NAGPAKITANG-GILAS Agad Ang New Import ng Road Warriors! | Dyip, NO ENTRY sa NLEX | CJ Perez, NAIWAN! by @PUSO Sports - Post Details

NAGPAKITANG-GILAS Agad Ang New Import ng Road Warriors! | Dyip, NO ENTRY sa NLEX | CJ Perez, NAIWAN!

Parehong kagagaling lamang sa panalo, pinagbawalan muna ng NLEX na makalampas ang Columbian Dyip sa kanila ngayong elimination round para sa PBA Governors’ Cup. #MannyHarris #NLEX #ColumbianDyip Sinubukan pa rin namang habulin ng mga taga-Columbian Dyip ang kalamangan ng kalaban sa pangunguna pa rin ng kanilang super rookie na si CJ Perez, tapos samahan mo pa ng kontribusyon ni Jackson Corpuz. Samantalang si Rashawn McCarthy, kapansin-pansin na nakapag-ambag lamang ng tatlong puntos. Nagbigay rin ng puntos at rebounds ang kanilang import na si Khapri Alston. At tila ba may gusto ring patunayan si Juami Tiongson na kaka-trade lamang din mula sa NLEX sa pagtala ng 18 points. Naging kapana-panabik ang laro dahil nakadikit sa dulo ang Dyip. Ngunit hindi nga pinalampas ng bagong import ng NLEX na si Manny Harris ang pagkakataong ito upang kaagad-agad na makapagpakilala at makatulong sa kanyang koponan sa pag-iskor ng 45 points sa gabing ito. Dahil kasabay ng mga naipuntos ng mga local players ng Road Warriors tulad nina JR Quinahan, Kiefer Ravena at Jericho Cruz, malaking bagay na natumbasan nya o nahigitan nya ang karaniwang ambag ng pinalitan nyang import na si Olu Ashaoulu. May kapayatan pero may shooting sa labas. Ang tipo nga nitong si Harris ay pure scorer na kayang makapagtala ng matataas na numero sa pagpuntos gabi-gabi na kakailanganin ng NLEX upang pagtibayin pa ang puwesto nila ngayon sa standings. Nagpatikim kaagad sya sa kung ano ang kaya nyang gawin kapag hawak nya ang bola. Sa mga nag ing bantay nya sa Columbian Dyip, may mangilan-ngilan syang naiwan sa kanyang ball handling at crossover. Magandang pangitain ito para sa NLEX. Sa mga panayam nga sa kanilang coach na si Yeng Guiao, lagi nyang nababanggit na ang kanilang pagpapalit ng import ay napakalaking gamble o sugal. At sa pinakita ngayong performance ni Manny Harris, tila nag-pay off o naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pagtataya. Nakatulong din na hindi pa rin kasi alam ng ibang koponan kung ano ang laro nito dahil bagong salta. Aabangan pa natin kung ano pa ang maibubuga nitong si Manny Harris at ng buong koponan ng NLEX Road Warriors. Consistency at chemistry ang kailangan pa nilang pagtibayin sa mga susunod nilang laro dahil markado ang kanilang koponan. At sa susunod nilang laban, agad itong masusubukan dahil TNT KaTropa lang naman ang kanilang makahaharap. KJ McDaniels na sariwa pa ang 51-point performance laban sa Meralco Bolts. Sinong Manny Harris kaya ang ating makikita? Harapan ng de-kalibreng mga imports na kahit pa nasa sister teams ay parehong may gustong patunayan. Harapan ng mga may karanasan sa NBA. Sino ang mas tatatak sa mga fans? Sino ang mas makapagbibigay ng mga solidong numero para sa kanilang koponan? __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/kj-mcdaniels-51-points-tnt-vs-meralco-pba-governors-cup-a793-20191012?ref=feed_3_section https://www.spin.ph/basketball/pba/fiery-harris-debut-clutch-quinahan-free-throws-lead-nlex-past-columbian-a795-20191016?ref=home_featured_1 https://www.spin.ph/basketball/pba/despite-strong-start-nlex-replaces-ashaolu-with-nba-veteran-manny-harris-a793-20191013?ref=article_reco_list https://www.spin.ph/basketball/pba/kiefer-ravena-recommended-manny-harris-to-play-for-nlex-a795-20191016?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/yeng-guiao-admits-nlex-taking-risk-after-replacing-reliable-olu-ashaoulu-with-manny-harris-a793-20191016?ref=feed_1_section https://www.spin.ph/basketball/pba/rashawn-mccarthy-says-extra-shooting-and-other-drills-reasons-behind-improved-offensive-skill-a793-20191011?ref=site_search https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Similar Posts!

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...