Content removal request!


🥊HIMALA ni MIGUEL COTTO! UMISKOR ng BIGGEST UPSET sa BOXING HISTORY! Miguel Cotto vs Sergio Martinez

MIGUEL ANGEL COTTO GUMAWA ng HIMALA! UMISKOR ng ISA sa mga BIGGEST UPSET sa BOXING HISTORY! Matapos ang impresibong 3rd round technical knockout victory ni Miguel Angel Cotto kontra sa astig ng Dominican Republic na si Delvin Rodriguez, marami ang nagsabi na nanumbalik na ang killer instinct ng puerto rican boxing superstar. Buti nga at napag-isip isip ni Miguel Cotto na palitan na ang kanyang kampo at kunin ang serbisyo ni Freddie Roach. At dahil sa panalong ito, nagbukas ang isang napakalaking oportunidad kay Cotto na lumaban sa kampeonato kontra sa nooy kasalukuyang WBC Middleweight Champ – Sergio “Maravilla” Martinez. 4 na taon ng karga-karga ni Sergio Martinez ang titulo matapos maagaw kay Kelly Pavlik noong 2010 at matagumpay niya na din itong nadepensahan ng 6 na beses. Bago ang laban, nagkaroon ng mainit na diskusyon ang magkabilang kampo dahil tinawag ni Sergio Martinez na “DIVA” o feeling superstar itong si Miguel Cotto dahil sa mga kundisyones bago ang laban. Request daw ni Cotto na siya dapat ang nasa A-Side, siya din ang nasa red-corner, siya din daw ang dapat na huling papasok sa ring at huling ipakikilala ni Michael Buffer. Kumbaga pagdating sa ganitong sitwasyon e, talagang mag-iinit si Sergio Martinez dahil unang-una e, siya ang kasalukuyang kampeon kaya siya dapat ang may Karapatan na mapunta sa A-side. Kaso maganda din naman ang katwiran ni Cotto kung bakit siya nag-demand na siya dapat ang nasa A-side. 2 beses na ding kasing pinagdaanan ni Cotto ang malagay B-side sa laban – una ay ang historic bout kay Manny Pacman Pacquiao kung saan siya ang WBO Welterweight champ. Pangalawa – ay ang laban kontra kay Floyd Money Mayweather Jr kung saan hawak naman ni Cotto ang WBA Super Welterweight crown. Bukod pa dito 9 na beses ng lumaban si Miguel Cotto sa Madison Square Garden at sold out lahat ng tickets. Kaya sa kanyang palagay e siya ang may Karapatan na malagay sa A-Side. Come fight night – medyo may nabago sa mga kundisyon ni Miguel Cotto dahil si Sergio Martinez ang huling nag ring-walk at huling ipinakilala ni Michael Buffer. Pero nakuha naman ng puerto rican ang red-corner. Lyamado ng bahagya sa pustahan si Sergio Martinez kaso ang hindi alam ng karamihan, may iniinda pang injury si Martinez na nakuha sa kanyang huling dalawang laban. Nabalian ng buto sa kaliwang kamao at agad na inoperahan ang napunit na litid sa kanang tuhod ni Sergio Martinez after ng successful title defense kontra kay Cezar Chavez Jr noong September 20I2. Matapos naman ang matagumpay na 6th title defense kontra kay Martin Murray noong April 20I3 – na-damage muli ang kanang tuhod ni Sergio Martinez at kinailangang maoperahan sa pangalawang pagkakataon. Kaya ang target ng team Cotto – sa unang round pa lang e, tetestingin agad nila ang mobility at reflexes ni Sergio Martinez Bago ang laban – bitbit ni Martinez ang 3inches height at 5 inches reach advantage. Ang nooy 33 anyos na si Miguel Cotto ay may kartadang 38 wins with 3I knockouts at may 4 na talo. Samantalang ang nooy 39 anyos na na si Sergio Martinez ay may beteranong numero na 5I wins with 28 knockouts meron ding 2 talo at 2 draw. Nais ni Martinez na madepensahan ang kanyang titulo sa ika-pitong pagkakataon samantalang ang plano naman ni Miguel Cotto ay ang malagay ang kanyang pangalan sa boxing history bilang kauna-unahang puerto rican boxer to win a championship in 4 different weight divisions. Kaya tara mga parekoiz, panoorin natin ang full fight highlights ng bakbakang Miguel Angel Cotto vs Sergio Maravilla Martinez noong June 7, 20I4 sa Madison Square Garden in New York. Credit Music Song : Mortals Artist : Warriyo, Laura Brehm Licensed to YouTube by : AEI (on behalf of NCS); UNIAO BRASILEIRA DE EDITORAS DE MUSICA - UBEM, LatinAutor, LatinAutorPerf, Warner Chappell, Featherstone Music (publishing), LatinAutor - Warner Chappell, and 5 Music Rights Societies NCS Music : https://www.youtube.com/watch?v=yJg-Y5byMMw NCS Spotify: http://spoti.fi/NCS Free Download / Stream: http://ncs.io/mortals Fair Use Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. #SPORTSMANDA