PINAYANIG ng Ginebra ang MOA! | Pringle SUMALAKSAK, Aguilar MONSTER DUNK | Na-BLANGKO ang MERALCO by @PUSO Sports - Post Details

PINAYANIG ng Ginebra ang MOA! | Pringle SUMALAKSAK, Aguilar MONSTER DUNK | Na-BLANGKO ang MERALCO

Biyernes, ika-18 ng Enero 2020, MOA Arena. Ikalimang paghaharap ng Meralco Bolts at ng Barangay Ginebra. At sa pagkakataong ito, ang isa gustong mabuhay pa ng isa pang araw, samantalang ang isa gusto nang wakasan at tapusin ang laban. Nakalamang sila noong first half. Ang tanong na lamang ay kung ma-su-sustain o mapapanatili nila ito hanggang dulo. Dahil wala namang natatapos na laro matapos ang dalawang quarters, dapat patuloy ang daloy ng kanilang opensa. Sa wakas at kahit papaano ay nakakuha na ng spark ang Meralco mula kay Maliksi. At kahit papaano, nakapagbigay muli si Baser Amer ng higit na magandang laro. Sa kabila nito, tila huli na ang lahat. Si Allen Durham ang pakay lamang sa gabing ito ay ibigay ang lahat-lahat dahil nasa bingit na nga sila ng alanganin. Wala na nga ang ka-partner nyang si Almazan, si Durham na naman ang bumuhat sa kanyang team. Nabanggit ng ating isang manonood na si Allen Durham ay tila ba ang “Karl Malone” ng PBA. Dahil sa kabila ng pagiging isa sa pinakamahuhusay, nananatiling mailap sa kanya ang mag-kampeon. Dahil kapag dating ng finals, ang import ng kalaban ay nag-iiba at nai-aangat pa ang antas ng kanyang laro. Ang tinutukoy nga natin ay si Justin Brownlee. Best import o hindi best import, binigay nya ang kailangan ng kanyang koponan para maihatid ang kanilang ikatlong kampeonato sa kamay ng Meralco. Sa mga ganitong kabigat na laro, gugustuhin mo lang talagang nasa panig mo ang isang Brownlee. Nakuha pa rin nya ang kanyang mga numero. Pero ngayon, mas binigyang-tuon nya marahil ang pagpasa at paghanap ng mga open nyang mga kakampi. Isa na nga rito ay si Stanley Pringle. Balak ay makamit ang kanyang pinakaunang championship sa PBA, iba rin talaga ang kanyang pokus at ambag para sa kanyang koponan. Maliban sa naunang laro, naging banta nga sya sa seryeng ito na kung saan nahirapan ang mga kalaban na siya ay mapigilan. Sa kanyang mahusay na pagddrible at salaksak, nabibigyan nya ng enerhiya ang kanyang mga kakampi at ang kanilang mga fans. At kung pagpapahiyaw sa mga fans lamang naman ang pag-uusapan, hindi rin nagpahuli rito si Japeth Aguilar. Sa kanyang mga supalpal at mga dunks, naging problema sya sa Bolts na hindi nila malutas-lutas. Sa huli nga ay si Japeth ang tinanghal na finals MVP. Pero syempre hindi naman nya ito magagawa kung hindi nagtiwala sa kanya ang buong team ng Ginebra. Sa seryeng ito, ipinamalas nila ang iba’t ibang paraan kung paano maaaring manalo. May nanalo na. Dito na nagtatapos ang ikatlong kabanata ng tunggali ng Meralco at ng Ginebra. Respeto pa rin sa dalawang koponan sa mga pagbibigay ng mga umaatikabo at kapana-panabik na mga laban. __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Similar Posts!

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...