Kiefer BINIRA ang Ginebra sa Kanyang mga Pasa | Tambak Pero Nakahabol | TRIPLE-DOUBLE ni JB Nasayang by @PUSO Sports - Post Details

Kiefer BINIRA ang Ginebra sa Kanyang mga Pasa | Tambak Pero Nakahabol | TRIPLE-DOUBLE ni JB Nasayang

Isang magandang laban para sa ating mga kababayan sa Dubai. Isang labang paniguradong hindi malilimutan ng mga fans ng koponan ng Brgy. Ginebra San Miguel at NLEX Road Warriors. Paniguradong nasulit ng mga nanood ng live ang kanilang mga binayad. At para naman talaga sa kanila ang pagpunta ng PBA sa Middle-East. Upang makita nila ang ilan sa mga paborito nilang teams at ilan sa kanilang mga idolo. Upang maipadama sa kanilang hindi sila limot ng kapwa nila mga Pinoy kahit sila’y nasa malayo. Maagang bumulusok ang Brgy. Ginebra noong first half, partikular na nga ang kanilang maaasahang import na si Justin Brownlee sa pagtala ng tatlampu’t tatlong puntos. Kung opensa talaga ang pag-uusapan, marami nito si JB. Nagtapos si Brownlee nang mayroong triple double. 42 points, 20 rebounds, at 10 assists. Sa larong ito ay nakakuha rin ng kontribusyon ang Gin Kings mula kila Greg Slauhter at Stanley Pringle na parehong nagtala ng 19 points. Para higit na ganahan ang mga fans, nagbigay rin ng apat na puntos si Mark “The Spark” Caguioa nang ito ay ipasok sa court. Kapag naglalaro ang Gin Kings, paniguradong mayroon silang solidong fanbase na handang sumigaw at sumuporta sa kanila – kapag sila ang may hawak ng lamang o sila ang naghahabol sa kalaban. Hiyawan ang mga taga-Dubai noong matamo ng Gin Kings ang kanilang pinakamalaking lamang noong third quarter. Bagaman nakalamang nang malaki ang Ginebra, hindi pinanghinaan ng loo bang NLEX Road Warriors. Inunti-unti nila ang pagkaltas sa dalawampu’t walong puntong lamang ng kanilang kalaban. Tila ba sila ang nakagawa ng batikang style ng kanilang katunggali #NSD Ito ay sa panguguna ng import ng NLEX na si Olu Ashaolu tapos sinamahan pa ng mga crucial baskets nila Jericho Cruz at Philip Paniamogan. At ang nagbabalik na si Poy Erram ay nakapagtala rin ng kanyang 21 points. Kumapit ang NLEX hanggang dulo. At sa sobrang tindi ng laro, umabot pa ng overtime ang laban sa pagpukol ni Kiefer Ravena ng tirang nagpa-all sa kanila sa Ginebra. Di alintana ang pagod at hiyaw ng mga fans ng mga taga-Barangay. Kahit na kaunti lamang ang naipuntos ni Ravena dahil na rin sa magandang depensa ng Ginebra, nakapagtala naman sya ng career-high sa aspeto ng assists. Labimpitong assists para sa kanya na lagpas sa kalahati ng kabuuang naitala ng Gin Kings. Dagdag pa rito ang kanyang team-high seven rebounds tulad ni Olu. Dalawang puntos lamang ang naghiwalay sa magkabilang koponan nang matapos ang laro. 113-111 pabor sa NLEX. Uuwi ang mga nanonood sa Dubai nang maraming baong kwento sa kanilang nasilayang laro. Walang gustong bumitaw. Instant classic. May panahon pa para makabawi ang Gin Kings at makaangat sa standings. Para sa Road Warriors, they are on the right track – nananatili sila sa magandang direksyon upang malampasan ang kanilang naabot noong mga nakaraang kumperensya. __ Patuloy nating suportahan ang #PBAonESPN5: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.spin.ph/basketball/pba/brownlee-praises-nlex-after-his-triple-double-for-ginebra-goes-for-naught-a1374-20191006?ref=feed_2_section https://www.spin.ph/basketball/pba/marked-by-ginebra-defense-kiefer-ravena-responds-with-17-assists-for-nlex-a1374-20191006?ref=feed_2_section https://www.spin.ph/basketball/pba/ginebra-vs-nlex-dubai-justin-brownlee-pba-governors-cup-a795-20191006?ref=feed_2_section https://www.spin.ph/basketball/pba/pba-sets-dubai-return-either-for-finals-game-or-all-star-showpiece-a1374-20191007?ref=feed_1_section https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

Similar Posts!

Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!
Tyler Bey, Magnolia Hotshots, Mayroong WINASAK! | Calvin vs Calvin | SISIW lang ang KALABAN?!

Pagkatapos ng larong ito ay muli na ngang magbabalik ang dating coach ng TNT Tropang Giga – si Coach Chot Reyes.



121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!
121 Points! GRABE Naman Iyon! | Bakit HINDI PINAGLARO Si James Yap?! | Pwede Ba Siya Sa Gilas?!

Mabigat ang kanilang laro ngayon, do-or-die para sa Rain or Shine. Sa mga ganitong laban, ang paglalaro ni James Yap ...



Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!
Scottie Thompson, Sino ang BINARIL?! | TINIK sa Kalaban | Brgy. Ginebra, PINAGBIGYAN Lang Ba?!

Paskong-Pasko at sa kanilang paghaharap ay ang mga nakaputi ay maglalaro lamang ng All-Filipino. Kahit papaano ay ...



NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!
NAKAGUGULAT ANG NANGYARI! | WALANG SINANTO KAHIT PA IMPORT | BAGONG DISENYO NG NORTHPORT?!

Mayroong kakaibang naganap sa kanilang paghaharap. Ngunit malay mo planado pala ang lahat. Yung tipong akala mo sila na ...



Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!
Jamie Malonzo, GALIT na GALIT sa Ring! | NAGLAMBITIN pa nga! | Ginebra at Terrafirma, SALPUKAN!

Balak mang-silat ng isang koponan na muntikan na nilang magawa sa kapatid na team nitong kanilang kalaban. Kaya dapat ...



TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights
TNT, PINASABUGAN ang Kanilang Kalaban! | MAINIT! KABAGO-BAGO pa lang! | TNT vs Blackwater highlights

TNT Tropang Giga kontra sa Blackwater Elite. Isang koponang kasalukuyang nasa tuktok ng standings habang ang isa naman ay ...



James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON
James Yap, BINASAG ang KATAHIMIKAN! | EKSENA ay INAGAW, One Million | MATABA NOON, KUNDISYON NGAYON

Alam naman na natin ang kinahinatnan ng laban sa pagitan ng Meralco Bolts at Rain or Shine. Pumabor ang laban sa koponang ...



Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area
Gin Kings, PINAYANIG ang MOA Arena! | Kobey at Dragons, GUSTO pang HUMABOL! | Ginebra vs Bay Area

Sa harap ng record crowd sa loob ng MOA Arena, naganap ang larong maituturing mo nga naman talagang pivotal. Game 5 na ...