PUSO Sports's user profile page. Match highlights, posts and more on site!

“”

 Report User

Latest Posts

Double Overtime, Walang Gustong Bumitaw! | Romeo, Naging Tinik Laban sa TNT | TR7, TR18 Career-Night
Double Overtime, Walang Gustong Bumitaw! | Romeo, Naging Tinik Laban sa TNT | TR7, TR18 Career-Night

Inabot ng dalawang dagdag na limang minuto ang ikalawang laban ng San Miguel Beermen at TNT KaTropa. Double overtime. Mabuti na lang at may TV ang bus na nasakyan ko at napanood ko ang klasikong digmaang ito. #2OT #SMBvsTNT #PBAFinals #TR7 #TR18 Ang mga nanood ng live sa Araneta ay paniguradong nasulit ang kanilang tickets. Umaatikabong aksyon ang ipinamalas ng dalawang koponan na ito na minarkahan pa ng mga career nights para sa iba’t ibang players ng TNT at ng SMB. Maganda ang bitaw ni Troy Rosario para sa gabing ito kaya naman nakapagtala sya ng 34 points. Bukod sa sya ang madalas na napapasahan ng kanilang import sa loob, nakapukol din sya ng walong three points upang maidikit nya ang kanilang score sa kalaban. Ang masaklap lamang ay hindi nya natapos ang laro dahil nagtamo sya ng anim na fouls. At kung usapan lang din naman ng mga big night, hindi nagpahuli ang SMB guard na si Terrence Romeo. Naitala ni Bro ang kanyang highest scoring output sa kanyang career bilang isang Beermen sa pag-iskor ng 29 points. Umulan ng tres sa larong ito. Labingwalo sa SMB habang labing-anim naman sa TNT. Kung pagsasamahin ay mayroon na kaagad na 102 points ang dalawang koponan na nanggaling pa lamang sa three-point line. Para sa dalawang imports, sa palagay ko ay medyo nag-cancel-out o naging pantay lamang ang kanilang performance sa Game 2. Nandoon ang scoring, rebounding at defense ngunit mayroon din silang fair share of miscues. Di maikakaila na beteranong team din naman ang TNT, marami na ring pinagdaanan ang koponang ito. Ngunit para sa gabing ito, mukhang umayon para sa Beermen and mga clutch points na nag-matter at nakapag-decide ng kinahinatnan ng laro. Big shot ni Romeo para maihatid ang SMB sa unang overtime. Crucial ang mga namintis na free throws nina Brian Heruela at Troy Rosario pagkatapos ma-eject ni Terrence Jones na nakapagdulot ng pampatablang layup ni Cabagnot. At si Chris Ross na syang bumingwit ng ikalawang technical foul ni Jones ang sya ring nakakuha ng steal noong 2nd overtime na nagbunga rin ng dalawang dagdag na puntos para sa SMB dahil sa kanyang fastbreak layup. We’re in for a treat. Tabla na ang serye. Walang isang koponan ang may malinaw na bentahe sa kanilang kalaban. Nakadepende kung sino ang puputok para sa mga laro at handang magpakitang-gilas sa malaking entablado ng finals. Palakihan na lang ng #PUSO Pagkatapos ng ganitong sobrang dikit na laban, paniguradong ang dalawang koponan na ito ay parehong gigil nang makapaglaro muli. Nakapapagod ngunit kakaibang karanasan ang makapagbahagi ng iyong talento sa mga ganitong uri ng laban. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/terrence-romeo-smb-vs-tnt-game-2-2019-pba-commissioner-s-cup-finals-a2437-20190808?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/smb-vs-tnt-game-2-2ot-2019-pba-commissioner-s-cup-finals-chris-ross-a795-20190807?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/chris-mccullough-smb-vs-tnt-game-2-2019-pba-commissioner-s-cup-finals-a2437-20190807?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/tnt-katropa-gives-weight-on-free-throw-shooting-in-practice-as-missed-foul-shots-cost-team-game-2-loss-a793-20190807?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/terrence-jones-officiating-smb-vs-tnt-game-2-2019-pba-commissioner-s-cup-finals-a2437-20190807?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/chris-ross-wins-mind-game-against-terrence-jones-this-time-despite-suffering-another-busted-lip-a793-20190807?ref=feed_1_section https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



