Content removal request!


HINDI DAW NAKAGALAW ang UFC LEGEND ng MAKIPAG-SPARRING kay PACQUIAO | NAGBABALA pa kay McGREGOR

UFC Legend Anderson Silva – hindi daw nakaporma ng makipag-sparring kay Manny Pacquiao. Pag-usapan natin yan mga parekoys. Tulad ni Manny Pacquiao na kampeon sa boxing – isa ding alamat at naging pound for pound UFC champion ang tinaguriang The Spider ng MMA na si Anderson Silva Hindi basta-basta ang kanyang kartada. May hawak ng record na 10 successful title defenses. Hinawakan ang titulo ng mahigit 7 taon at may record ng longest winning streak sa UFC na 16 straight wins. Pero ang di alam ng iba - bago napunta sa mixed martial arts si Silva, naging professional boxer muna ito. Kumubra lang ang Brazilian ng 2 laban – isang talo at isang panalo. Pero kahit na naglalaro na si Silva sa UFC – patuloy niya pa ding hinahasa ang kanyang boxing skills. Dito niya nakilala ang award winning boxing trainer ni Pacquiao na si Coach Freddie Roach. Hindi lang pala mga sikat na boxer ang sinanay ni Roach, andiyan din ang mga sikat na UFC Fighters tulad nina BJ Penn, Andre Arlovski at George St-Pierre. Ilang araw bago ang historic fight ni Pacquiao kay Thurman – lumabas ang video mula sa ESNews na tinatanong si Anderson Silva kung ano ang nangyari sa sparring niya kay Manny. Hindi na nagdalawang isip ang mixed martial arts legend sa kanyang sagot tungkol sa kanyang karanasan sa pakikipag-sparring sa ating pambansang kamao. Ang kanyang deretsuhang sigaw – lagi daw siyang tinatamaan at hindi nakagalaw sa mga kombinasyon ni Manny. Hindi malabo na pinahirapan nga ni Pacquiao si Silva. Alam natin na sanay itong si Manny sa malalaking kalaban tulad na lang nina Dela Hoya, Mosley,Cotto at Margarito. At kung timbang at height naman ang pag-uusapan, magmumukhang bunsong kapatid lang ni Silva si Pacquiao. Pero pagdating naman sa bilis at footwork, tiyak na hindi talaga makaka-isa si Silva. Poporma ka pa lang, may tama ka na. Nakausap naman ng TMZ ang UFC legend at natanong tungkol kay Connor McGregor. Pumabor si Silva na mas maganda daw na makalaban ni McGregor si Pacquiao at kalimutan ang rematch kay Khabib Nurmagomedov Tiyak na malaki daw ang kikitain ng dalawang superstart at nagbigay pa ng payo kay McGregor. Matatandaan na tinalo ni Mayweather si McGregor sa kanilang bakabakan. At malamang sa alamang – pagdating kay Manny- parehas lang ang resulta, pero tiyaka naman na mas exciting ang laban. Bueno – i-comment kung ano ang magandang payo nyo kay Connor McGregor #mannypacquiaothegoat #pambansangkamao