Content removal request!


Phoenix Coach nag HUGAS KAMAY | Abueva TANGGAL sa PBA

Phoenix Coach nag HUGAS KAMAY | Abueva TANGGAL sa PBA Coach Louie Alas Nag hugas-kamay sa nangyaring kaguluhan sa PBA. Ipinagtanggol ni Phoenix Pulse Fuelmasters coach Louie Alas ang kanyang sarili sa mga masasamang post at negatibong komentaryo hinggil sa kanyang pagkatalsik sa nakaraang laban ng kanyang koponan kontra sa TNT Katropa na napuno ng pisikal at mainitang tagpo Linggo nang gabi. Sinagot ni Alas ang mga pasaring sa kanya ng mga netizens sa kanyang Twitter account partikular sa nangyaring pikunan sa laro ng TNT Katropa at Phoenix Pulse Fuelmasters. Sabi ni Coach Louie Alas, "I tried to separate them both, tried ko silang itulak pareho away from each other bothe Calvin and David, sobrang lakas ko lang siguro kaya natumba c David, clarification lang, kaya ako lumapit dahil nag-aaway na, Hindi ako ang nag umpisa, watched it again, kung ako ba nag start!" Hindi pa dito nagtapos ang debate dahil inisa-isa niya nireplyan ang mga netizen na nanggugulo sa kanya. Idinagdag pa ni Alas ang kanyang pagkadismaya sa mga tagpo na kung saan hindi natawagan ng foul at agad na naawat ang mga insidente. Dahil sa inasal sa dalawang nakalipas na laro ng Phoenix Fuel Masters, pinatawan ng 70,000-piso na multa si Calvin Abueva at indefinite suspension ni PBA commissioner Willie Marcial. Si coach Louie Alas naman ay nagmulta ng 40,000-piso at dalawang game suspension. Ayon sa PBA, pinagbayad ng P20,000-piso si “The Beast” Calvin Abueva dahil sa pambabastos sa girlfriend ni Ray Parks Jr., na si Maika Rivera sa Phoenix-Blackwater game. Dinagdagan ito ng P50,000 para naman sa flagrant foul kay Terrence Jones sa laban ng Phoenix kontra TNT Katropa Texters. Sinang-ayunan naman ng mga netizen ang naging kaparusahang pinataw ng PBA sa mga naging away na ginawa ni Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters. Binigay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang hatol sa basketbolista na nasangkot pambabastos sa dyowa ni Bobby Ray Parks, Jr. ng Blackwater nitong Biyernes sa Mall of Asia sa Pasay at pakikipag pisikalan kay Terrence Jones noong Linggo sa magkahiwalay na laro ng Fuel Masters sa Commissioner’s Cup eliminations. Ayon sa isang insider ng PBA, Mukhang punong puno na si Willie Marcial kay Calvin Abueva. “Sa tingin nila commissioner Willie Marcial medyo sumusobra na si Abueva sa mga ginagawa niya. Siguro medyo mabigat-bigat na parusa na ang kailangan,” pahayag ng source. “Ang masama nito sinabi pa ni Abueva sa mga game officials na, ‘Tingnan niyo ako, bago niya sinuntok si Terrence Jones. Kaya ang lumalabas at parang binalak niya talaga.” dagdag ng insider. Itinanggi naman ni Terrence Jones na tinamaan niya ang Ari ni Calvin abueva, sabi ni Jones gumamit lang daw ng tactics si Calvin Abueva para makapag flop. Mariing itinanggi ni Terrence Jones na wala siyang hinawakan na Ari ng kahit sino mang manlalaro sa gabing iyo at obvious Flop lang daw yun ni abueva para Uuminit ang ulo ni terrence jones at mawalan siya ng ganang makapaglaro. Dahil nga mabigat ang parusang binigay kay Calvin Abueva ay hindi natin alam kung kailan ulit natin siya makikita sa PBA dahil sa pinataw na indefinite suspension, maaring abutin ito ng maraming laro bago siya ulit payagan na bumalik sa Fuel Masters. Sana nga hindi ito ang sumira sa magandang career ni Calvin Abueva, at sana nga ay makabalik na agad siya sa PBA. BACKGROUND MUSIC SOURCE: https://www.youtube.com/channel/UCht8qITGkBvXKsR1Byln-wA Tags: Noypi,Alliance,Noypi Alliance,Phoenix Coach nag HUGAS KAMAY,Abueva TANGGAL sa PBA,calvin abueva,coach louie alas,terrence jones,calvin abueva suntukan kay terrence jones,calvin abueva suspended,calvin abueva louie alas suspended,phoenix vs tnt suntukan,Jayson Castro,terrence jones hinabol si calvin abueva,phoenix fuel masters coach suspended