Isang koponang wala pang bahid ng pagkatalo at kasalukuyang nasa tuktok ng standings. Isang koponang sariwa pa ang heartbreaking na pagkatalo sa kanilang huling bakbakan. Kanino kayo? Magpapatuloy pa kaya ang pag-arangkada ng NLEX Road Warriors? O natuto na ang Phoenix Fuelmasters at ngayon ay ibubunton ang atensyon at gigil sa kanilang bagong katunggali? Mainit ang laban at mayroon ding mga sandaling hindi natin inasahan. #PUSOSports Oftana. Varilla. Trollano. Mga forwards ng Road Warriors na nagsulong at nanguna sa pag-atake ng NLEX para sa gabing ito. Samu’t sari ang pinanggalingan ng kanilang opensa na kung saan nabigyang-pansin ang versatility ng mga manlalarong ito. Nakahanap sila ng mga pagkakataong umiskor sa loob at naging accurate din ang kanilang mga tangka sa tres. Si Paul mayroong sampung puntos. Si Don mayroong 16 points. Samantalang ang rookie na si Calvin ay nagpasabog ng labingwalong puntos na sinamahan pa ng labing-isang rebounds. Ang import nilang si KJ McDaniels, nandoon pa rin ang ambag ngunit may pinagkaiba sa kanilang mga nakaraang laro. Ang talentadong import at dating NBA player ay kadalasang nakapagtatala ng mga numerong nakapagbibigay sa kanya ng dalawampu o tatlumpung puntos na naging malaking bagay sa unang apat na panalo ng Road Warriors. Pero sa laro nila matapos ang Noche Buena, tila nawala ang kanyang buenas at nakapagtala lamang ng 12 points at 10 rebounds. Kakaiba rin ang nangyari para sa import ng Phoenix Fuelmasters dahil matapos lamang ang halos tatlong minuto sa loob ng court ay hindi na nga ito nakabalik pa para maglaro. Hindi natin inakala na noong umpisa pa lang pala ay mayroon nang nararamdamang hindi kaaya-aya sa kanyang ibabang bahagi ng katawan iton si Paul Harris. Precautionary measure at nag-iingat na lang din marahil si Coach Topex kaya pinili nyang hindi na paglaruin ang kanyang import upang hindi na lumala ang kanyang “tricky” injury. Mabuti na lang at tila nabiyayaan muli ng magandang tikada itong si Justin Chua para sa gabing ito. Nasa arsenal naman ng big man na ito ang perimeter shooting pero sa araw ng Pasko, higit pa niyang pinalayo ang kanyang mga range. Naging buenas siya sa pagpukol niya ng mga tira niya sa tres na kung saan isang beses lamang sya nagmintis sa kanyang limang tangka. 19 points off the bench na naging napakahalaga para sa koponan ng Fuelmasters. Habang ang ibang gwardiya pa ng Phoenix ay nakapagbigay rin ng kanilang ambag. Si Chris Banchero, tila snatcher sa kanyang limang steals na sinamahan pa ng labingpitong puntos. Samantalang ang sniper na si Aljun Melecio, patuloy pa rin ang pagbuo ng kanyang kumpiyansa na kung saan 12 points ang kanyang naitulong bilang kapalitan ni CB. Si Matthew Wright tamang-tama rin ang gising at pulso ngayong araw ng Pasko. Ang star player ng Phoenix ang naghatid ng pangunahing bira sa kalaban. Hinihintay na rin talaga ng karamihan na itong si Matthew ay mag-explode at maipamalas ang kanyang mahusay na opensa. At ginawa niya ito at the expense ng isa sa mga nangungunang koponan ngayon sa liga kung standings ang titingnan. Game-high 23 points ang pasabog – na labingwalo ay nagmula sa tres – at may kasama pang 9 rebounds. Wala munang Christmas party ang buong koponan ni Coach Yeng Guiao dahil pinili pala nilang i-donate ang salaping dapat gagastusin sa kasiyahan upang makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Isang pagkakawanggawa para sa mga taong higit na nangangailangan ngayon. Saludo tayo sa mga ganitong gawain dahil dito higit nating makikita ang epekto ng basketball sa nation-building. Sa kanilang panalo sa final score na 102-93, nakaangat ang Phoenix sa standings. Di tulad ng nakaraan nilang laro, wala nang naganap na last-minute meltdown. Anong masasabi nyo sa naging laruan ng dalawang koponan pati na ng mga imports? Nahapo na ba sa mga laro o gusto lang muna magpahinga ngayong holidays? Kung may mga iniinda man silang mga injuries, makakatutulong marahil ang mahaba-haba nilang break upang maka-recover ang kanilang mga katawan. Ika-anim at ika-walo pa naman ng Enero ang susunod nilang laban. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/road-warriors-forego-christmas-party-donate-costs-to-typhoon-odette-victims-a793-20211225?ref=article_reco_slide https://www.spin.ph/basketball/pba/paul-harris-injury-phoenix-vs-nlex-a795-20211225?ref=article_reco_slide https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Sa pagpapatunay na siya ang mas malaking manuntok, pinatalsik ni Sultan ang Puerto Rican na pinatigil ang lahat ng kanyang 14 na naunang kalaban, sa ikalawa, ikatlo, ikaanim, at ikasiyam na round upang makakuha ng unanimous 94-93 na desisyon at ilagay ang kanyang sarili sa linya para sa isa pang world title crack. .Si Caraballo, na hindi pa lumampas sa anim na round noon, ay kumuha ng ikaapat na round nang ilang beses niyang ginulat si Sultan gamit ang mga left straight at ang ikawalo nang siya ay lumapag na may load straight lefts. Mas malaki sana ang agwat kung hindi pinatulan ng referee ang isang knockdown para kay Caraballo nang ma-off-balanced si Sultan at hinawakan ang kanyang mga guwantes sa canvas sa huling bahagi ng ika-apat na round. Bagama't nasiyahan sa pangkalahatang pagganap na ipinakita ni Sultan, sinabi ng tagapagsanay na si Joven Jimenez na may puwang para sa mga pagpapabuti. "Pagkatapos ng isang maikling pahinga ay magpapatuloy kami sa pagsasanay, palakasin ang kanyang lakas, at gagawin ang kanyang mga jab at footwork," sabi ni Jimenez, ang tagapagsanay din ng Ancajas. Si Sultan, ang ipinagmamalaki ng Tampilisan, Zamboanga del Norte, na ipinagmamalaki rin ang unanimous decision na panalo laban sa kasalukuyang World Boxing Organization bantamweight champion na si Johnriel Casimero noong 2017, ang mas abalang manlalaban, naghagis ng 480 suntok at lumapag ng 92. Si Caraballo, bagong pirma ng Top Rank, ay kumonekta sa 137 sa 352 na suntok na kanyang na-unload. Kasama ni Jimenez sa kanto sina Ancajas, ang promoter ng Sultan na si Brendan Gibbons, at si Junnie Navarro, na co-manage ng Sultan kasama si Mike Venezuela ng Zamboanga Valientes MLV. jonas sultan vs carlos caraballo jonas sultan boxrec jonas sultan record jonas sultan next fight jonas sultan net worth jonas sultan boxing record jonas sultan vs casimero jonas sultan age jonas sultan vs ancajas full fight jonas abu sultan jonas sultan biography jonas sultan boxing jonas sultan caraballo jonas sultan vs sharone carter jonas sultan fight jonas sultan fight result jonas sultan fight today jonas sultan fight 2021 jonas sultan fight record jonas sultan full fight jonas sultan facebook jonas sultan height jonas sultan highlights jonas sultan instagram jonas sultan last fight jonas sultan live jonas sultan live stream jonas sultan lund jonas sultan manager jonas sultan mp promotion jonas sultan new fight jonas sultan news jonas sultan next fight 2021 jonas sultan opponent jonas sultan purse jonas sultan religion jonas sultan result jonas sultan stats jonas sultan schedule jonas sultan sharone carter jonas sultan trainer jonas sultan undercard jonas sultan uppsala jonas sultan vs jonas sultan vs carter jonas sultan vs tete jonas sultan vs caraballo jonas sultan vs sharon carter full fight jonas sultan wiki jonas sultan wife jonas sultan weight jonas sultan win jonas sultan youtube jonas zorro sultan
MATAPOS ANG DALAWAMPUT ANIM NA TAONG PAKIKIPAG LABAN, SA IBABAW NG RING, AY SA WAKAS TULUYAN NG INIWAN NI MANNY PACQUIAO, ANG LARANGAN NG BOXING. NAGING MAKULAY ANG KARERA NI PACMAN SA LOOB NG MAHABANG PANAHON. AT IIWANAN NITO ANG KANYANG DI MALILIMUTANG LEGASIYA. ANG 42 YEARS OLD NA SI PACQUIAO, AY ANG TANGING BOSKINGERO NA NAGING EIGHT DIVISION WORLD CHAMPION, AT ANG NAG-IISANG FIGHTER SA KASAYSAYAN, NA NAGING WORLD CHAMPION SA LOOB NG APAT NA DEKADA. background music CREDITED TO: Music Info: Action Trailer by RomanSenykMusic. Music Link: https://youtu.be/a8bU8_miTCY ------------------- ©️ Footage Credits: SHOWTIME Sports HBOBoxing Top Rank Boxing Sky Sports Boxing PBC ON FOX Premier Boxing Champions Team Pacquiao Larry King Boxing Highlights C4TV Hatton Boxing Pwede na kayong Sumuporta mga kachoy sa ating FB Page: https://www.facebook.com/BBALLTV4/?mo... If you like this video please subscribe to this channel to catch awesome sports videos every week. DISCLAIMER - All clips are the property of the owner/s. No copyright infringement intended. Use of videos follows the FAIR USE Guideline of YouTube. #BoxingBallNation