“Tres” Ross Di Nagpapigil sa ROS! | Ponferada Laban kay JMF, CStand | Isa Pang Chris Nagpaubaya Muna
“Tres” Ross Di Nagpapigil sa ROS! | Ponferada Laban kay JMF, CStand | Isa Pang Chris Nagpaubaya Muna

Mainit ang naging panimula ng Rain or Shine Elastopainters sa gabing ito. Sa katunayan ay sa unang mga sandali ng kanilang laban kontra San Miguel ay naitala nila ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 29 points. Pahiwatig na dapat ito ng isang blowout game na papabor sa Elastopainters. Dalangin na siguro nilang matapos na kaagad ang laro na hindi nakahahabol ang kalaban upang maitabla na ang serye. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana para sa kanila. Unti-unting nag-iba ang daloy ng laro noong second quarter noong nagsimulang kumonekta ang mga tira ng mga taga-SMB. Ang malaking kalamangan ng Rain or Shine ay biglang nawalang parang bula. Anong nangyari? Ang magandang shooting ay lumipat sa Beermen at animo’y nawala sa laro ang kanilang kalaban. Law of averages. Napakataas ng porsyento ng Elastopainters sa umpisa ngunit sa pagtagal ay dumami na rin ang mga sablay. Chris Ross. Iyan ang pangalang maalala ng Rain or Shine sa gabing ito. Minarkahan nya ang buong team ng Rain or Shine sa pagkakaroon nya ng bagong career-high ngayon. Tatlumpu’t apat na puntos at ang 30 points doon ay nanggaling sa tres. Kilala natin si Ross sa kanyang depensa at playmaking sa loob ng court. Ngunit sya na rin ang nagsabi, alay nya ang larong ito para sa kanilang fallen comrade na si Marcio Lassiter dahil sa iniinda nitong injury. Para bang sumanib kay Ross ang shooting ni Marcio. Tinambakan na ng Rain or Shine pero nakahabol pa. At sa huli ay sila pa ang nakakuha ng panalo. Banggit nga ni Ross ay dahil na rin sa kanilang mga karanasan kaya napanatili nila ang kanilang composure kahit tila ba mahirap nang makabalik pa. Demoralizing o nakapanlulumo ang mga ganitong pagkatalo para sa ilan pero kung may silver lining o mapupulot mang aral ang Rain or Shine sa kanilang laban iyon ay ay kaya pala nilang malamangan nang ganoon ang San Miguel Beermen - kailangan lang nila itong masustain o mapanatili sa buong laro. Patungo sa ikatlong laban, paniguradong nag-uumapaw sa kumpiyansa ang SMB na may pagkakataon nang walisin at tapusin ang serye at makapasok sa finals. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/austria-on-ross-fiery-shooting-yung-spirit-ni-lassiter-napunta-sa-kanya-a795-20190729?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/chris-ross-catches-fire-as-big-smb-comeback-leaves-rain-or-shine-on-the-ropes-a795-20190729?ref=home_featured_big https://www.spin.ph/basketball/pba/ros-coach-caloy-garcia-regrets-decision-not-to-call-timeout-at-height-of-smb-comeback-a793-20190729?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/smb-holds-breath-as-marcio-lassiter-taken-to-hospital-after-hurting-knee-a2437-20190724?ref=feed_7_section https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Brownlee, Minarkahan ang Magnolia! | Japeth, Naglambitin sa Ring! | Jio, Lee Iniwan ang Depensa!
Brownlee, Minarkahan ang Magnolia! | Japeth, Naglambitin sa Ring! | Jio, Lee Iniwan ang Depensa!

