ang import ng kalaban itong si Christian. Ginawa ito ni Standhardinger kasabay ng kanyang pagbibigay ng halos kaparehong numero ni JB. Tatlumpung puntos at siyam na rebounds sa loob ng apatnapung minuto. Sya ang nagsilbing tinik sa lineup ng Phoenix sa ilalim. Samantalang si Scottie Thompson, mahusay rin ang ipinamalas kontra Fuelmasters off the bench. Lagpas sampu ang puntos na sinamahan pa ng pitong rebounds. may isang pagkakataon pa ngang si Paul Harris pa ang kasabayan niya sa isang loose ball. Nahirapan din ang kanyang mga kabantayan dahil sa pagiging malikot nitong si Iskati. Ang mga bira ni Tenyente ang talagang nagdala sa Ginebra upang pagharian ang gabing ito. Tulad ni Justin Brownlee, almost triple double din itong si Luis Alfred sa kanyang stats na 15 points na sinamahan pa ng walong rebounds at siyam na assists. Umuulan ng mga magagandang numero. At kasabay nito, ang pag-ulan din ng mga crucial na three points na nagsilbing pangtabla noong ikaapat na quarter at dagger o pang-baon noong overtime. Nakasabay ang Phoenix, pero sa dulo may mga crucial plays na hindi talaga umayon sa kanila. Mga turnovers at missed free throws na sana ay nakapag-seal na ng panalo para sa kanilang koponan. Bagaman maganda ang produksyon ni Jason Perkins maaga niyang nilisan ang laro dahil sya ay fouled out na ilang minuto pa ang natitira. Nasa kamay na nila ang W, iyon nga lamang nawala pa. Bilog talaga ang bola, at habang may segundo pang nalalabi, kailangan talagang walang bibitaw. Never say die – iyan na naman ang ginamit ng Barangay Ginebra. Nanakawan pa ng panalo ang Phoenix. Nanaig muli ang mga hari at pinatunayan nila kung sino ang higit na may composure sa end game. Pinatunayan ng Gin Kings na kaya nilang mag-execute o makagawa ng mga big time plays kung kinakailangan. Kaya naman may ngiting umuwi ang kanilang mga fans. Ano ang masasabi ninyo sa larong ito? Best game of the conference so far o sakto lang? __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



INIWAN na nga, TININGNAN pa PABALIK! | NAGPATIKIM na ang IKALAWANG PICK! | Jalen Green Highlights
INIWAN na nga, TININGNAN pa PABALIK! | NAGPATIKIM na ang IKALAWANG PICK! | Jalen Green Highlights

I-re-represent o magiging kinatawan nga raw siya ng bansang Pilipinas at ng bawat Pilipino sa larong basketball, banggit nya nang may buong kumpiyansa. Tulad ng isang rocket na patungong outer space, maging maganda kaya ang take-off ni Jalen Green para sa kanyang simula sa NBA? #PUSOSports Houston Rockets kontra Cleveland Cavaliers. Sa una ngang laro sa NBA Summer League sa Las Vegas ni Jalen ay kinaharap nga nya kaagad ang manlalarong kasunod nyang tinawag noong draft na si Evan Mobley. Matangkad at payat pero may angking bilis rin itong prized recruit ng Cavs. Iba naman ang pa-welcome at pagbati ng kakampi ng 3rd overall pick kay Green. Si Isaac Okoro nga, tila di basta-bastang ibibigay ang spotlight sa mga bagong salta. Siya nga ang nanguna para sa kanilang koponan sa pag-iskor ng labingpitong puntos na sinamahan pa ng tatlong rebounds, dalawang assists, at isang eksplosibong dakdak. Bahagya mang nalamangan ang Houston sa unang dalawang quarters, hindi ito naging hadlang para kay Jalen Green upang magpakitang-gilas sa mga nanood ng live. Sya talaga ang isa sa mga inabangan dito at buong-buo naman syang nakapagpasiklab. Ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang scorer. 23 points at 50% field goal shooting. Sa kanyang magandang stroke, naipasok nya nga ang kanyang mga tira sa labas. Sa kanyang matinding POKUS sa pag-penetrate sa basket, naiwan nga niya ang kanyang mga bantay. May mangilan-ngilan pang pagkakataon na sa sobrang swabe ng kanyang galaw ay may panahon pa siya para tingnan ang kalabang kanyang naiwan. Mukhang isa rin talaga sa mga paboritong move nitong 19-year old standout ang step back. Pero alam nating marami pang baon-baon itong si Jalen Green. Kung skills lang ang pag-uusapan, bakas nga ang karamihan nya nito. Kung tiwala o bilib sa sarili, baka nga ring hindi siya nagkukulang dito. Apat nga ang rookie na na-draft ng Houston Rockets ang ibabandera nila sa papasok na season ng NBA. At ang pinakamataas nga rito at pinakaputok ang pangalan ay si Jalen Green. Ano sa tingin ninyo ang tsansa ng koponang ito na makipagsabayan sa ibang higit na beteranong teams sa NBA? Kakayanin kaya nila? Aabangan natin yan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-stars-as-rockets-beat-cavs-in-nba-summer-league-a994-20210809?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-proud-to-represent-philippines-in-nba-draft-quest-a2437-20210728?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-ignite-teammates-prepare-for-tough-test-in-nba-a1745-20210731?ref=site_search Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



