Brownlee, Minarkahan ang Magnolia! | Japeth, Naglambitin sa Ring! | Jio, Lee Iniwan ang Depensa! by @PUSO Sports - Post Details

Brownlee, Minarkahan ang Magnolia! | Japeth, Naglambitin sa Ring! | Jio, Lee Iniwan ang Depensa!

Natapos na naman ang isang labang inabangan ng marami. At mukhang sulit naman ang binayarang tickets ng mga fans upang panoorin ang #ManilaClasico #CareerHigh #NSD #GSMvsMAG MAGvsGSM Bumulusok agad ang Magnolia Hotshots sa umpisa ng laban. Ganado at determinadong makakuha muli ng panalo. Sila ay pinangunahan ng kanilang import na si James Farr na inilaan ang kanyang career night in points sa mabigat na larong ito. Sa mga guwardiya ng Magnolia, maganda ang pinakitang laro ni Barroca sa pagtala ng 16 points habang nakaatang sa kanya ang responsibilidad na depensahan si Stanley Pringle. At sa gabing ito ay si Mark lamang ang naka-double figures mula sa mga Banta ng Magnolia. Malaking bagay pa man din sana kung nakapag-ambag nang malaki sa scoring sina Paul Lee at Jio Jalalon. Natapos ang 1st half nang may natitira pang isang puntong kalamangan ang Magnolia. Ngunit nag-iba ang kwento noong dumako na sa 3rd at 4th quarters ang Manila Clasico. Kasabay ng hiyawan ng crowd ay nagsimula nang magparamdam ang mga taga-Barangay Ginebra. Sa gabing ito ay isa sa mga x-factors si Japeth Aguilar na nakagawa ng maraming dunks sa tulong na rin ng kanyang mga kakampi. Sa matchup ni Ian Sangalang ay nanaig marahil sya kung puntos at rebounds ang pag-uusapan. At mukhang ang Tatlong Tanod ng Barangay ang mas nagpakitang-gilas para sa gabing ito kumpara sa kanilang mga kabantayan mula sa kabilang koponan. Nagsalitan sila sa pagbibigay ng opensa sa 3rd at 4th quarter kaya naman nahirapang makahabol pa ang Magnolia. Sa mga galawan ni Pringle ay napa-wow nya ang mga nanonood. Sa mga tres na binitawan ni LA ay lalo pang lumakas ang pag-cheer at pagsigaw ng kanilang mga fans. At kung hindi man nakakuha ng maraming puntos si Iskati, sinigurado naman nyang makakapagbigay sya ng magandang depensa at susungkit ng maraming rebounds. Ngunit ang gabing ito ay para talaga kay Justin Brownlee. Hinigitan nya ang career-high ng kanyang fellow import at ang kanyang sariling career high ngayong laban ng Manila Clasico. Takeover. Yan ang ginawa ni Justin Brownlee sa kanilang laro. Wala ngang nakapigil sa kanya. Ang lahat ng sumubok ay nabigo. Sa pagkatalong ito ng Magnolia ay bababa sila sa record na 5 wins and 4 losses, samantalang aangat naman ang Ginebra with 6 wins and 4 losses. Hindi man masyadong dikit ang laban sa huli, pinamalas pa rin naman ng dalawang team kung bakit isa ang kanilang rivalry sa mga inaabangan sa liga. Malay natin, mag-krus muli ang kanilang landas pagdating ng playoffs. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/brownlee-s-career-high-49-points-leads-ginebra-past-magnolia-a795-20190707?ref=feed_1_section https://www.pba.ph/news/kings-pounce-on-hotshots-in-second-half-gain-outright-quarters-passage Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Similar Posts!

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...