Natapos na naman ang isang labang inabangan ng marami. At mukhang sulit naman ang binayarang tickets ng mga fans upang panoorin ang #ManilaClasico #CareerHigh #NSD #GSMvsMAG MAGvsGSM Bumulusok agad ang Magnolia Hotshots sa umpisa ng laban. Ganado at determinadong makakuha muli ng panalo. Sila ay pinangunahan ng kanilang import na si James Farr na inilaan ang kanyang career night in points sa mabigat na larong ito. Sa mga guwardiya ng Magnolia, maganda ang pinakitang laro ni Barroca sa pagtala ng 16 points habang nakaatang sa kanya ang responsibilidad na depensahan si Stanley Pringle. At sa gabing ito ay si Mark lamang ang naka-double figures mula sa mga Banta ng Magnolia. Malaking bagay pa man din sana kung nakapag-ambag nang malaki sa scoring sina Paul Lee at Jio Jalalon. Natapos ang 1st half nang may natitira pang isang puntong kalamangan ang Magnolia. Ngunit nag-iba ang kwento noong dumako na sa 3rd at 4th quarters ang Manila Clasico. Kasabay ng hiyawan ng crowd ay nagsimula nang magparamdam ang mga taga-Barangay Ginebra. Sa gabing ito ay isa sa mga x-factors si Japeth Aguilar na nakagawa ng maraming dunks sa tulong na rin ng kanyang mga kakampi. Sa matchup ni Ian Sangalang ay nanaig marahil sya kung puntos at rebounds ang pag-uusapan. At mukhang ang Tatlong Tanod ng Barangay ang mas nagpakitang-gilas para sa gabing ito kumpara sa kanilang mga kabantayan mula sa kabilang koponan. Nagsalitan sila sa pagbibigay ng opensa sa 3rd at 4th quarter kaya naman nahirapang makahabol pa ang Magnolia. Sa mga galawan ni Pringle ay napa-wow nya ang mga nanonood. Sa mga tres na binitawan ni LA ay lalo pang lumakas ang pag-cheer at pagsigaw ng kanilang mga fans. At kung hindi man nakakuha ng maraming puntos si Iskati, sinigurado naman nyang makakapagbigay sya ng magandang depensa at susungkit ng maraming rebounds. Ngunit ang gabing ito ay para talaga kay Justin Brownlee. Hinigitan nya ang career-high ng kanyang fellow import at ang kanyang sariling career high ngayong laban ng Manila Clasico. Takeover. Yan ang ginawa ni Justin Brownlee sa kanilang laro. Wala ngang nakapigil sa kanya. Ang lahat ng sumubok ay nabigo. Sa pagkatalong ito ng Magnolia ay bababa sila sa record na 5 wins and 4 losses, samantalang aangat naman ang Ginebra with 6 wins and 4 losses. Hindi man masyadong dikit ang laban sa huli, pinamalas pa rin naman ng dalawang team kung bakit isa ang kanilang rivalry sa mga inaabangan sa liga. Malay natin, mag-krus muli ang kanilang landas pagdating ng playoffs. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/brownlee-s-career-high-49-points-leads-ginebra-past-magnolia-a795-20190707?ref=feed_1_section https://www.pba.ph/news/kings-pounce-on-hotshots-in-second-half-gain-outright-quarters-passage Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



5 MOST SHOCKING MOMENTS | PBA Philippine Cup Finals
5 MOST SHOCKING MOMENTS | PBA Philippine Cup Finals

Saktong isang linggo na nga ang nakalilipas noong mataas ang PBA Philippine Cup ngunit dahil nga inabot ito ng hanggang Game 7 ay paniguradong marami tayong mga moments na maaalala para sa isang epikong duwelo ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots. Kamusta mga kaibigan? Taos-#PUSO ko kayong winewelcome dito sa aking channel. Para sa video nga natin ngayon, ating babalikan ang “5 MOST SHOCKING MOMENTS” na nangyari sa kakatapos lamang na PBA Philippine Cup Finals. Marami ngang mga nakagugulat na pangyayari ang naganap noong nakaraang Finals pero susubukan lamang nating magbigay ng limang PINAKA-NAKAGUGULAT sa mga ito. Kaya nga simulan na nga natin ang ating countdown para sa ating “5 MOST SHOCKING MOMENTS” noong Philippine Cup Finals. Kayo, ano sa tingin nyo ang pinaka-SHOCKING na nangyari noong Finals? Ilagay lang sa comment section. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