ANYARE sa Elastopainters?! | PISIKALAN kung PISIKALAN! | PARANG may TAKIP ang KANILANG RING!
ANYARE sa Elastopainters?! | PISIKALAN kung PISIKALAN! | PARANG may TAKIP ang KANILANG RING!

Papasok sa larong ito, nasa koponan ni Coach Chris Gavina ang lahat ng momentum matapos nga ang kanilang tatlong sunod-sunod na panalo. Samantalang ang koponan ni Coach Jeffrey Cariaso, susubok naman na mag-bounce back mula sa kanilang pagkatalo. Dalawang koponang may win at lose streaks, magtuloy-tuloy pa kaya o tuluyan nang mababasag? #PUSOSports Maagang nadiktahan ng Alaska ang naging daloy ng laro na kung saan si Rodney Brondial nga ang nanguna para sa kanila. Sa kanyang pagiging agresibo nga ay nakahanap sya ng mga siwang sa depensa ng kalaban upang sya nga ay makapuntos sa loob habang nabigyan din sya ng pagkakataong tumira mula sa labas. Nakatulong din para sa Aces sina Yousef Taha at Maverick Ahanmisi sa kabuuang pagbalasa ni Cariaso sa kanyang lineup. Si Maverick na bahagi ng starting five, nakapagbigay ng 10 points, 6 rebounds, 4 assists at 2 steals. Habang si Taha na hinugot sa bench, nakapagbigay ng sampung rebounds. Si Abu Tratter, nakapagtala ng double-double. Gamit na gamit ang kanyang malapad na katawan sa pangangaldag nya sa loob na talaga namang ininda ng kanyang mga kabantayan. Kaya naman nakalamang sila nang malaki sa kalaban na umabot pa nga dalawampu’t siyam. Ano sa tingin ninyo ang nangyari sa Rain or Shine sa gabing ito? Matapos nga ang kanilang impressive na mga panalo na nakapaglulok sa kanila sa tuktok ay bigla silang nanlamig sa opensa at nakapagtala ng pinakamababa nilang puntos para sa kasaysayan ng kanilang prangkisa. Apatnapu’t walong puntos lamang para sa apat na quarters. Ang kanilang mga madalas na pagkuhanan ng ambag tulad nina Beau Belga at at Javee Mocon tila di man lamang nakaabot ng sampung puntos kahit na pagsamahin ang kanilang mga points. Ganoon din ang nangyari kay Nambatac – walang sting sa gabing ito si Ray. Wala ngang nakapagtapos na kahit na sino sa lineup ng Rain or Shine sa double digits. Malalang 20 percent field goal shooting na tipong yung mga normal na pumapasok nilang mga tira, sa larong ito nga ay lumalabas pa ng ring. Medyo ironic na may “Rain” sila sa pangalan pero tinamaan sila ng tagtuyot. Pero ganoon talaga eh, may mga larong malas talaga. Off-night kumbaga. Buti na lang medyo may naipundar na silang mga panalo sa umpisa ng liga. Kailangang muling mag-regroup at buuin ang kumpiyansa. Naging masaklap man ang outcome o kinalabasan ng laro nila ngayon, maaasahan naman nating susubukan nilang bumawi sa susunod. Malaking panalo rin nga ito para kay Coach Cariaso. Nakipagsabayan sila sa pisikalan at na-i-co-convert nga rin nila ang kanilang mga tira. Maaari ring dahil sa kanilang depensa kaya naman nag-struggle ang kabilang panig. Anu’t ano pa man, itong panalong ito ay makatutulong sa patuloy nilang tangkang pag-angat sa standings. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/alaska-vs-rain-or-shine-rodney-brondial-abu-tratter-a795-20210728?ref=feed_3_section https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



