NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!
NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!

Ibang klase ang hatid na galak kapag nakakikita ka ng fans sa Araneta. Tila nagkakaroon ng dagdag na motibasyon upang makapaglaro nang maganda sa harap nila. Lalo na kung ang laban ay kontra Ginebra – nais siguro ng kabilang koponan na mapatahimik ang mga manonood na sa kabilang koponan nakasuporta. At kung naglalaro ka naman para sa Gin Kings, nanaisin mo marahil na masuklian ang bawat sigaw at dagundong na hatid ng iyong mga ka-Barangay. #PUSOSports #BarangayGinebra #PhoenixFuelmasters Sa larong ito, nahanap ni Matthew Wright ang kanyang shooting touch. Dinagdagan pa nga ng anim na steals at walong assists. Isa sa mga dahilan kung bakit naging sagana sa puntos ang Phoenix Fuelmasters sa gabing ito. Naging maganda ang daloy ng kanilang opensa na kung saan si Matthew nga ang isa sa mga pangunahing sandigan. Nandoon din ang tulong ng iba pa nilang gwardiyang sina Chris Banchero na nakapagtala ng labingwalong puntos. Habang si Aljun Melecio na naging ka-relyebo nya, nakapagbigay rin ng labinglimang puntos na dumating sa mga panahong dikit at mabibigat ang bawat possession. Samantalang ang import ni Coach Topex na si Paul Harris, hindi rin naman nagpahuli. Bagkus, pinatunayan niya kung bakit isa sya sa mga palagiang kinukuhang imports sa liga. Steady ang pulso at kahit na may bantay nga ay buong loob syang tumitira sa harap nito. Kaya naman dalawampu’t anim na puntos ang kanyang na-i-ambag sa gabing ito. Sapat upang kahit papaano ay mapantayan ang import ng kalaban. Bagaman hindi nakapaglaro si Stanley Pringle, nakakuha ang Gin Kings ng produksyon mula sa iba nitong manlalaro. Una sa listahan ng mga magadan ang nilaro ay si Arvin Tolentino. Samantalang si Justin Brownlee, solido rin ang mga numero sa kanyang apatnapu’t walong minuto sa loob ng court – 31 points, 9 rebounds, at 8 assists. Almost a triple-double. Naasahan namang pumigil at depensahan ang import ng kalaban itong si Christian. Ginawa ito ni Standhardinger kasabay ng kanyang pagbibigay ng halos kaparehong numero ni JB. Tatlumpung puntos at siyam na rebounds sa loob ng apatnapung minuto. Sya ang nagsilbing tinik sa lineup ng Phoenix sa ilalim. Samantalang si Scottie Thompson, mahusay rin ang ipinamalas kontra Fuelmasters off the bench. Lagpas sampu ang puntos na sinamahan pa ng pitong rebounds. may isang pagkakataon pa ngang si Paul Harris pa ang kasabayan niya sa isang loose ball. Nahirapan din ang kanyang mga kabantayan dahil sa pagiging malikot nitong si Iskati. Ang mga bira ni Tenyente ang talagang nagdala sa Ginebra upang pagharian ang gabing ito. Tulad ni Justin Brownlee, almost triple double din itong si Luis Alfred sa kanyang stats na 15 points na sinamahan pa ng walong rebounds at siyam na assists. Umuulan ng mga magagandang numero. At kasabay nito, ang pag-ulan din ng mga crucial na three points na nagsilbing pangtabla noong ikaapat na quarter at dagger o pang-baon noong overtime. Nakasabay ang Phoenix, pero sa dulo may mga crucial plays na hindi talaga umayon sa kanila. Mga turnovers at missed free throws na sana ay nakapag-seal na ng panalo para sa kanilang koponan. Bagaman maganda ang produksyon ni Jason Perkins maaga niyang nilisan ang laro dahil sya ay fouled out na ilang minuto pa ang natitira. Nasa kamay na nila ang W, iyon nga lamang nawala pa. Bilog talaga ang bola, at habang may segundo pang nalalabi, kailangan talagang walang bibitaw. Never say die – iyan na naman ang ginamit ng Barangay Ginebra. Nanakawan pa ng panalo ang Phoenix. Nanaig muli ang mga hari at pinatunayan nila kung sino ang higit na may composure sa end game. Pinatunayan ng Gin Kings na kaya nilang mag-execute o makagawa ng mga big time plays kung kinakailangan. Kaya naman may ngiting umuwi ang kanilang mga fans. Ano ang masasabi ninyo sa larong ito? Best game of the conference so far o sakto lang? __________________________________________________________________________________ Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: https://www.youtube.com/channel/UCXDG9ue-emCN8Ad3h7lERqQ Manood ng live! Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO! This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc. https://www.pba.ph/recap https://www.pba.ph/gallery Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!





Popular Tags

#Shot Goals  #Miami Heat  #Best Ball Controls  #Ronaldinho  #Best Goalkeeper Saves  #Thomas Muller  #Allen Iverson  #Paul Pogba  #Football Defensive Skills  #Kawhi Leonard  

Popular Users

#MichelleDBeadle  #themichaelowen  #SHAQ  #jtimberlake  #blakegriffin23  #wizkhalifa  #ddlovato  #jimmyfallon  #taylorswift13  #StephenCurry30  #rihanna  #AntDavis23  #jadande