Pinay powerlifter Veronica Ompod, wagi ng apat na ginto sa 2021 World Classic Powerlifting Championships sa Sweden Wagi ng apat na ginto ang Pinay powerlifter na si Veronica Ompod sa 2021 World Classic Powerlifting Championships sa Sweden. Iba pa ito sa Olympics sport na Weightlifting. Dalawang move ang kailangan para sa Weightlifting gaya ng snatch at clean and jerk. Isang move naman ang kailangan para sa Powerlifting gaya ng bench press, squats at deadlift. Maki-timeout muna tayo kay Chino Trinidad. 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mike Enriquez, Mel Tiangco and Vicky Morales. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 6:00 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanetwork.com/24oras. News updates on COVID-19 (coronavirus disease 2019) and the COVID-19 vaccine: https://www.gmanetwork.com/news/covid-19/ Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Ikalawang game na para sa apat na pinoy sa B.League, silipin natin ang kanilang mga naging laro ngayon. Subscribe for more videos: https://www.youtube.com/wgameplayph?sub_confirmation=1 WGPH on Social Media: ▸Like on Facebook: https://www.facebook.com/wgameplayph ▸Follow on Instagram: https://www.instagram.com/wgameplayph ▸Follow on Twitter: https://twitter.com/wgameplayph ▸Join Parekoy Basketball Group: https://www.facebook.com/groups/wgameplayph Inquiries: wgameplayphilippines@gmail.com Send your video suggestions here: https://wgameplay.ph/suggestion/ For more content, visit: https://wgameplay.ph
I-re-represent o magiging kinatawan nga raw siya ng bansang Pilipinas at ng bawat Pilipino sa larong basketball, banggit nya nang may buong kumpiyansa. Tulad ng isang rocket na patungong outer space, maging maganda kaya ang take-off ni Jalen Green para sa kanyang simula sa NBA? #PUSOSports Houston Rockets kontra Cleveland Cavaliers. Sa una ngang laro sa NBA Summer League sa Las Vegas ni Jalen ay kinaharap nga nya kaagad ang manlalarong kasunod nyang tinawag noong draft na si Evan Mobley. Matangkad at payat pero may angking bilis rin itong prized recruit ng Cavs. Iba naman ang pa-welcome at pagbati ng kakampi ng 3rd overall pick kay Green. Si Isaac Okoro nga, tila di basta-bastang ibibigay ang spotlight sa mga bagong salta. Siya nga ang nanguna para sa kanilang koponan sa pag-iskor ng labingpitong puntos na sinamahan pa ng tatlong rebounds, dalawang assists, at isang eksplosibong dakdak. Bahagya mang nalamangan ang Houston sa unang dalawang quarters, hindi ito naging hadlang para kay Jalen Green upang magpakitang-gilas sa mga nanood ng live. Sya talaga ang isa sa mga inabangan dito at buong-buo naman syang nakapagpasiklab. Ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang scorer. 23 points at 50% field goal shooting. Sa kanyang magandang stroke, naipasok nya nga ang kanyang mga tira sa labas. Sa kanyang matinding POKUS sa pag-penetrate sa basket, naiwan nga niya ang kanyang mga bantay. May mangilan-ngilan pang pagkakataon na sa sobrang swabe ng kanyang galaw ay may panahon pa siya para tingnan ang kalabang kanyang naiwan. Mukhang isa rin talaga sa mga paboritong move nitong 19-year old standout ang step back. Pero alam nating marami pang baon-baon itong si Jalen Green. Kung skills lang ang pag-uusapan, bakas nga ang karamihan nya nito. Kung tiwala o bilib sa sarili, baka nga ring hindi siya nagkukulang dito. Apat nga ang rookie na na-draft ng Houston Rockets ang ibabandera nila sa papasok na season ng NBA. At ang pinakamataas nga rito at pinakaputok ang pangalan ay si Jalen Green. Ano sa tingin ninyo ang tsansa ng koponang ito na makipagsabayan sa ibang higit na beteranong teams sa NBA? Kakayanin kaya nila? Aabangan natin yan. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-stars-as-rockets-beat-cavs-in-nba-summer-league-a994-20210809?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-proud-to-represent-philippines-in-nba-draft-quest-a2437-20210728?ref=site_search https://www.spin.ph/basketball/nba/jalen-green-ignite-teammates-prepare-for-tough-test-in-nba-a1745-20210731?ref=site_search Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Isa na namang pasabog sa kasaysayan ng NBA ang massive offer ni Stephen curry na $215 million deal sa apat na taon!! tara mga chong pausapan natin ang ...
