GRABE ANG GINEBRA! WINAWASAK ANG KUMPIYANSA NG TROPANG GIGA! | POGOY KANINO KINUMPARA NI TIM CONE? by @PUSO Sports - Post Details

GRABE ANG GINEBRA! WINAWASAK ANG KUMPIYANSA NG TROPANG GIGA! | POGOY KANINO KINUMPARA NI TIM CONE?

Ikaapat na yugto ng kanilang paghaharap. Mahalaga ang larong ito para sa Tropang Giga dahil may pag-asa silang makapantay muli kung sakaling sila ang manalo. Kung ang magwagi naman ay ang Barangay Ginebra, isang panalo na lang ay maaari na nilang makamit ang kanilang kampeonatong pinakamimithi. #PUSOSports #GSMvsTNT #TNTvsGSM Alam naman nating hindi pa nga muling nakapaglalaro si Parks matapos ang kanyang strong showing noong Game 1. Nadagdagan pa nga ang suliranin ng TNT nang sa gabing ito ay hindi nga rin masyadong nakapaglaro si Jayson Castro dahil sa kanyang mga iniindang injuries sa tuhod. Sinubok pa rin namang punan ng iba nilang Tropang sina JP Erram at Troy Rosario ang mga numerong ibinibigay ng kanilang mga kakampi. Sila nga ang mga big men na nagsilbing sandigan ng TNT upang magbigay ng suporta. Naging mahalaga nga ang kanilang ambag dahil kung wala sila, higit na mahihirapan ang kanilang koponan. Ibang klase pa rin talaga itong si RR Pogoy. Hands down, sya ang pinaka-consistent na manlalaro ng Tropang Giga. Nakalapit sila sa dulo dahil sa kanyang mga sunod-sunod na pagpuntos. At sa sobrang init nga raw ng kanyang laro ay ayaw hawakan ni Tim Cone ang kanyang kamay. Sa sobrang init ng kanyang laro, naihambing pa nga sya sa “The Triggerman” na si Allan. Ngunit sa gabing ito, higit na angat talaga ang laro ng Gin Kings. Mukhang gumana ang ginawang taktika ng kanilang coach upang masolusyunan ang kanilang kapaguran. Banggit pa nga ni Coach Tim na ginaya nya ang kadalasang ginagawa sa NBA na kung saan nabigyan ng sapat na pahinga ang kanyang mga mandirigma. Ang resulta ay tila sila ang mas may enerhiya kumpara sa kanilang kalaban. Ang bounce sa laro ni Japeth Aguilar na mabilis na nakababa sa depensa o nakatatakbo sa fastbreak ang isa sa mga patunay rito. At bilang mga exclamation points, tinatapos nya ang mga plays na may foul counted o sa pamamagitan ng mga naglulupitang dunks. Kung si Japeth may mga dunks, hindi rin naman nagpahuli si Stanley Pringle sa kanyang mga highlights. Nandoon ang kanyang ambag sa opensa sa pamamagitan ng kanyang mga tres at mga salaksak. May isang pagkakataon pa nga na grabe ang pagbali sa ereng kanyang ginawa para lamang makatira. Ang mga kontribusyon ni Scottie Thompson, nandoon din. Kahit anong ipagawa mo sa kanya, kaya nya. Muntik na nga rin syang makapag-triple double na naman. Sa kanyang stats na 11 points, 11 rebounds at 9 assists, nakakuha si Coach Tim ng glue guy para sa kanyang team. Kung si Pogoy inilarawan ng Gin Kings na sobrang init, si LA Tenorio tinawag nyang cold-blooded. Tila he had ice in his veins sa gabing ito dahil na rin sa kanyang ipinakitang composure na kung saan hindi nga sya nagpakain sa pressure. Sa mga bitaw ni RR, palagi syang may sagot. Tulad ni Japeth na may 22 points, nasa Gineral nga nila ang huling halakhak at winakasan ang pag-asang manalo ng kalaban. Lumalaban ang Tropang Giga ngunit sadyang masyadong malaki marahil ang kalamangang kailangan nilang habulin kaya sa dulo sila ay kinulang. Tulad ng respetong binigay ni Tim Cone, hanga rin talaga tayo sa mga individual performances na ginagawa ng TNT. Iyon nga lamang ay hindi ito nagiging sapat. May ilang araw pa sila upang makapag-regroup at makapag-recover. Ano sa tingin ninyo? Kaya na bang tapusin ng Ginebra ito sa susunod na laro? Nasa kanila na muli ang momentum at isang panalo na lang makakamit na nila ang tagumpay. Buong-buo ang kanilang kumpiyansa dahil tatlong sunod na panalo pa ang kailangang gawin ng Tropang Giga para lang sila ang mag-kampeon. The next game will be an entirely different ball game. Abangan natin ang mga mangyayari sa Miyerkules. __________________________________________________________________________________ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-compares-roger-pogoy-to-allan-caidic-after-hot-shooting-in-game-4-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-glad-to-see-cold-blooded-la-tenorio-heroics-trump-pogoy-show-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/la-tenorio-makes-tnt-defense-pay-gets-last-laugh-vs-pogoy-in-late-shootout-a793-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/cone-takes-page-off-nba-playbook-as-rejuvenated-ginebra-plays-best-game-in-bubble-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/ginebra-vs-tnt-game-4-recap-box-scores-a795-20201206?ref=home_hybrid_2 https://www.spin.ph/basketball/pba/jayson-castro-injury-bone-spurs-knee-injury-a793-20201206?ref=article_next_featured https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Similar Posts!

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...