Content removal request!


NAGPASIKLAB! Terrence Romeo IBALIK sa GILAS | SMB vs Shenzhen China

NAGPASIKLAB! Terrence Romeo | SMB vs Shenzhen China NAGPASIKLAB! Terrence Romeo IBALIK sa GILAS | SMB vs Shenzhen Aviators Muli nanamang pinatunayan ni Terrence Romeo na nararapat talaga siya para sa National Team. Sa pangunguna nina Terrence Romeo, Dez Wells at Christian Standhardinger, ay sinigurado nila ang kanilang panalo kontra sa Shenzhen Aviators ng China. Parang miss na miss na ni Romeo na maglaro sa international stage dahil gigil ito sa kanyang laro kontra Shenzhen. Kahit na wala si June Mar fajardo at Marcio Lassiter ay hinde nagkulang sa mga puntos ang San Miguel dahil na rin sa tulong na naibibigay ni Dez Wells kung saan nakakuha siya ng 29 points 7 rebounds 4 assista at 5 steals. 1st quarter pa lamang ay pinakita na ng San Miguel na hinde nila pagbibigyan ang kanilang kalaban. Agaw pansin din ang mga clutch shot ni terrence Romeo, dahil dito ay mas lalong naging hype ang mga fans ng San Miguel. May mga Netizen rin na nagsabing mas malakas pa ang San Miguel kaysa sa line up ng GIlas na pinadala ng Pilipinas para sa Fiba World Cup. Marami ding mga Netizen ang nag agree na talagang dapat ng ibalik si Terrence Romeo sa national team. Nakakuha si Romeo ng 17 points, 7 rebounds at 2 steals. Maalalang umaasa noon si Terrence Romeo na mapabilang siya sa National Team pagktapos ng kanyang ban sa FIBA. Sa interview noon ay sinabi ni Romeo na nais niya ng bumalik sa National Team. lagi daw siyang handang ipaglaban ang karangalan ng Pilipinas, pero wala daw sa kanya ang desisyon kung makababalik pa siya. Sabi nga niya noon "Pag deserving ako, maglalaro ako, kasi dream ko 'yun. kung sino man 'yung mga namimili sa Gilas nasa kanila lang 'yun, kung sino 'yung mga papalaruin nila. " Bagamat talagang hindi inaasahan ang nangyareng suntukan ng Gilas at Australia. Lalo na dahil kilala ang ating mga manlalarong Pinoy na may disiplina at sportsmanship, ang kontrobersi­yal na larong ito ay tunay na nakalikha ng gusot sa kasaysayan ng Gilas Pilipinas at pati na rin FIBA. siguradong malaki ang maitutulong ni Terrence Romeo sa National team lalong lalo na at wala na si Jason Castro. Sa Tulong ng mas mainding training ay maaring si Romeo na ang papalit sa trono ni Jason Castro bilang best point guard in Asia. Kaya nga lang hanggang ngayon ay wala pang impormasyon kug may balak ang Gilas na muling kunin sa Terrence Romeo sa National Team. Sana nga ay makabalik na siya. Tags: NAGPASIKLAB! Terrence Romeo IBALIK sa GILAS,terrence romeo vs shenzen,SMB vs Shenzhen Aviators,terrence romeo shenzhen aviators,terrence romeo terrific 12,terrence romeo ibalik sa gilas,terrence romeo nagpasiklab,terrence romeo smb,terrence rome,terrence romeo smb vs shenzhen,noypi alliance,terrence romeo san miguel vs shenzhen china