KABAYONG MAY TAPAHOHO?! | MINSAN LANG MABIGYAN NG GANITONG PAGKAKATAON! | Jordan Clarkson Highlights
KABAYONG MAY TAPAHOHO?! | MINSAN LANG MABIGYAN NG GANITONG PAGKAKATAON! | Jordan Clarkson Highlights

Sa pagtatapos ng kanilang five-game home stand, magtutungo naman sila ngayon sa home court ng Golden State Warriors upang harapin ang isa pang mainit at naghahabol sa playoff spot na koponan ni Steve Kerr. Magandang sagupaan ito lalo na’t tila ba mataas pa ang kumpiyansa ng Utah. #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Shooting ang kalakasan ng Warriors lalo na’t nasa kanila ang isa sa pinakamahusay at may pinakamalayong range na si Steph Curry. Talagang masusubok sa gabing ito ang mga gwardiya ng Jazz na sina Bogdanovic, Niang, Royce at ang kababayan nating si Jordan Clarkson para mapantayan o mahigitan ang gagawin ng kanilang kalaban. Bagaman higit na kaunti ang ginamit na players ng coach ng Golden State, kumpara sa sampung manlalarong pinaikot ni Quin Snyder, naging sapat ito upang maitatag ang final score na 119-116 pabor sa home team. Bunga na rin marahil ng late-game heroics ni Curry na nagtapos ng may 36 points, 4 rebounds, six assists at 2 steals. Ang dinayong koponan nga ang halos may kontrol ng buong laro na umabot ang pinakamalaking kalamangan sa labingwalong puntos. Ito ang sinubok habulin ng Utah sa pangunguna na rin ng kanilang mainit-init pang flamethrower na si JC. Kasama si Bojan na nakapagtala ng 27 points, sinubok nilang makasilat iyon nga lamang ay hindi naging sapat. Tatlumpu’t tatlong tangka para kay Clarkson sa gabing siya ay pumuntos ng apatnapu’t isa. Patuloy siyang umatake upang bigyan ng pag-asa ang Utah na makasabay sa opensa. Halos kalahati sa kanyang tira ang kumonekta. Volume shooter din talaga at may green light naman mula sa mga kampi at coach niya. Si Jordan at Bojan lamang ang nakapag-ambag ng malaki ngayon lalo na’t kaya nilang makagawa ng kani-kanyang mga tira. Nag-struggle nang bahagya sina Niang at Ingles na parehong below 30% ang porsyento ng field goal habang si Gobert naman ay tila nadepensehan sa loob kaya naituon na lang ang atensyon sa pagkuha ng rebounds. Makasarili bang maituturing si Jordan Clarkson sa kanyang ipinakita? Na sa kanyang tatlumpu’t limang minuto wala man lang siyang kahit isang assist na naitala? Para sa iba oo, siya ay naging buwaya o isang kabayong may tapahoho na hindi inuna ang pumasa. Para sa iba naman hindi, dahil maaaring ang kanyang tingin ay puntos mula sa kanya ang higit na kailangan ng kanyang koponan lalo na’t wala silang mahanap sa iba. Kayo ano sa tingin ninyo? Anong masasabi niyo sa laro ni JC sa gabing ito? Baka di na niya maulit ang ganoong karaming tira kapag bumalik na sa rotation ni Snyder sina Conley at Mitchell. Ano’t ano pa man ang ating komento, panigurado si Clarkson naman ay natuto, at bahagi naman iyan ng proseso ng kanyang patuloy na paglago. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/steph-curry-has-last-laugh-in-shooting-showdown-with-jordan-clarkson-a994-20210511?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/clarkson-s-41-points-in-vain-as-late-curry-explosion-sinks-jazz-a1777-20210511?ref=site_search https://www.nba.com/game/uta-vs-gsw-0022001030/box-score Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



