Content removal request!


Ex teammate ni Michael Jordan, PASOK sa PBA

Ex teammate ni Michael Jordan, PASOK sa PBA Ex teammate ni Michael Jordan, PASOK sa TNT Katropa Bukod kay Terrence Jones ay may isa pang dinagdag ang TNT para lalo pa silang lumakas. At eto ay walang iba kundi, ang dating Team mate ni Michael Jordan na si Craig Hodges. Bubuhos ang TNT KaTropa ngayong Commissioner’s Cup para makabangon sa nakaraang mga talo matapos ipasok sa kanilang coaching staff ang isa sa mga deadly shooter ng NBA noong early 90’s. Mananatili sa ‘Pinas ng dalawang buwan si Craig Hodges, two-time NBA champion para sa Chicago Bulls team na pinangunahan ni basketball legend Michael Jordan, para maging shooting coach ng TNT. Mabigat ang resume ni Hodges, naging top three point shooter sa liga ng tatlong beses pagdating sa percentage, na ilista rin ang may pinakamaraming sunod-sunod na tres sa three-point contest sa 19 consecutive points. Siya lang din ang nakatapat sa record ni Boston Hall of Famer Lary Bird na nanalo ng tatlong sunod-sunod sa three-point shootout event. Sabi nga ng team manager na si Gabby Cui. “We hope he can help us further develop and improve our shooting,”ayon sa TNT team manager Gabby Cui. “He also gives us great insights with his Chicago Bulls championship experience.” Naging kasama noon ni Craig Hodges si Michael Jordan sa back to back championship ng chicago bulls noong 1991 at 1992. Isa siya sa mga deadly shooters ng Chicago bulls noong mga panahon na yon, at maging si Michael Jordan nga ay hangang hanga sa kanya. Kaya naman malaking bagay ito para sa TNT, dahil siguradong malaki ang maitutulong niya para mas lalo pa silang maging mas malakas na team sa PBA. Umaasa rin ang mga fans na sa pagdating Craig Hodges sa TNT, ay magiging mas dominante na sila sa liga, at maaring makapasok na rin sa Championship. Maaring mas maging malakas pa sa Three points si Jason Castro dahil sa tulong ni Craig Hodges, at Maswerte ngayong season ang TNT dahil na sa team din nila si Terrence Jones na isang ex-NBA Player. Sa huling laro nga ng TNT ay kinain ng buhay ni Terrence Jones si Curtis Washington upang ipakilala ang sariling bigatin siya, pinamunuan ang TNT KaTropa sa pagpaluhod sa sister company na NLEX, 102-87, Miyerkoles ng gabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City. Nakakuha ang NBA veteran mula sa Houston Rockets ng 41 points at nagbaba ng 14 rebounds, at tinambakan ang NLEX sa score na 102-87. Mabagal ang pagsisimula ni Jones sa unang quarter subalit pagpasok ng second quarter ay doon na umarangkada at binuhat ang TNT hanggang fourth quarter. Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng KaTropa subalit nahabol ito ng bahagya ng NLEX. Maraming mga Netizen din ang nakapansin na talagang malalakas na nga ang mga import ngayon sa PBA, at dahil dito ay mas exciting na ang mga labanan kaysa sa all Filipino cup. Gayunpaman, ang TNT Katropa pa rin ang naging pokus ng atensyon ng mga netizen dahil nga kay Craig Hodge at Terrence Jones. Sa mga susunod na laban ay mas makikita natin ang improvement ng TNT katropa, at kung magiging dominante nga ba sila sa liga. BACKGROUND MUSIC SOURCE: https://www.youtube.com/channel/UCht8qITGkBvXKsR1Byln-wA TAGS: Ex teammate ni Michael Jordan PASOK sa PBA,Ex teammate ni Michael Jordan,Terrence Jones,Craig Hodges,terrence jones pba,terrence jones tnt,craig hodges pba,craig hodges tnt,terrence jones highlights pba,craig hodges pasok sa talk n text,Ex teammate ni Michael Jordan pasok sa tnt,noypi alliance