Papasok sa larong ito, nasa koponan ni Coach Chris Gavina ang lahat ng momentum matapos nga ang kanilang tatlong sunod-sunod na panalo. Samantalang ang koponan ni Coach Jeffrey Cariaso, susubok naman na mag-bounce back mula sa kanilang pagkatalo. Dalawang koponang may win at lose streaks, magtuloy-tuloy pa kaya o tuluyan nang mababasag? #PUSOSports Maagang nadiktahan ng Alaska ang naging daloy ng laro na kung saan si Rodney Brondial nga ang nanguna para sa kanila. Sa kanyang pagiging agresibo nga ay nakahanap sya ng mga siwang sa depensa ng kalaban upang sya nga ay makapuntos sa loob habang nabigyan din sya ng pagkakataong tumira mula sa labas. Nakatulong din para sa Aces sina Yousef Taha at Maverick Ahanmisi sa kabuuang pagbalasa ni Cariaso sa kanyang lineup. Si Maverick na bahagi ng starting five, nakapagbigay ng 10 points, 6 rebounds, 4 assists at 2 steals. Habang si Taha na hinugot sa bench, nakapagbigay ng sampung rebounds. Si Abu Tratter, nakapagtala ng double-double. Gamit na gamit ang kanyang malapad na katawan sa pangangaldag nya sa loob na talaga namang ininda ng kanyang mga kabantayan. Kaya naman nakalamang sila nang malaki sa kalaban na umabot pa nga dalawampu’t siyam. Ano sa tingin ninyo ang nangyari sa Rain or Shine sa gabing ito? Matapos nga ang kanilang impressive na mga panalo na nakapaglulok sa kanila sa tuktok ay bigla silang nanlamig sa opensa at nakapagtala ng pinakamababa nilang puntos para sa kasaysayan ng kanilang prangkisa. Apatnapu’t walong puntos lamang para sa apat na quarters. Ang kanilang mga madalas na pagkuhanan ng ambag tulad nina Beau Belga at at Javee Mocon tila di man lamang nakaabot ng sampung puntos kahit na pagsamahin ang kanilang mga points. Ganoon din ang nangyari kay Nambatac – walang sting sa gabing ito si Ray. Wala ngang nakapagtapos na kahit na sino sa lineup ng Rain or Shine sa double digits. Malalang 20 percent field goal shooting na tipong yung mga normal na pumapasok nilang mga tira, sa larong ito nga ay lumalabas pa ng ring. Medyo ironic na may “Rain” sila sa pangalan pero tinamaan sila ng tagtuyot. Pero ganoon talaga eh, may mga larong malas talaga. Off-night kumbaga. Buti na lang medyo may naipundar na silang mga panalo sa umpisa ng liga. Kailangang muling mag-regroup at buuin ang kumpiyansa. Naging masaklap man ang outcome o kinalabasan ng laro nila ngayon, maaasahan naman nating susubukan nilang bumawi sa susunod. Malaking panalo rin nga ito para kay Coach Cariaso. Nakipagsabayan sila sa pisikalan at na-i-co-convert nga rin nila ang kanilang mga tira. Maaari ring dahil sa kanilang depensa kaya naman nag-struggle ang kabilang panig. Anu’t ano pa man, itong panalong ito ay makatutulong sa patuloy nilang tangkang pag-angat sa standings. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/alaska-vs-rain-or-shine-rodney-brondial-abu-tratter-a795-20210728?ref=feed_3_section https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!