BUMAGSAK ANG BANTAY | MULING IBINALIK SA BENCH ANG FLAMETHROWER NG JAZZ | Jordan Clarkson Highlights
BUMAGSAK ANG BANTAY | MULING IBINALIK SA BENCH ANG FLAMETHROWER NG JAZZ | Jordan Clarkson Highlights

Muling nagharap ang Lakers at Jazz sa Los Angeles sa loob lamang ng tatlong araw. Kung sa nauna nilang laro ay kinailangan pa ng overtime upang mapagdesisyunan kung sino ang mananalo, sa gabing ito iba ang kaso. Kung sa naunang laro ay starting five si Jordan Clarkson, sa gabing ito iba rin ang kaso. Pero, nag-iba kaya ang nibel ng kanyang laro? #PUSOSports #JordanClarkson #Flamethrower Sa pagbabalik ng kanilang ibang mga manlalarong tulad nina Rudy Gobert at Mike Conley, matapos ang kanilang isang-larong pahinga, higit na nagkaroon ng flexibility o laya ang coach ng Utah upang balasahin ang kanyang mga players. At sa kanyang rotation ay madalas namang nagiging bahagi talaga sila ng mga starters. At sa gabing ito, bawing-bawi ang binabayad sa kanila dahil maganda naman ang kanilang ipinakita na nagbigay ng daan upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga bench players tulad ni Clarkson. Lagpas sa sampu ang lahat ng unang lima at ang buong koponan ng Utah ay nakabawi rin sa pag-crash ng boards na isa sa mga dahilan marahil ng kanilang pagkatalo noong nakaraan nilang laban. Kung pagbabanggain natin ang mga numero ni Clarkson para sa dalawang laro, bagaman higit na marami ang kanyang naipuntos noong una ay, kung efficiency ang titingnan ay mas maganda ang kanyang ambag para sa Jazz. Sa kanyang labing-apat na tangka, lima lamang dito ang hindi pumasok na naging dahilan din kung bakit naging higit na mataas ang kanyang field goal percentage kumpara sa nauna nilang tunggalian. Bakas din ang pagiging higit na agresibo ni JC para sa gabing ito patunay na ang kanyang mga na-convert o nagawang mga puntos gamit ang kanyang mga floaters at layups. Sinamantala niya ang uri ng depensang hinanda sa kanya ng kanyang dating team. At syempre, nandoon pa rin ang kanyang mga naipapasok na mga tira mula sa tres. Kahit na siya nga ay hinugot mula sa bench, siya pa rin ang isa sa mga pinakababad sa loob. Halos tatlampu’t dalawang minuto na parang di alintana ang nilaro nilang overtime game kontra ang parehong koponan na kung saan siya rin nga ay nakapagtala ng pinakamatagal na mga sandali sa pagkakaroon ng 46 minutes. Tila ba fully-loaded talaga ang flamethrower ng Jazz na si JC na nakatulong nang malaki sa pagkamit ng Jazz ng ikalima nitong panalo sa loob ng pitong laro. Ano mang role ang nakalaan para kay Jordan ay, sa ngayon, ay nagagawa naman niya nang mahusay. Mapa-starter man o off the bench. Ang higit na mahalaga siguro sa kanya ay may sapat siyang pagkakataon sa loob ng court upang maipamalas ang kanyang galing. Hindi marahil issue sa kanya kung siya ay nakatalagang sixth man sapagkat ito ay kanyang nagagampanan naman kaya nandoon ang tiwala sa kanya ng kanyang buong koponan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.nba.com/game/uta-vs-lal-0022000855/box-score#box-score https://www.nba.com/game/uta-vs-lal-0022000875/box-score#box-score https://www.spin.ph/basketball/nba/jordan-clarkson-shows-way-as-league-leading-jazz-get-back-at-lakers-a994-20210420?ref=site_search Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!




Next »


Popular Tags

#Michael Jordan  #Kawhi Leonard  #Goal Celebrations  #Best Champions League  #LeBron James  #Allen Iverson  #Chicago Bulls  #Shaquille O'Neal  #Zlatan Ibrahimovi  #Sergio Aguero  

Popular Users

#rolopez42  #richarddeitsch  #nytimes  #steveaustinBSR  #justinbieber  #Buccigross  #iamsrk  #Oprah  #IAmJericho  #Harry_Styles  #katyperry  #Buster_ESPN  #JayBilas  #AdamSchefter  #kevinlove