LAST GAME, DECISION! | Rain or Shine vs Magnolia - PBA Semifinals Game 7
LAST GAME, DECISION! | Rain or Shine vs Magnolia - PBA Semifinals Game 7

Sa kahuli-hulihang pagkakataon ngayong PBA Philippine Cup, nagharap na ang Rain or Shine Elastopainters at Magnolia Hotshots. Ang mananalo ay aalagwa papuntang Finals. Ilang segundo na lang ang natitira. Tabla ang laban. Kanino ka pupunta? Kanino mo ibibigay ang bola? Kay Paul Lee na steady pulso o kay James Yap na subok na sa mga big games? Sasangga kaya ang Magnolia kay Sangalang? O gigibain sila ni Big Beau? Patuloy nating suportahan ang PBA@ESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!



Highlights

LA Tenorio BUMAGSAK! MAY KASAMA PANG FOUL! | NASIRAAN NG LOOB ang Road Warriors | RESBAK NG GINEBRA
LA Tenorio BUMAGSAK! MAY KASAMA PANG FOUL! | NASIRAAN NG LOOB ang Road Warriors | RESBAK NG GINEBRA

Mainit-init pa mula noong ginilitan nila ng leeg ang isang koponan ni MVP, ngayon naman ay isa pa ring koponan na nasa ...



PINASABUGAN ang NLEX sa LARONG Ito! | Walang Christmas Party! | KAKAIBA ang NANGYARI sa mga IMPORTS!
PINASABUGAN ang NLEX sa LARONG Ito! | Walang Christmas Party! | KAKAIBA ang NANGYARI sa mga IMPORTS!

Isang koponang wala pang bahid ng pagkatalo at kasalukuyang nasa tuktok ng standings. Isang koponang sariwa pa ang ...



AYAW PASAPAW ni JALEN GREEN! | NAGKASUKATAN na nga sila ni MOTORCADE! | Jalen Green Highlights
AYAW PASAPAW ni JALEN GREEN! | NAGKASUKATAN na nga sila ni MOTORCADE! | Jalen Green Highlights

Nagharap na nga ang una at ikalawang picks para sa katatapos lamang na NBA draft. Cade Cunningham para sa Detroit Pistons. Jalen Green para naman sa ...



ANYARE sa Elastopainters?! | PISIKALAN kung PISIKALAN! | PARANG may TAKIP ang KANILANG RING!
ANYARE sa Elastopainters?! | PISIKALAN kung PISIKALAN! | PARANG may TAKIP ang KANILANG RING!

Papasok sa larong ito, nasa koponan ni Coach Chris Gavina ang lahat ng momentum matapos nga ang kanilang tatlong sunod-sunod na panalo. Samantalang ...



Paul at Abueva NANALASA Kontra Phoenix! | Vic Manuel NAMBRASO! | SHOOTING at KALDAGAN
Paul at Abueva NANALASA Kontra Phoenix! | Vic Manuel NAMBRASO! | SHOOTING at KALDAGAN

Magnolia Hotshots. Phoenix Fuelmasters. Mga pangalan pa lamang, mainit na. Kaya naman sa unang bakbakan nila ngayong ikaapatnapu't anim na season ...



KABAYONG MAY TAPAHOHO?! | MINSAN LANG MABIGYAN NG GANITONG PAGKAKATAON! | Jordan Clarkson Highlights
KABAYONG MAY TAPAHOHO?! | MINSAN LANG MABIGYAN NG GANITONG PAGKAKATAON! | Jordan Clarkson Highlights

Sa pagtatapos ng kanilang five-game home stand, magtutungo naman sila ngayon sa home court ng Golden State Warriors upang harapin ang isa pang mainit ...




« Previous


User Detail Page

You can find user latest posts and related content on the page. Friends, comments for events / matches are also available on the page. Even you can find users who are same pleasure with current user.

#Travel, #SupportYourTeam, #AllAboutSports