Content removal request!


“Tres” Ross Di Nagpapigil sa ROS! | Ponferada Laban kay JMF, CStand | Isa Pang Chris Nagpaubaya Muna

Mainit ang naging panimula ng Rain or Shine Elastopainters sa gabing ito. Sa katunayan ay sa unang mga sandali ng kanilang laban kontra San Miguel ay naitala nila ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 29 points. Pahiwatig na dapat ito ng isang blowout game na papabor sa Elastopainters. Dalangin na siguro nilang matapos na kaagad ang laro na hindi nakahahabol ang kalaban upang maitabla na ang serye. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana para sa kanila. Unti-unting nag-iba ang daloy ng laro noong second quarter noong nagsimulang kumonekta ang mga tira ng mga taga-SMB. Ang malaking kalamangan ng Rain or Shine ay biglang nawalang parang bula. Anong nangyari? Ang magandang shooting ay lumipat sa Beermen at animo’y nawala sa laro ang kanilang kalaban. Law of averages. Napakataas ng porsyento ng Elastopainters sa umpisa ngunit sa pagtagal ay dumami na rin ang mga sablay. Chris Ross. Iyan ang pangalang maalala ng Rain or Shine sa gabing ito. Minarkahan nya ang buong team ng Rain or Shine sa pagkakaroon nya ng bagong career-high ngayon. Tatlumpu’t apat na puntos at ang 30 points doon ay nanggaling sa tres. Kilala natin si Ross sa kanyang depensa at playmaking sa loob ng court. Ngunit sya na rin ang nagsabi, alay nya ang larong ito para sa kanilang fallen comrade na si Marcio Lassiter dahil sa iniinda nitong injury. Para bang sumanib kay Ross ang shooting ni Marcio. Tinambakan na ng Rain or Shine pero nakahabol pa. At sa huli ay sila pa ang nakakuha ng panalo. Banggit nga ni Ross ay dahil na rin sa kanilang mga karanasan kaya napanatili nila ang kanilang composure kahit tila ba mahirap nang makabalik pa. Demoralizing o nakapanlulumo ang mga ganitong pagkatalo para sa ilan pero kung may silver lining o mapupulot mang aral ang Rain or Shine sa kanilang laban iyon ay ay kaya pala nilang malamangan nang ganoon ang San Miguel Beermen - kailangan lang nila itong masustain o mapanatili sa buong laro. Patungo sa ikatlong laban, paniguradong nag-uumapaw sa kumpiyansa ang SMB na may pagkakataon nang walisin at tapusin ang serye at makapasok sa finals. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/austria-on-ross-fiery-shooting-yung-spirit-ni-lassiter-napunta-sa-kanya-a795-20190729?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/chris-ross-catches-fire-as-big-smb-comeback-leaves-rain-or-shine-on-the-ropes-a795-20190729?ref=home_featured_big https://www.spin.ph/basketball/pba/ros-coach-caloy-garcia-regrets-decision-not-to-call-timeout-at-height-of-smb-comeback-a793-20190729?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/smb-holds-breath-as-marcio-lassiter-taken-to-hospital-after-hurting-knee-a2437-20190724?ref=feed_7_section https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!